Chapter 23

1.1K 44 19
                                    


Sunod-sunod ang mga mensaheng pumasok sa cellphone ni mama. Lahat galing kay Tito Manse. Karamihan ng conversation nila puro sa pag tatanan. At ang mas lalong ikinasikip ng dibdib ko ay pang pag sang-ayon ni mama.

Bumuntong hininga ako bago umupo sa coach.

Hindi ako naniniwala sa pag-uusap nila. Ganito rin kami dati mag biruan ng boyfriend ko na mag tatanan kunwari pero hindi naman totoo. Para lang sumigla ang usapan naming dalawa. Atsak, ayokong iwan si mama mag-isa. Hindi ko kayang ipag palit ang mama ko para lang sa isang lalaki na hindi ako sigurado kung mamahalin ako habang buhay.

Kung mahal niya ako, hindi namin kailangan mag tanan. Mabait naman si mama. Pinapayagan akong mag boyfriend.

"Ma," nakangiting tawag ko pag pasok niya sa may pintuan.

Gulat ang lumabas na reaksyon sa mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang damit. Ito ‘yung mga klase ng damit na isinusot niya tuwing aalis siya.

"Kain tayo sa labas?" Muling sambit ko. "Pagod ka siguro sa trabaho mo kaya hindu mo na asikaso ang birthday ko."

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang tahimik at hindi makatingin sa akin.

"Aalis daw kayo ni Tito Manse? Mag tatanan?" Dagdag ko.

"Casse..."

Tumango-tango ako. Parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.

"Bakit mo ako iiwan?" Pinilit kong ngumiti na na punta sa ngiwi. "Birthday ko, Ma, oh? Birthday ng nag iisa mong anak."

"Hayaan mo naman maging masaya si mama."

"Kapag sumama ka sa kaniya at iniwan ako... Masisira ang buo kong buhay. Ikaw na lang ang meron ako... Huwag mo naman akong iwan at ipag palit para sa isang lalaki lang..."

"Buong buhay ko, walang lalaking tumanggap sa akin, Casse. Wala. Si Tito mo lang. Siya lang. Kaya sana maintindihan mo ako. Malaki ka na at kaya mo nang mabuhay mag-isa. Ayaw mo bang sumaya ang mama mo—"

"Paano ako magiging masaya, Mama?!" Tumaas ang boses ko. "Paano?! Kung ang sarili kong nanay aalis?! Akala ko ba pamilya tayo? Akala ko walng iwanan?"

"Your father...r-raped me... Tinatanong mo ang dahilan kung bakit wala kang tatay, ‘di ba? He raped me!"

"Mama," nasasaktang sambit ko.

Akma akong lalapit sa kaniya pero hindi umatras siya.

"Oo, mahal kita! Oo! Pero intindihin mo ako, Cassendi! Kapag nakikita kita, na aalala ko ang kababuyang nangyari sa akin!"

"Pero wala namn p-po akong kinalaman..." Umiyak ako. "K-kung ni rape kayo ni papa sana naman pina-ampon nyo na lang ako... Hindi yung ganito, Mama... Minahal niyo ako tapos iiwan niyo na lang ako bigla? H-hindi ko naman kasalanan kung baki—"

"Pasensya... Sana maintindihan mo..."

Lumapit siya sa may hagdanan. Binuksan niya kahon. Kinuha niya ang mga ibang damit at inilagay sa malaking bag. Nakatulala lang ako sa ginagawa niyang pag impake ng mga damit. Gusto ko siyang pigilan sa ginawa niya ngunit ayaw gumalaw ng katawan ko. Para akong nakadikit sa kinauupuan. For the last moment, tiningnan niya ako bago nag mamadaling lumabas ng bahay.

Inilagay ko ang mga palad sa mukha para umiyak.   Iyak ako nang iyak. Kahit kailan hindi pa ako umiyak ng ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang. Si mama lang ang nakagawa nito sa akin—Yung taong hindi ko inaasahan.

Ang gandang birthday gift naman nito sa akin. Hinanakit ang nakuha ko ngayong araw. Inis sa tatay ko dahil sa ginawa niyang kababuyan kay mama. Halo-halong emosyon sa pag-alis ng nanay ko.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now