Kabanata II - LXV: Ang isla ng makasalanang sorsera

778 56 22
                                    

12/6/18

Makalipas ang dalawang araw na paglalakbay sa malawak na desyerto ng Krintiz ay narating na rin sa wakas nina Lyze ang dalampasigan patungo sa cursed sea. Dito ay agad nilang nakita ang mga hindi mabilang na sirang galyon at barko. Sa katunayan ay halos na doble ang kanilang paglalakbay, dahil na rin sa pagsama nila kina Gusthav patungo sa natuklasang lagusan ng mga ito papasok sa dating Krintiz. Gayumpaman ay hindi naging problema para sa kanila ang ginawa nilang paglalakbay at tanging problema lang sa pagkain ang kanilang kinaharap.

"Ngayong nandito na tayo, anong gagamitin natin para makarating sa isla ni Asheara?" Tanong ni Rishmond.

"Wag mo nang isipin pa ang bagay na 'yon at unahin muna nating maghanap ng makakain." Tugon ni Lyze.

Sa pagkakataong ito ay halos ubos na ang kanilang pagkain. Hindi kasi nila inakala na aabutin pa sila ng dalawang araw para lang makarating sila dito.

"Ta...tama ka. Ang mabuti pa ay simulan na nating maghanap ng makakain dito sa dagat." Sambit muli ni Rishmond.

"Pero ligtas po bang kainin ang mga isda dito?" Tanong ni Lishri.

"Wag kang mag-alala, ang sabi ni Asheara ay mayaman ang parte ng karagatang ito. At kaya lang ito tinawag na cursed sea ay dahil sa mga halimaw na naninirahan sa parte ng dagat na ito." Sambit muli ni Lyze.

"Ha...limaw?" Tanong muli ni Lishri.

"Kung ganon ay wala pa tayong dapat ipag-alala. Ang mabuti pa ay matapos nating kumain ay maghahanap ako ng maaari nating magamit na bangka. Sa dami ng maaaring magamit na kahoy mula sa mga nasirang barko ay madali lang para sa'tin ang makagawa ng isa. Ngayon ay nauunawaan ko na ang dahilan mo, Lyze." Sambit muli ni Rishmond.

Napangiti na lang si Lyze at kalaunan ay napa-iling.

"Hintayin mo na lang kami dito, Lishri ah. Saglit lang ito." Sambit muli ni Lyze.

"*Uhm!" Tugon ni Lishri.

Ilang sandali pa ay nagsimula na sina Lyze na maghanap ng kanilang makakain. At hindi ito naging mahirap para sa kaniya, dahil gamit ang kaniyang kapangyarihang manipulahin ang tubig ay madali lang ang panghuhuli sa kaniya ng mga isda.

Tinatayang ilang minuto lang ang lumipas ay nagbalik na sila, dala ang mga isda na may mataas na kalidad. Halos ang uri ng mga ito ay mabibili ng ilang pirasong ginto, dahil na rin sa hirap nitong mahanap at mahuli. At tanging mga maharlikang pamilya lang ang karaniwang nakakakain nito, dahil na rin sa taas ng halaga nito sa mga pamilihan.

"Whoa! Mukhang ang sarap ng mga isdang iyan, ate!" Sambit ni Lishri.

Bakas ang saya sa mga mata ni Lishri matapos makita ang mga isda. Hindi naman na nag sayang pa ng sandali si Rishmond at agad siyang gumawa ng apoy, upang masimulan na nila ang kanilang pagluluto.

Mabilis namang nalinis ni Lyze ang mga isda sa paraang bukod tanging magagawa lang ng kaniyang angkan.

Tinatayang ilang oras silang nanatili dito upang saglit na magpahinga matapos kumain. Sa katunayan ay nagsisimula na si Rishmond maghanap ng mga kahoy na maaari nilang gamitin upang gumawa ng isang bangka.

"Sa tingin ko po ay mahihirapan tayong gumawa ng isang Bangka, dahil kulang tayo sa mga materyales at mga kagamitan." Sambit ni Lishri.

Agad napangiti si Lyze at kalaunan ay natawa. Labis naman itong ipinagtaka ni Lishri, kaya muli na siyang nagsalita.

"Bakit po ate? May nakakatawa po ba sa mga sinabi ko?" Sambit muli ni Lishri.

"*Hahaha! Pasensya na pero hindi na natin kailangan pa ng bangka para lang maglagyag. Sapat na ang kapangyarihan ko para gawin ang bagay na 'yon." Sambit ni Lyze.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon