Chapter 26

1.2K 49 13
                                    

Dati pasko ang pinakamasayang okasyon para sa akin. Naalala ko pa noong bata ako. Kung saan-saang lupalop kami nakakapunta ng mga pinsan ko para mangaroling. Tapos uuwi kami sa bahay paea pag hatian ang pera at candy na ibinigay ng mga tao sa amin.

Bumibili pa ng costume si Tita Mildred para maganda raw kami tingnan sa mga tao. Nag aaway pa kamo noon kung sino ang mag susuot ng pinakamagandang damit. Ako ang palaging nananalo. Ako ate nila. Walang mga palag sa akin.

Abenta pa lang ng disyembre, na mimili na kami ng mga pamasko. Joy pa ang pangalan ng damit. Feeling ko mayaman ako kapag maganda ang damit. Tapos may ribbon pang design sa ibabaw ng buhok.

Tapos kapag pasimple kaming kumukupit sa candy na binili nila. Ako ang ituturo nila kapag na huli kami. Ako itong kaunti ang kinuha, ako pa ang nasisi sa bandang huli.

Pero okay lang. At least, masaya kami.

Sabay-sabay kaming nag sisimbang gabi... Dati.

Ngayon? Hindi na. Ako na lang mag-isa. Isa-isa silang umaalis sa buhay ko.

Tahimik akong nakikinig ng misa ni Father Adonis. Alas tres ng madaling araw nang  magising ako. Alas-kwatro ang unang misa kaya naman nag simba ako.

Speaking off pag-iisa. Hindi pala ako mag-isang nag sisimba. Kasama ko ang tatlong bibe, si Thorch at Saske. Mag kakatabi kami sa upuan. Nakaka-antok pero kaya naman. Ang ganda ng topic ni Father. Nag eenjoy ako ng hustom.

Sabi nila matutupad ang wish mo kapag na kumpleto ang siyam na siyam na simbang gabi. Naniniwala ako roon. Dati ang wish ko sana mag karoon kami ng malaking TV tapos pag tapos ng pasko, bumili si mama para daw may panooran kaming pamilya at hindi na pumupunta sa kapitbahay.

"Pasimpleng hawak itong si Saske sa kamay ni Casse kanina noong ama namin," biglang sambit ni Kiko.

Nag lalakad kaming anim ngayon palabas ng simbahan. Nag picture pa sila kanina kaya natagalan kami.

"Hala! Na pansin mo rin? Ang higpit ng hawak ni Saske sa kamay ko tapos pag tingin ko sa pag kakahawak niya kay Casse, so soft!" Pang-aasar ni Daniel.

"I noticed it, too," dagdag ni Thorch.

Pinanlakihan ko sila ng mata! Mga buwakinangshit ito! Kakasimba ko lang, pinag mumura ko ma sila agad sa isipan ko!

"Tss. Mga inggit lang kayo," sambit ni Saske sa kanila.

Lumaki ang butas ng ilong ko matapos niyang hawakan ang kamay ko! Hindi lang basta hawak! Holding hands pa! Bigla akong na-uhaw!

Jusko! Mahabagin! Kakasimba ko lang! Mukhang mag kakasala na naman ata ako dahil sa holding hands na nangyayari ngayon! Hindi kinakaya ng buong sistema ko! He smiled at me, sweetly. At sa paraan ng pag ngiti niya, kumalma ang buo kong sistema. The only thing that matters is i feel safe in his side.

Narinig ko ang asaran ng mga kaibigan namin. Nauuna kaming mag lakad ni Saske habang sila ay na sa likuran, kumakain ng putobongbong na pinaluto kaya kami na tagalan sa gilid ng simbahan.

Bumili kami ng almusal sa palengke bago umuwi sa bahay. Mag kakasaby na umalis ang tatlong bibe.  Si Thorch naman matutulog pa. Kaya kaming dalawa ni Saske ang tao ngayon dito sa bahay.

"I have gift for you," aniya.

"Talaga? Ano? Patingin nga," ngiti ko.

"Here."

Iniabot niya sa akin ang kwintas na may letrang C.

"Thank you! Nag abala ka pa!"

"Ako ang mag susuot ng letrang may pangalan mo. You'll gonna wear this." Ipinakita niya sa akin ang isa pang kwintas na may Letter S.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now