Chapter 32

1.2K 46 9
                                    

"Gandang buntis naman niyan."

Sumimangot ako. Masama ang mga tingin ko kay Saske. Palagi niya aking inaasar.

"Oo na! Mataba na ako! Punyeta ka! Paulit-ulit!"

"Huh? Ang sabi ko ang ganda mo."

"Inuuto mo ba ako?"

"Minamahal kita..."

Napangiwi ako. Biglang sumakit ang tiyan ko. Agad akong inalalayan ni Saske pa-upo sa coach.

"Manganganak ka na ba, Casse?"

"Tanga ka! Masakit lang tiyan ko! Tatlong buwan pa lang manganganak na agad?"

"Let's go to hospital. Natatakot ako sa ‘yo."

Umiling ako. "Normal lang siguro ito. Ipunin na lang natin ang pera para sa panganganak ko. Huwag ka na masyadong kabahan diyan kasi maayos lang ako."

"Ah, nag susulat ako sa GoodNovel. May perang kapalit ang isinusulat ko. Kahit paano makakatulong ito sa atin."

Hindi pa namin sinasabi kahit kanino na buntis ako. Sa social media lang kami nag kakamustahan. Busy ang tatlong bibe sa part time nila. Si Pacco naman hindi ko gaanong nakaka-usap. Si Monique ang nag handle ng small business nila. Si Dahlia ka-usap ko noong nakaraan. Si Agusta ganoon pa rin nag kalagayan. Tanging si Thorch lang pumupunta minsan dito.

"Ah, Casse..."

"Hmm?"

"Nag invest ako sa kaibigan ko. Hininga ko lahat kay kuya ang perang pampaaral ko ngayong school year. After 8 months malalaman ang resulta."

"Mag kaano ang invest mo sa kaniya?"

"One hundred fifthy thousand. Magiging triple ‘yon, Mahal. Syempre kapag manganganak ka na, hihingiin ko ang kalahati ng pera para sa magandang hospital tayo pumunta."

"Hindi ba padalos-dalos ka sa kilos mo?"

"Pinag-isipan ko nang mabuti. Sigurado ako. Triple ang balik sa atin ng pera. May pinagkikitaan naman ako ngayon sa pag susulat at hinihintay ko ang email ng Mcdo fast food."

"Itutuloy ko ang pag tinda ng online ukay, ha? Malaki-laki rin naman ang kikitain ko doon."

"Basta dito ka lang sa bahay. Walang pag labas na involve."

"Wala po. Kain na tayo? May niluto akong pagkain habang tulog ka kanina."

"Sabi ko, ako na ang gagawa ng gawaing bahay, ‘di ba?"

"Ang boring kapag mag hapon nakahiga."

"Mag cellphone ka. Mag basa. Gawin lahat ng gusto mo na hindi mo kailangang kumilos."

Palagi kaming mag katabi sa pag tulog. Siya ang gumagawa ng lahat sa bahay. Siya ang nag lalaba, nag luluto, nag lilinis at nag aasikaso sa akin. Ayaw niya akong pakilusin. Dapat daw ang mga buntis nag papahinga. Pag handaan ko na lang raw ang panganganak kasi tiyak siyang masakit iyon.

He's so precious.

Minsan nga na iiyak na lang ako sa harapan niya sa sobrang kagalakang nadarama. Ang haba ng pasensiya kapag may tantrums ako. Umaalis siya sa madaling araw kapag umaatake ang cravings ko para bumili. Binabantayan niya ako sa hapon kasi ang likot ko raw matulog. Noong nakaraan, kamuntikan na akong malaglag sa kama mabuti na lang at nahawakan niya ako kamay. Maging sa pag baba ng hagdanan inaalalayan niya ako. Sa pag ligo naman sinasamahan niya ako. Nakabantay siya sa akin baka raw kasi madulas ako at makunan. Na sanay na ako sa ginagawa niya.

"Pervert pregnant," asar niya sa akin.

"Isa lang," nakangusong paki-usap ko.

"No sex while you are pregnant. Isipin mo ang anak ko, Cassendi. You can kiss me pero hindi..." Umubo siya. "Walang ganoon. Manahimik ka diyan, buntis."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now