Chapter 25

1.3K 58 16
                                    

This chapter is for u: @Wildprincess04. Can't tag u.

Isinarado ko ang librong binabasa. Inangat ko ang paningin sa tapat ng simbahan. Nandito ako ngayon sa gilid ng San Bartolome Church. May mahabang upuan na kahoy na ngayo'y inuupuan ko. Kanina pa ako rito. Umalis ako sa bahay alas singko ng madaling araw. Mag alas otso na ng umaga. Maraming tao ang pumasok sa loob. Palibhasa'y araw ng linggo.

Iniiwas ko na lang ang paningin kapag may nakikitang pamilyang buo na sabay-sabay nag pumapasok sa loob habang may mga ngiti sa labi.

Ilang days na rin akong absent sa school. Sabi ni Saske ginawan niya ng paraan para hindi ako mahuli. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin.

Hindi ko masabi kay Tita Mildred ang nangyari. Tumatawag siya sa akin. Bakit raw hindi sinsagot ng nanay ko ang mga tawag ni Tita. Nag dahilan ako na busy si mama sa trabaho kaya hindi niya na sasagot.

Kanino ako lalapit ngayon? Nahihiya akong mangutang at mag sabi sa mga kaibigan ko. Hindi ako sanay na kinaaawaan nila ako. Ako yung sanay sa pang-aaway sa kanila. Ayokong isipin nila na mahina akong tao. Na umiiyak na agad kasi iniwan ng nanay.

Sino ba namang hindi iiyak?

Bumuntong hininga ako. Wala pa akong ganang umuwi sa bahay. Wala namang taong nag hihintay sa pag-uwi ko kaya kahit anong oras, pwedeng-pwede. Kahit nga ata hindi na ako umuwi roon, ayos lamang. Wala namang magagalit.

Kumunot ang noo ko nang makitang tumatakbo si Saske sa kabilang kalsada kung saan nakatayo ang restaurant ni Chef Montini.

Umirap ako.

Gago pala. Akala ko matinong lalaki. Ang immatured mag isip. Revenge his ass. Kapal talaga ng mukha. Kapag nag kita ulit kami masasapak ko ang mukha niya. Wala akong pakialam kung mawarak ang kagandang lalaki niya. Apaka-hayop. Sarap sungalngalin.

Nakatingin ako kay Saske habang palingon-lingon siya sa buong paligid.

Sinong hinahanap ng isang ‘to? Naka-uniform pa. Paano kaya siya nakatakas sa guard?

Hingal na hingal ang itsura niya pag lapit sa akin. "Nandito ka lang pala."

"Uu, ano?" Takang tanong ko.

"Dadalhan ka sana ng almusal ni Thorch kasi wala siyang klase ngayon.  Pag dating niya sa bahay niyo, wala ka roon. Walang tao. May nag sabi kay Thorch na nakita ka raw umalis ng bahay kaninang madaling araw. He texted me. Lumabas ako ng Campus para hanapin ka."

"Hmm." Tumango ako. "Upo."

"I have class, Casse. Let's go home. Ipapatingin kita kay Tho—"

"Huwag na. Sasabihin ko na ‘yung dahilan kung bakit ako nag kaganito. Mapapagalitan ka rin naman ng teacher mo, lubos-lubusin mo na," pang dedemonyo ko sa kaniya.

"Okay. Mag absent na lang ako. Ipapasuyo ko kay Sunny na dalhin rito ang bag ko mamaya." Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. "Alright. Tell me what really happened. I'm listening."

"Si mama... Mahal na mahal ko ‘yon. Mahal niya rin naman ako. Mahal ako ng mama ko pero alam mo ba? Ipag papalit niya ako para sa isang lalaki," natatawang sambit ko. "Iiwan niya ang sariling anak para sa sariling kasiyahan. Ewan. Parang bata ang mama ko, eh..."

Mula rito sa labas, na ririnig ang paninermon ni Father sa loob ng simbahan. Bahagya ko pang tinagilid ang ulo dahil sa sermon niya tungkol sa mga batang sinisira ang buhay. Natamaan ako roon. Tagos na tagos hanggang kalamnan.

"Si papa naman, veterans na ‘yon sa pananakit ng damdamin ko... Nakita mo naman kung aning ginawa niya sa akin ‘di ba?Ang saya-saya ko pa noong inaya niya akong lumabas kasi akala ko ipapakilala niya na ako sa totoo niyang pamilya. Na tanggap na nila ako pero hindi... Hindi ko nga alam kung kailan pa ako naging kabit ng sarili kong tatay."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now