Kabanata I - XXXVIII: Pagbabalik

899 63 24
                                    

5/28/17

Malalim na ang gabi ng marating nina Chai at Corrosive ang bayan ng Baezil. At hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang kanilang paglalakbay. Salamat ito sa daang tinahak nila, subalit wala ng mga tao, kaya minabuti nilang magpahinga.

Mabuti na lang at may nahanap silang bahay paupahan, ngunit walang maihain sa kanila ang may-ari. Nauunawaan naman nila kung bakit, dahil dumaan sa matinding sakuna ang buong bansa. Gayumpaman ay sandali silang nagpakwento, subalit tila hindi pa rin batid ng may-ari na tuluyan nang nawala ang epidemyang dumapo sa kanilang bansa.

"Ang mabuti pa ay magpahinga na rin tayo." Sambit ni Corrosive.

"*Uhm! Ipapadala ko lang itong ating mensahe kina Ziek." Tugon ni Chai.

Agad napatango si Corrosive at kasunod nito ay ang kaniyang pagsasa-ayos sa kanilang higaan.

Samantala, isang pamilyar na pag gising ang nangyari kay Sophia at dahil dito ay mabilis siyang bumangon. Subalit agad siyang napangiti, matapos maalala na hindi na nila kailangan pang sundan si Crow.

Pabalik na sa siya kaniyang pagtulog, ngunit mabilis na nagising ang kaniyang diwa matapos dumapo sa kaniyang mukha ang isang ibon, si Vladimir.

"A...a...ano bang problema mong ibon ka?!" Sambit ni Sophia.

Matapos magsalita ay mabilis na lumipad papalabas sa bintana si Vladimir. Labis namang nagtaka si Sophia, dahil batid niyang sarado ang bintana. Gayumpaman ay hindi na niya ito masyado pinansin at bumangon na lang upang isara ang bintana. Ngunit bago pa man niya ito mai-sara ay isang ingay mula sa tumatakbong kabayo at sa dala nitong bagon ang kaniyang narinig. Agad niyang nabatid na isa itong bagon, dahil iba ang nalilikha nitong ingay kumpara sa isang karwahe.

"Crow?" Sambit ni Sophia.

Sa pagkakataong ito ay minabuti ni Sophia na lumabas ng silid, dahil batid niyang hindi matutuwa ang kaniyang prinsesa sa oras na malaman niyang hindi na niya naabutan pa si Crow.

Makalipas ang ilang minuto ay natukoy niyang tama ang kaniyang hinala at naabutan niya si Crow, papalabas na sa tarangkahan ng palasyo. Hindi naman siya hinintuan ni Crow na labis niyang ikina-inis, kaya kinailangan pa niyang humarang sa daraanan nito.

"*Tsk! Ano pa ba ang kailangan mo sa'kin?" Tanong ni Crow.

"Talaga bang wala kang balak na harapin man lang kahit sa huling pagkakataon si Lyze?" Tanong ni Sophia.

"Tama ka." Sambit muli ni Crow.

"Pero bakit?" Tanong muli ni Sophia.

"Kung sa tingin mo ay hindi ako paghihinalaan na dumukot sa inyo, siguro ay iisipin ko pang harapin siya. Pero alam mong hindi 'yon maiiwasan." Sambit muli ni Crow.

Sandaling natahimik si Sophia sa pagkakataong ito, subalit hindi rin naman nagtagal ay muli na siyang nagsalita.

"Wag kang mag-alala, dahil tinitiyak ko sa'yong hindi 'yon mangyayari. Isa pa ay ikaw ang dahilan kung bakit kami nakabalik dito ng ligtas." Sambit muli ni Sophia.

"Nakakapagtaka na ikaw pa ang pumipigil sa'kin ngayon, pero dapat ay ikaw ang higit na nag-iisip tungkol sa bagay na sinabi ko." Sambit muli ni Crow.

Matapos magsalita ay nagsimula nang umusad si Crow. At sa pagkakataong ito ay wala nang nagawa pa si Sophia at napaisip na lang sa mga bagay na sinabi sa kaniya ni Crow, habang pinanood ang pag-usad nito.

Kinaumagahan, mabilis na bumangon si Lyze at kalaunan ay mabilis na ginising si Sophia. Tila inaasahan naman ito ni Sophia, kaya napangiti na lang siya.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon