Chapter 5

1.4K 64 4
                                    

"Hoy, Casse!" Sigaw ni mama.

"Dyan ka lang muna, mama." Itinuro ko ‘yung mahabang pila. "Malayo ka pa naman sa mismo'ng cashier. May bibilhin lang ako."

Mabilis ako'ng nag lakad pa alis. Hindi kasi talaga ako tinitigilan ni mama na huwag na raw umalis. Eh, may bibilhin nga kasi ako. Malaki ang tinubo ko sa pag titinda. Hangga't wala pa masyado'ng mabayarin, bibilhin ko ang gusto ko. Kapag medyo marami na ang ambagan, doon ako mag titipid.

But for now...

Let's party party, beybe! Ubusin ang pera hangga't mayroon!

Kumuha ako ng mga gamot pa'ng hygiene. Hindi ko talaga matatanggap kung tatawagin ako ng mga kaklase ko na ma-bantot.

Na sa malayo pa lang ako, kitang-kita ko na ang pag ka-stress ni mama habang inilalagay sa counter ang mga grocery namin.

"Saan ka ba nag pupunta?" Sermon niya.

"Bakit ganyan itsura mo?" Takang tanong ko. "Hindi ka naman stress sa trabaho..."

Pinikit niya ang noo ko. "Paano ako'ng hindi ma-stress sa ‘yo? Umalis ka rito sa tabi ko ng walang iniiwang pera sa akin pambayad sa kanila."

"Ayon!" Pumalakpak ako. "Alam nyo na ang feeling, ‘di ba? Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko dati sa tuwing iniiwan mo ako rito sa cashier ng walang kahit mag kano para kumuha ng nakalimutan mo'ng bilhin, Mama.."

"Gumaganti ka na? Sige, ka-uusapin ko ang kaibigan ko'ng swimmer coach para hindi ka turuan ng libre!"

"Ganda mo, Ma," Pambobola ko. "Wala namang ganyanan."

"Mag dadaldalan lang po ba kayo o mag babayad na ng groceries?" Mataray na tanong ng babae.

"Hindi ka siguro mahal ng nanay mo, ‘no?" Inosente'ng tanong ko.

"Ano?"

"Sayang. Ang ganda mo pa naman sana kaso ang taray mo... Wala rin. Tatanda ka nyan." Inakbayan ko si mama. "Tara na, Ma. Kailangan nating lumayo sa mga kagaya nya'ng tao na punong-puno ng negative vibes! Jusko!"

"Wala ka ba'ng nanay, Ineng?" Inosenteng tanong ni mama. "Kasi kung wala, Hindi naman kita aampunin. Tinanong ko lang. Sige, bye! Pag patuloy mo lang ‘yang pag susungit mo para kinabukasan, tanggal ka na sa trabaho."

Natawa pa ako nang tapikin ni mama ang balikat nya. Inis na inis sa amin ang itsura ng babae. Pinag sabihan pa siya ng Manager nila bago humingi ng tawad sa amin.

Tindera rin naman ako pero hindi ako ganoon ka-sungit katulad niya. Tuwang-tuwa ang mama dahil sinama ko siya sa super market. Request niya kasi sa akin noon na kapag malaki ang tubo ko sa pag titindi, gastos naman raw ako'ng pang grocery namin.  Si Tita Mildred naman ay walang trabaho. Bale siya ang nag aasikaso sa buong bahay at si mama naman sa financial aspect.

Wala ng laman ang wallet ko. Pinambili ko na lahat ng kailangan.

"May pera ka ba, Casse?" Tanong ni mama.

Dali-dali ko'ng tinago ang wallet sa bulsa. "Po? Meron pa po, ma.."

"Sigurado ka ba? May puhunan ka pa sa paninda mo."

"O-opo.."

"Baka naman ginastos mo na rito lahat ng pera mo, ha?"

"Hindi po. Akyat na ako, ma. Patulong na lang po kayo'ng mag-ayos kila Isa at Tita Mildred. Masakit po kasi ang muscle ko sa binti."

"Sige. Tawagin kita kapag kakain na."

Saan ako kukuha ng pamasahe nito bukas? Hindi ko naman kasi alam na ganoon kalaki ang presyo ng pinamili namin. Edi sana nag tira ako kahit pamasahe manlang. Ang layo-layo ng Gardenville sa CMU.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now