Kabanata I - XXXVI: Pandora's Box III

817 62 6
                                    

5/13/17

Gabi na nang marating ni Crow ang Baezil at tulad ng kaniyang inaasahan ay dudumugin siya ng mga tao upang hingan ng tulong.

"Ginoo! Ginoo! Parang awa mo na, tulungan mo kami." Sambit ng isang lalaki.

Hindi lang isa, dalawa, o tatlo, kundi halos lahat ng tao na nakakita sa kaniya ang isa-isang lumapit, hanggang sa tuluyan nang maharangan ang kaniyang daraanan. At dahil sa pangyayaring ito ay wala nang nagawa pa si Crow, kundi ang mapahinto.

Ilang sandali pa ay marahan na siyang bumaba at kasunod nito ay bigla niyang pinaslang ang ilang mga kalalakihan nagtatangkang buksan ang kaniyang bagon. Dahil dito ay mabilis na napaatras ang mga tao at kalaunan ay galit na napapatig kay Crow.

"Kung gusto nyo nang mamatay ay pagbibigyan ko kayong lahat." Sambit ni Crow.

Kasabay ng kaniyang pagsasalita ay ang pagkakawala niya ng nakakatakot na presensya, dahilan upang saglit na matahimik ang mga tao. Subalit kasunod nito ay ang pag ginhawa ng kanilang pakiramdam. Sinamantala naman ni Crow ang pagkakataong ito at mabilis na siyang umalis.

Samantala, hindi naman mapakali sa kaniyang silid si Narphet, dahil batid na niyang nasa loob ng Baezil ang nilalang na kaniyang kinatatakutan. Hindi niya batid kung sino ito, ngunit ramdam niya ang labis na panganib.

"*Tch! Nasira na niya ang sumpa, pero papaano naging posible ang bagay na 'yon? Hindi ito maganda! Dahil dito ay babalik na ang dating kalusugan ng hari." Sambit ni Narphet.

Hanggang sa ilang sandali pa ay isang kawal ang napansin ni Narphet mula sa bintana ng kaniyang silid, at tila patungo ito sa silid tanggapan ng hari. At tila dala nito ang impormasyon patungkol sa nilalang na kinakatakutan niya. Dala na rin ng pagnanais niyang maliwanagan ay minabuti niyang salubungin ito upang alamin ang mga nangyayari.

Makalipas ang ilang minuto ay naabutan na niya ang kawal at tila patungo na ito sa silid ng kasalukuyang hari, si Zurick. Agad niya itong pinahinto at kalaunan ay pinalapit sa kaniya.

"Magandang gabi po, ginoong Narphet." Sambit ng kawal.

"Ano ang sadya mo sa'ting hari, gayong gabi na?" Tanong ni Narphet.

"Patawad po, pero may isang lalaki po ang biglang nagpakita at tila po ay nagmula siya sa hilaga. Hindi namin tukoy kung isa siyang kalaban, ngunit may ilang mga tao na siyang napaslang." Tugon ng kawal.

"Kung ganon ay posibleng isa siyang kalaban at sinasamantala niya ang kalagayan ng ating bansa, kaya magmadali ka at magpadala ka agad ng pwersa at hulihin ang lalaking tinutukoy mo." Sambit muli ni Narphet.

"Masusunod po, pero ipapaalam ko muna sa hari ang tungkol sa bagay na ito." Sambit muli ng kawal.

"Wag ka nang mag-alala pa at ako na mismong magsasabi nito sa ating hari." Sambit muli ni Narphet.

"Kung ganon po ay susundin ko na po ang inyong ipinag-uutos." Sambit muli ng kawal.

Matapos magsalita ay mabilis nang umalis ang kawal, habang nanatili naman sa kaniyang kinatatayuan si Narphet.

"Hindi ito maganda! Patunay na dito na pumaslang siya ng mga residente. *Tch! Nakakainis dahil hindi ko tukoy ang lalaking 'yon." Sambit ni Narphet derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang maglakad pabalik sa kaniyang silid si Narphet, ngunit mababakas pa rin sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala.

"Hindi muna ako aalis, hanggat hindi ko nakikita ang nilalang na 'yon." Sambit muli ni Narphet derekta sa kaniyang isipan.

Mabalik tayo kay Crow, naging mabagal ang kaniyang pag-usad, dala ng pagsalubong sa kaniya ng mga taong nakakakita sa kaniya. Gayumpaman ay hindi niya hinihintuan ang mga ito at karamihan ng humarang sa kaniyang daraanan ay kaniya lamang sinagasaan. At dahil na rin dito ay mabilis napalitan ng pagkamuhi laban sa kaniya ang kanina lamang na nagmamakaawang mga tao. Ngunit hindi niya ito pinansin pa at hinayaan na lamang niyang batuhin siya ng mga ito.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon