SPECIAL CHAPTER

116 4 0
                                    

After 3 years na sulatan ko rin ito. Hehehe. Enjoy. Bigla ko lang na isipan.

****
"Saske!"Sigaw ko na kahit kabilang kalsada maririnig. "Hindi ako na tutuwa sa 'yong animal ka," Inis na sambit ko.

"Inaano kita?"

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Parang ano... pumintig mga ugat sa utak ko matapos marinig ang sinabi niya.

"Inaano mo ko? talagang nag tatanong ka pa?" Pinag babato ko sa kaniya bawat unan na mahahawakan ko.

"Wala akong ginagawa, ah?"

Totoo naman wala siyang ginagawa pero kahit na galit ako sa kaniya. Ang kapal nang mukha.

Tinarayan ko siya at kunwaring nag isip. "Aha!" Muling sigaw ko habang nakaturo sa kaniya. "Ano gagawin mo kong katulong?! Para sabihin ko sa 'yo asawa mo ko... asawa ha? baka nakakalimutan mo. Hindi mo ko katulong kaya matuto kang ilagay sa tamang lalagyanan iyang mga damit na hinuhubad mo. Ang galing galing mong gumawa sa kama—"

"Natin," pag tatama niya pa sa akin.

At kailan ako naging mali?!

Bahagyang lumaki ang butas ng ilong ko. Tiningnan ko muna siya nang masama bago tumayo. Dumiretso ako sa cabinet at kinalkal ang mga dokyumento.

"Beh, wala naman akong ginagawa. Isang linggo ka na ganiyan sa akin. Mas gusto mo pa katabi 'yung pusa natin kaysa sa akin. Ni hindi mo ko kinikibo pero okay na itong sinisigawan mo ko at least nag uusap tayo."

Asan na 'yon? Alam ko dito ko lang nilagay 'yon.

"Beh naman, Sampung taon na tayo kasal oh... hindi naman na tayo teenager para mag away nang ganitong kalala. Na pag-uusapan naman lahat sa tamang paraan. Stress na nga ako sa office nag aaway pa tayo. Hindi ako makatrabaho maayos."

Inis ko na naman siyang tiningnan. Nag pogi sign pa at tinaas baba ang dalawang kilay.

"Atsaka baby ko," biglang lambing na sabi niya dahilan para pumuntig na naman tenga ko. "Sorry na. Ano ba ginawa ko? Kung meron man ... sabihin mo sa akin. Mag sorry ako at papaliwan—"

"Manahimik ka! Hindi ka na nag exist sa mundong 'to!" Iritableng sagot ko sa kaniya at pinunit ang birth certificate niya.

Nanlaki bahagya mga mata nya. "Casse! Casse naman," Aniya.

Iniwas ko ang paningin sa kaniya. Naluluha ako. Imposible naman na PPD to. tatlong taon na simula noong pinanganak ko ang bunso namin.

"Labas," Mahinahong utos ko sa kaniya.

Tumagal nang ilang segundo ang titig niya sa akin bago napapabuntong hiningang lumabas nang kwarto.

Ganito ba talaga kapag mag asawa na. Mas naging sensitive ako ngayon kumpara noong kabataan ko. Kahit maliit na bagay natatawa ako. Ngayon naman pag tawanan lang ako na iirita ako.

"Hello, Patch."

"Uy, Casse. Pasensiya ka na hindi ko na sagot una mong tawag kasi inaasikaso ko 'yung kambal. Graduate na sila."

"Ah, talaga? Mga nanay na talaga tayo. Dati lang tatakas pa tayo para makagala."

"Okay ka lang ba? na nginginig boses mo."

"O... Oo... O-oo naman. Ano lang..." Kusa akong huminto at umiyak na lang bigla.

"Ano nangyari? bakit ka umiiyak? punta kami ni Thorch dyan—"

"H-hindi na. Gusto ko lang talaga may makausap. Nag dadamdam ka ba kapag ano... hmm... nakakalimutan ni Thorch Anniversary... wala pala. Congrats sa kambal sabihin mo. Dadalawa ko sila kapag may bakanteng oras," pag-iiba ko sa usapan.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now