MEET ME IN SAN BARTOLOME CHURCH

3K 136 80
                                    

I'm Saske Monticillo, and I'll never let her leave my side again. Loving her means embracing her weak points, and I will do so without hesitation. She is too precious to be mistreated. My bubbly, Cassendi.

Saske Lethol Monticillo's

You are the love that came unexpectedly. I didn't have time to think about it. I woke up one day and you were the first person I texted. I smiled every time I saw you, and that's when I realized you were the owner of my lonely heart.

"May pag-asa bang magustuhan mo ako kahit madaldal ako?"

Gulat akong lumingon dahil sa tanong na iyon ni Cassendi. Kinalma ko ang sarili at nag hintay ng ilang minuto bago sagutin ang tanong niya.

"Tingali," Wala sa sariling sagot ko.

Mayroon. Gusto kita.

Bumuntong hininga ako. Habang lumilipas ang mga araw mas lalo akong na huhulog sa ginagawang pangungulit ni Cassendi. Alam kong na papansin na rin ng mga kaibigan ko ang mga kilos ko, lalo na sa tuwing mag chat siya sa akin, kusa na lamang ngingiti ang labi ko. Kahit anong pilit ko, hindi ko talaga magawang labanan.

Nauulol ako kay Casse at hindi ito normal!

Hinilamos ko ang dalawang palad sa mukha! Hindi ako makapag focus sa tinuturo ng prof namin!

Nakailang kurap ako nang bigla siyang tumawa. Taka kong nilingon ang katabi na tumatawa rin. Nang tanungin ko siya, nag joke raw si Prof.

Mabilis kong kinuha ang cellphone at patago siyang kinuhanan ng litrato.  Natawa ako matapos mangibabaw ang tawa niya sa mga kaklase namin.

Kahit kailan talaga, Cassendi Jeremiah. Palagi mo na lang akong pinapasaya.

Iniwas ko ang paningin pag lingon niya sa gawi ko. Nag kunwari akong nakikinig sa teacher kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko. Halos. Manginig ang dalawa kong tuhod dahil sa titig na ginagawa niya!

Damn you, Casse! Stop staring!

Pag-uwi sa bahay, inaya akong kumain ni mama pero tumanggi ako. Ewan ko ba. Nasanay na akong kumain mag-isa kasi ganoon naman ako noong bata pa. Kumakain mag-isa.

Your smilep is my favorite view. Your laugh is my favorites music.

Pinost ko sa private instagram ang picture niya.

Safe naman dito. Hindi niya malalaman.

Pinigilan kong ngumiti habang ginagawa sa kaniya ang Psychology love eye trict.

Ang ganda talaga.

Don't leave my side no matter what, Casse, you are the source of my hapiness. Kapag kasama kita, nakakalimutan ko ang mga malulungkot na bagay. Nagiging madaldal ako kapag kausap ka. Komportable ako kapag mag kasama tayo. Sobra na akong na huhulog sa ‘yo at hindi ko na lalabanan ito.

Tumingala ako sa kisame bago mag tipa sa laptop. Ngayon ang araw ko isusulat ang epilogue. Ayaw ko pang tapusin dahil hindi ko kayang umamin kay Casse kapag na basa niya ito.

Yeah, huwag kang torpe, Saske.

It's a now or never.

Sa dulong bahagi ng epilogue ko inilagay ang I LIKE YOU, 07.

Isa pa iyong code na sinabi niya ang na kapagpangiti sa akin.

Kinabukasan, pag tapos ng seminar namin ay agad kong kinuha ang isang rosas sa bag na pinutol ko sa hardin ni mama.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now