Chapter 28

1.2K 50 2
                                    

"Kanta mo sa crush mo yung i live my life noong grade six ka?" Taas kilay na tanong ko matapos niyang ipabasa ang elementary notebook niya.

"Yeah...That was before... Nakalimutan ko na nga pangalan niya."

"Eh, anong kanta mo sa akin?"

"Hindi kasi ako ganoon kagaling pumili ng musika unlike Thorch... Siguro ayon na lang rin."

"Ano?! Hindi pwede, oy! Isipan mo ako! Kahit panahon pa ng mga babaylan yan, mag seselos ako."

Inambahan ko sa kaniya ang tinidor. Kumakain kaming dalawa rito sa bahay. Dinalhan niya ako ng miryenda. Inubos kasi nila ang handa ko noong pasko. Tapos handa na naman mamaya dahil sasalubungin namin ang bagong taon.

"Oh, baka mag selos ka rin sa twinkle twinkle na sabay namain kinanta noong grade one ha?"

Pareho kaming tumawa. Pinunasan ko pa ang ilang butil ng luha sa mata. Hindi na rin ako makahinga sa kakatawa. Maging siya. Tumigil lang ako sa pag halakhak ng ipasok niya ang isang kutsrang kanin sa bibig ko!

Bwukinangshit ito!

"Cutie, Casse," aniya na kinurot pa ang dalawang pisnge ko.

Naibuga ko tuloy ang kanin sa mismong mukha niya!

"Hala siya! Sorry! Kasi naman!" Natatawang komento ko.

"Baho ng hininga mo, Casse."

"Hoy! Aba!"

"Biro kang. Kain na tayo?"

Ngumiti ako at tumango. "Kain na tayo."

Pag tapos namin kumain dalawa pumunta kami sa palengke para bumili ng mga handa mamayang para sa new year kinabukasan. Malaki ang tubo ko sa ukay-ukay clothes kaya na na hati ko ang pera para may ipambayad ng kuryente at tubig hanggang sa susunod na buwan. Bumaba nga ang bill namin dahil wala masyadong gumagamit sa bahay.

"Gusto mo bang gumawa tayo ng graham?"

"I want you," pilyong sagot ni Saske sa akin.

Tinakpan ko ang bibig niya! Na palingon sa amin ang mga tao rito sa Ever Market. Hinatak ko siya paalis doon. Pinabitbit ko ang hawak na basket. Hindi ko na siya pinansin. Mamaya kung ano pang masabi ng isang ito.

Hind ko alam na ganito siya kakulit! Ibang-iba siya noong una kong makilala. Serious type siya. Bumuntong hininga ako. Sa tuwing titingnan ko siya, nginingitian niya ako na para bang ginayuma ko siya. Naiilang na nga ako sa mga tingin niya.

"Punyemas ka. Titig ka nang titig sa akin," sita ko sa kaniya.

"Ako lang pwedeng tumitig sa ‘yo ng ganiyan."

Tinulungan niya akong mag luto ng mga pagkain. Spaghetti, Chicken finger, Kare-kare seafood at mga dessert ang ginawa namin. Actually, siya lang gumawa ng lahat dahil sa tuwing mag hahawakan akong gamit sa kusina, kinukuha niya. Siya na raw ang gagawa at mag pa hinga ako sa sala.

"Bakit mo ba ako pinaaalis rito sa mismong kusina ko?"

"Just rest, Casse. Baka tulog ka mamaya habang sinasalubong natin ang bagong taon," sabi niya na hindi manlang ako tinignan, busy sa pag halo ng apaghettu sauce.

Pinag krus ko ang braso sa dibdib. "Tumingin ka nga sa akin," utos ko.

Tinigil siya ang pag halo. Nilingon niya ako. "What is it?"

"Kaya ako nandito sa tabi mo kasi gusto ko mag landian tayo tapos pinapaalis mo na ako?" Nakangusong saad ko. "Kung ayan ang gusto mo,  okay lang. Sanay ka naman siguro na hindi ako katabi, ano?"

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Место, где живут истории. Откройте их для себя