Chapter 39

1.3K 66 25
                                    

"Tangina mo," malutong na mura ko kay Pacco.

"Tangina mo rin."

"Tangina niyong dalawa. Puro kayo mura," awat ni Dahlia sa amin.

"Sa sabado, ha? Outing tayo." Tinaasan kami ng kilay ni Agusta. "Ang hindi sumama, matatanggal na sa tropahan."

"Tss. Parang kaya mo naman?" Pag mamaldita ni Patch.

"Joke lang. Ito naman si Patcherie. Ano? Kumusta? Honeymoon? Sarap ba? Ano pakiramdam?"

"Tara na nga, Steffa. May ice cream sa kusina." Iginayak ni Dahlia si Steffa paalis.

Napailing na lamang ako. Kahit kailan talaga. Kapag ganitong usapin, lumalayo si Dahlia. Ilang na ilang.

"Sakto lang," tipid na sagot ni Patch.

"Hindi ka na excited, ano? Nagawa niyo na kasi bago pa kayo ikasal—"

"Whut?!" Gulat na tanong ko at na patayo pa! "N-nagawa na nila ang honeymoon bago ang kasal?"

"Agusta, Saan mo nalaman ‘yan?!" Nanlaki ang mata ni Patch.

"Ano kasi... Lahat naman tayo dito hindi na Virgi—"

"Virgin pa kami ni Dahlia," tanggi ni Pacco.

Walamg pumansin sa kaniya.

"Basta nakita ko ito nag ano kayo ni Thorch sa bahay niya—"

"Shit ka, Agusta. Talagang in-announce mo pa?"

Pag tapos naming mag-usap at mag bonding, umuwi na kami ni Steffa. Sumabay kami sa kotse ni Patch. Tahimik ako habang nag kukwentuhan silang dalawa ni Patch. Hindi ko na nakita si Saske after ng kasal nila Thorch. Mabuti naman dahil kung lalapitan niya ako, sasakalin ko siya walang bitiw.

Umalis na siya dapat hindi na siya bumalik rito sa pilipinas. Kinginang introvert ‘to. Susungalngalin ko ang lalamunan hanggang sumirit ang dugo.

Mga pesteng lalaki.

"Where are you going, Steffa?"

"To Tito Ninong Thorch." Hinawakan niya ang kamay ni Patch. "Let's go, Tita."

Bumuntong hininga ako. Wala akong na gawa kung hindi pumasok sa loob ng bahay ni Tita Yoni kung nasaan ang asawa ni Patch. Kay Thorch pinakamalapit si Steffa. Isabay pa na ilang araw sila hindi nag kita dahil sa honeymoon.

"Tito Ninong!" Rinig kong sigaw ni Steffa. "Tito! I miss you so much."

"Hello, Little one. Miss me so much, huh? I have gift for you."

"Really? Thank you po!"

"Kiss Tito Ninong."

Nilingon ko si Patch na malawak ang ngiti habang pinanonood sila. Umupo ako sa tabi ni Steffa pag-alis ni Thorch. Umakyat sa taas para kuhanin ang regalo kay Steffa. Si Patch naman dumiretso sa kusina dahil mag luluto sila ni Tita Toni ng pagkain. Dito na kami mag tatanghalian.

"Mama, i have good news!"

"What is it?"

"Bati na kami noong kaaway ko. We're friends now. Pinag tatanggol nila ako kapag may nang-away sa akin sa school."

Kumunot ang noo ko. "M-may nang aaway sa ‘yo?"

"A-ah," ngumiti siya. "Nevermind po—"

"Anong nangyari diyan sa leeg mo," seryosong tanong ko.

Hinawi ko ang buhok niya para lalong makita ang mga gasgas rito. Sariwa pa ang iba. Halatang bago pa.

"Tell me, Anak."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now