Kabanata I - XXX: Patimpalak

994 77 21
                                    

2/9/17

Kinabukasan, maagang nag-ayos ng kanilang mga gamit si Sophia, dahil batid niyang anumang oras ay aalis na sila. Halos ganito rin naman si Yyah, sa katunayan ay nabawi na niya ang kanilang mga kabayo na naiwan nila nung tumakbo sila sa mga kalalakihan kahapon.

Sa kanilang paglabas ng bahay paupahan ay nakita nila si Crow na inihahanda ang kaniyang itim na bagon. Mabilis naman siyang nilapitan ni Lyze upang kausapin, ngunit ilang sandali pa ay agad napansin ni Sophia ang masayang ekspresyon sa mukha ng kaniyang prinsesa. At matapos nitong makipag-usap ay dali-dali na itong nagbalik sa kanila.

"Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong ni Sophia.

"Pupunta daw tayo ng Emro!" Tugon ni Lyze.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Dyanna at tila ba nagbalik ito sa pagkabata, base sa ipinapakita niya ngayong ekspresyon.

"Yey!" Sambit ni Dyanna.

Agad naghawak kamay sina Lyze at Dyanna na tila mga magkasintahan na nagtagumpay sa kanilang pagmamahalan. Samantalang sabay na napabuntong hininga sina Sophia at Yyah, ngunit agad silang napatawa matapos makita ang isa't-isa.

Hanggang sa ilang sandali pa ay napansin na lang nila na malayo na si Crow sa kanila, kaya mabilis na nila itong hinabol.

Kinatanghalian, napagpasyahan nilang magpahinga, hindi kalayuan sa isang maliit na gubat. Tinatayang isang buong araw kasi ang lalakbayin nila para lang makarating sa bayan ng Emro.

Sa mga sandaling ito ay nagtungo si Crow sa hindi kalayuang ilog, upang umigib ng tubig. Agad naman itong napansin ng lahat, kaya agad na silang nagsimula sa paghahanda ng kanilang mga kakainin.

"Ang mabuti pa ay dadalin ko na rin ang ating mga kabayo sa may ilog para makainum sila ng tubig." Sambit ni Yyah.

Agad sumang-ayon ang lahat, kaya sa pagkakataong ito ay agad nang kinuha ni Yyah ang kanilang mga kabayo at kalaunan ay sumunod kay Crow sa may ilog.

Hindi nagtagal ay naabutan niya si Crow na umiigib. Agad naman siyang lumapit dala ang kanilang mga kabayo at kalaunan ay pinainom ang mga ito sa may ilog.

"Anong kailangan mo sa'kin, kalahating Raviel?" Tanong ni Crow.

Mabilis na napalingon si Yyah kay Crow, suot ang gulat na ekspresyon. Ngunit hindi naman ito nagtagal at kalaunan ay agad na siyang nagsalita.

"Kung ganon ay may dugo ka rin ng isang Raviel?" Sambit ni Yyah.

Mabilis na tumayo si Crow at seryosong tumitig kay Yyah.

"Wag mo akong itulad sa mga mababang uri na 'yon." Tugon ni Crow.

"Mga mabababang uri?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Alam kong alam mo na isa ang kanilang angkan sa pinakamalakas na angkan sa buong mundo!" Sambit muli ni Yyah.

"Mukhang hindi ka lang basta kalahating Raviel, dahil marami kang nalalaman. Kung ganon ay alam mo ba kung saan ko makikita ang kanilang purong angkan?" Sambit muli ni Crow.

"Pasensya ka na pero tulad mo ay nais ko rin silang makita. Pero sino ka bang talaga, ginoong Crow? Alam kong mapanganib kang tao, kaya hanggang kasama mo sina Lyze ay hindi sila ligtas." Sambit muli ni Yyah.

"*Fufu... Hindi na mahalaga kung sino man ako at hindi ko ginusto na sumama sila sa'kin. Kung gusto mo ay isama mo na sila, pero hindi ko lang sigurado kung mapapangalagaan mo din sila tulad ng pangangalaga mo sa 'yong prinsesa." Sambit muli ni Crow.

Matapos magsalita ay naglakad na pabalik si Crow, habang nanatiling nakatayo at gulat si Yyah. Subalit hindi nagtagal ay mabilis niyang pinigilan si Crow at muling nagtanong.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon