Chapter 8

1.3K 55 3
                                    

"Wala naman ako'ng ginagawa sa bahay kaya... Sama na ako kahit ayoko'ng makita si Casse." Iniwas ni Saske ang tingin niya sa amin.

"Dami namang say. Upo na rine. Mag movie marathon tayo'ng tatlo!" Nakangitiang alok ko sa kaniya.

Akala ko tatabi siya sa akin. Tumabi siya kay Thorch. Bale pinag gigitnaan namin siya. Wala naman ako'ng nakakahawa'ng sakit. Kissing booth 3 ang pinanood namin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Bakit ganoon ‘yung ending? Gagi." Hinampas ko si Thorch sa braso. "Ang sakit. Lagi na lang sya'ng iniiwan ni Noah."

"Anong masakit?" Taka'ng tanong ni Saske. "Open ending siya. It's up to us kung ano ang pag kaka-intindi natin. Happy ending siya."

Nilingon mo siya. "Huh?"

"Kung na nonood ka talaga niyan, hindi siya nililingon ni Noah kapag iniiwan siya o kaya umaalis na... Pero ngayon, nilingon siya. See? Parang pinahihiwatig na new beginning of their maturity. Baka may season four and doon ipapakita ang maturity nilang dalawa."

"Edi... Edi wow," ang tanging na sabi ko.

"Wag kasi'ng nakakatutok lang sa love story at happy ending, Cassendi. Try mo rin mag focus sa nais ipahiwatig."

"Oo na, oo na."

"Tama na nga ‘yan." Pinag layo kami ni Thorch. "Ikaw lang talaga mag-isa rito sa bahay mo? Bakit  sinabi mo kanina na may kasama?"

"Ah.." kinamot ko ang ulo. "Baka kasi may ginagawa ka. Abala pa kung sinabi ko."

"Hindi ka naman abala. Oh, wala ng chips? Kuha lang ako sa bahay."

Nag pa-alam siya sa amin para umalis. Hindi ko alam pero bigla na lang ako'ng natawa ng malakas. Inalog ko ang ulo para tumigil sa kahibangan. Takang-taka ang itsura ni Saske pag tingin ko sa kaniya.

"Crush mo na naman ako," Nakangising sambit ko.

"Asa ka," tipid na sagot niya.

"Aasa talaga ako lalo pa't pinuntahan mo ako rito."

"Tigilan mo nga ang pag sundot sa tagiliran ko, Casse," Banta niya.

Humalakhak ako. "Ang selan mo..."

"Bakit ang bango mo?"

Umurong siya palayo sa akin kaya naman mas lalo ako'ng lumapit.

"Bakit ang gwapo mo?"

Inis niya ako'ng tiningnan. Mabilis ko'ng hinawakan ang laylayan ng damit nya nang tumayo siya mula sa pag kaka-upo.

"Galit ka ba?" Biglang hinahon na tanong ko. "Ang kulit ko, eh, ano? Sorry na. Upo ka na dito." Nginitian ko siya.

Bumuntong hininga siya bago sundin ang sinabi ko. Diretso lang ang tingin niya sa may TV habang nakangiti ko siya'ng pinag mamasdan.

"Mag sasalita na ulit ako, ha? Mag papa-alam na ako kasi mamaya bigla ka na naman tumayo. Nakakatakot mag-isa sa bahay."

"Hmm?" Tamad na aniya.

"Kaya ko nakita facebook mo kasi may na pulot ako'ng cellphone sa tapat ng San Bartolome Church. Wala naman password kaya binuksan ko na." Tumawa ako. "Ayon nga.. dahil boring, nag hanap ako sa chat box nya na pwede'ng i-chat tapos na kita ko pangalan mo."

"Tapos?"

Nawala ang excitement ko dahil sa sinabi niya. Noong nakaraan ko pa gusto'ng sabihin sa kaniya kung paano ko siya na-add sa facebook pero wag na pala. Ang ano kaya sa dibdib kapag excited ka'ng mag kwento sa tao tapos hindi same energy yung ibinalik niya sa ‘yo.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now