Chapter 35

1.3K 53 33
                                    

Paano na ako ngayon? Gumuho ang buong mundo ko sa nangyari kagabi. Magang-maga ang mata ko. Nasasaktan ako nang sobra ngayon. Tulala ako sa labas ng bintana.

Ni hindi pumasok sa isip ko na mangyayari sa akin lahat ng ito. Parang noong nakaraan ang saya-saya naminh dalawa. Walang problema. Mahal na mahal namin ang isa't-isa.

Humagulgol ako. Nag pakawala ako ng isang malakas na buntong hininga. Yung emosyon ko, hindi ko na kayang ma-kontrol pa. Para siyang isang bomba na kahit sino hindi kayang pigilan.

Nanginginig ang mga kamay na inayos ko ang mga kalat sa sahig. Nasugatan pa nga ako ng bubog ngunit hindi ko na ininda pa ‘yon. Ang tanging sakit na nararamdaman ko ngayon ay sakit nang kalooban.

Mas lalong dumoble ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Lahat na lang sila iniiwan ako.

Binalot ko ang sarili at doon umiyak nang umiyak. Tanging pag-iyak na lang ang magagawa ko ngayon.

Isa ito sa ugali na gusto kong matanggal. Sa tuwing umiiyak ako, hirap akong patigilij ang sarili. Mana ako kay Mama na hindi kayang kontrolin ang emosyon. Mana naman ako kay papa na kayang mag sinungaling para hindi mapansin ng mga tao kung ano ba talaga ang nangyayari.

Kumatok ako sa gate nila Thorch.

"Casse?" Aniya.

"T-thorch... Nandyan ba si Saske?"

"Wala, eh. Hindi pa pumupunta dito. Why?"

Nawalan ako ng balanse mabuti at na salo ako ni Thorch. Umiyak ako sa balikat niya. Ilang beses siyang nag tanong pero hindi ako sumagot. Hindi ko kayang mag paliwanag—Hindi ko alam kung sisimulang ikwento ang nangyari.

"Pwede mo ba akong samahan sa bahay ng daddy niya? K-kailangan ko kasing maka-usap si Saske. M-may misunderstanding kami..."

Bumuntong hininga siya. "Alright. Hintayin mo ako dito sa labas. Kukuhanin ko ang kotse para sabay tayong pumunta sa kanila. Hindi ko man alam ang nangyari pero pag-usapan niyo ‘yan. May anak na kayo. Hindi na kayo teenager na kahit anong oras pwedeng mag hiwalay. Isipin ninyong dalawa ang anak niyo... Huwag puro sarili."

Tulala akong nakasilip sa labas ng bintana nitong kotse. Nakikita ko sa gilid ng mata na maya't-maya ang tingin ni Thorch sa akin, nag-aalala.

Dahan-dahan ang mga lakad ko papasok sa loob ng gate nila Saske. May dalawang kasambahay na bumati sa amin. Hinatid nila kami sa living area. Tahimik ang buong araw. Pangatlong beses ko pa lang na puntahan ang bahay na ito. Una, noong nag hatid ako ng order. Pangalawa, pinakilala ako ni Saske sa pamilya niya. Pangatlo, Ngayong may problema kami. Parang patern siya. Pag sisimula namin, pag kagusto sa isat't-isa at pag hihiwalay.

Umangat ang tingin ko ko sa itaas ng hagdanan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayong mag katitigan kami. Gusto kong yakapin siya. Miss na miss ko na si Saske. Lahat sa kaniya. Gusto ko na ulit maramdaman ang pagmamahal niya na kahit sino hindi kayang pantayan.

Tumalikod siya sa akin kaya naman nag salita ako. "Saske... K-kausapin mo naman ako..."

"Bro, ano ba nangyayari? Nag aalala ang buntis mo sa ‘yo. Mag-usap nga kayong dalawa... Lagi niyo na lang tinatakbuhan palayo ang isa't-isa kapag may problema," sabat ni Thorch.

Malakas ang buntong hininga ni Saske. Pumihit sya paharap sa amin at bumaba sa hagdanan. Nag paalam si Thorch na pupunta siyang kusina para bigyan kami ng Privacy. Maging ang ilang kasambahay umalis.

"Uwi ka na," ang unang salitang lumabas sa bibig ko. "Ayaw mo naman kasi mag pa DNA test... A-ayaw mo naman akong pakinggan, eh... Hindi mo na ba ako mahal?"

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now