Chapter 6

1.3K 56 2
                                    

Umirap ako sa ere.

Akala ko naman aayain niya ako'ng mag date. Mag katabi kami'ng dalawa habang siya tahimik na kumakain. Grabe, dinaig pa ang may burol sa sobra'ng ka-tahimikan.

"Ibutones mo ‘yang taas ng uniform mo," Aniya na hindi manlang ako tinitingnan.

Hinawakan ko ang bandang taas ng uniform. Hindi naman masyado'ng revealing ang dibdib ko. Kahit nga yumuko ako, hindi makikita ang cleavage.

Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya. "Uy, concern! Kung may crush ka sa akin, sabihin mo na... Hindi ‘yung dinadaan mo sa ganito," Nakangisi'ng pang-aasar ko sa kaniya.

"I'm not concern. I am just a conservative person."

"Sus! Palusot—"

"At tigilan mo ang pag sundot sa tagiliran ko," Putol niya. "Hindi ako basta-basta nag papahawak sa babae."

Tinitigan ko siya bago tumawa nang malakas. Pumalpak pa ako.

"Tignan mo ako.  Dali!"

"Bakit na naman?" Na uubusan ng pasensya'ng sambit niya.

"Dali na kasi!"

Bumuntong hininga siya. "Tapusin ko muna ito'ng kinakain bago harapin ang kalokohan mo."

Ayown naman. Yawa. Nakaka-usap ko na rin sa wakas. Akala ko, Hindi na naman ako papansinin.  Pinunasan niya ang bibig. Umayos sya ng upo pa-harap sa akin.

Una ko'ng tiningnan ang left eye nya down to his lips and up to his right eye again.

Kumunot ang noo niya. "Bakit ka nakatitig sa akin?"

"Wala ka'ng naramdaman?"

"Wala."

"Weeh? Totoo? Kahit kilig? Kahit konti'ng ilang?"

"Pag ka-irita meron pero kilig at ilang, wala talaga."

Ngumuso ako. "Hindi naman pala totoo."

"Ang alin ba kasi?"

"Psycology eye love trick ‘yung ginawa ko. Sabi kasi nila gagana raw yon sa gusto mo'ng tao kapag ginawa mo."

Pag-uwi ko sa bahay, Gulat ako, eh. Mga tahimik ‘yung pinsan ko. Pinagalitan siguro nang bongga ni Tita Mildred o kaya nama'y may bisita kami.

"Oh, Bakit ang tahimik ninyo? Himala!" Natatawang puna ko.

"May bisita, Ate," Si Isa.

"Sabi na, eh," Tango-tangong sambit ko.

"Nandyan na ba ate Casse niny—Oh, Anak, nandyan ka na pala," Nakangiting sabi ni mama.

Galing siya sa kusina.

Yinakap ko siya. "May pagkain ba, ma? Gutom na kasi ako, eh." Hinimas ko ang tiyan.

"Paluto na."

"May bisita raw tayo?"

"Na sa kusina."

Tumango ako. "Sino, ma? Kaibigan mo? Umaasenso ka na, ha? May pumupunta ng kaibigan sa ‘yo."

Dumiretso ako sa kusina. Tumayo yung lalaki pag kakita sa akin.

"Anak ka ni Cani?" Tanong niya.

"Hmm.. oho. Kaibigan po kayo ni mama?"

Umiling siya. "B-boyfriend ako ng mama mo."

Nawala ang ngiti sa labi ko. Ilang beses ako'ng pumikit. Hindi mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. Boyfriend ni mama? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now