Kabanata III - LXXXIII: Magnanakaw

124 21 6
                                    

9/10/21

Tatlong araw ang mabilis lumipas at tulad nang inaasahan ay isang liham mula sa kapitolyo ang dumating sa tanggapan ni Gohn. Laman ng liham ang balita patungkol kay Asheara at nais itong makita at makausap ng mga nakatataas.

Agad ipinarating ni Gohn ang balita at labis itong ikinatuwa nina Asheara. Dahil sa pagkakataong ito ay legal na silang makakapasok sa loob ng kapitolyo.

Sa pagkakataong ito ay agad naghanda sina Asheara para sa kanilang paglalakbay. Naghanda na rin si Nima, dahil siya ang magiging gabay nila sa daan patungong kapitolyo at magiging taga pamagitan sa bawat bayan na kanilang dadaanan. Ngunit sa kalagitnaan nang paghahanda nina Asheara ay isang pagkatok ang kanilang narinig at kasunod nito ay ang pagpasok ng isang babae, si Nima.

"Paumanhin, ngunit maaari ba tayong dumaan muna sa'king guro upang makapagpaalam?" Sambit ni Nima.

"*Uhm! Walang problema." Tugon ni Asheara.

Mabilis napangiti si Nima at kalaunan ay mabilis na nagpasalamat. Napa-iling na lang sina Asheara at kasabay nito ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang paghahanda.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na sa kanilang paghahanda sina Asheara. At sa kanilang paglabas ay agad nilang nakita sa tabi ng kanilang bagon si Nima, dala ang kaniyang mga gamit.

"Tayo na!" Sambit ni Nima.

Napatango na lang sina Asheara kasabay ng kanilang paglalakad papalapit kay Nima. Matapos nito ay tuluyan na silang umalis.

Makalipas ang mahigit kalahating oras ay narating na nina Asheara ang lugar ni Ron. Hindi naman dito nagtagal sina Asheara, dahil matapos makapagpaalam ay tuluyan ng silang umalis. Subalit taliwas kay Nima ay parehong ino-obserbahan nang dalawang panig ang isa't-isa.

Kinatanghalian ay tuluyan ng nakalabas sa Hilma ang tatlo at kasalukuyan na sila ngayong patungo sa katabi nitong bayan, ang Vilran.

Tinatayang may tatlong araw ang layo nito sa Hilmna sa normal na takbo ng isang kabayo, subalit hindi naman magiging mahirap ang kanilang paglalakbay dahil na rin sa patag na ruta patungo dito.

Sinulit naman ni Nima ang pagkakataong ito upang magpakwento kina Asheara patungkol sa kanilang paglalakbay at sa iba pang kaalaman sa labas ng Longxu. At dahil walang magawa ay pinagbigyan nina Asheara ang hiling nito.

Mabilis lumipas ang apat na araw at sa mga araw na ito ay malaking kaalaman ang nakuha ni Nima mula kina Asheara. Mas lalo tuloy lumaki ang kaniyang pagnanasa na lumabas ng kanilang bansa at maglakbay din. Ngunit gayumpaman ay batid niyang hindi ito magaganap, dahil na rin sa kanilang estado at lahi.

Sa mga sandaling ito ay abot tanaw na nila ang Vilran at tinatayang ilang minuto na lang ay nasa harapan na sila nang malaking tarangkahan nito. Subalit minabuti nilang saglit na magpahinga, dahil bakas na rin ang labis na pagod ng kanilang mga kabayo. Minabuti na rin nilang gamitin ang oras na ito upang kumain, dahil ilang oras na lang ay malapit ng magtanghali.

Makalipas ang isang oras ay nagsimula na muli silang maglakbay at tinatayang kahating oras ang lumipas ay narating na nila ang malaking tarangkahan ng bayan.

Sa pagkakataong ito ay ilang mga kawal ang sumalubong sa kanila. Agad namang nagpakilala dito sina Nima at kalaunan ay agad na silang pinapasok sa loob.

"Dumiretso na po kayo sa mansyon ni panginoong Darsha, inaasahan na po nila ang inyong pagdating." Sambit ng isang sa mga kawal.

"*Uhm! Maraming salamat." Tugon ni Nima.

Sa pagpasok nila sa loob ng bayan ay agad nakita nina Asheara ang malaking kaibahan nito sa Hilmna. Dahil labis ang tahimik nito at kapansin-pansin ang malalaking pagitan sa mga nakatayong bahay o gusali sa isa't-isa.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon