Kabanata I - I: Ang prinsesa at ang kaniyang tagapagsilbi

4.1K 147 15
                                    

Ika-siyam ng marso, taong anim na daan at walumput siyam, bagong kalendaryo. Kasalukuyan ngayon ipinagdiriwang ng Wizendra ang pagkakatatag ng kanilang bansa. Ipinagdiriwang ito sa lahat ng bayan na kanilang nasasakupan at pati na rin sa mga kapanalig nilang mga bansa. Subalit iba ang pagdiriwang sa pinaka pusod o ang kapitolyo ng bansa, ang Bverrit.

Sa bayan ng Bverrit makikita ang halos lahat ng mga mayayaman o maharlikang pamilya. At piling mga mangangalakal lang ang pinahihintulutang makapasok dito. At dahil ito ang sentro ng bansa ay makikita din dito ang pinagmulan ng kanilang pananampalataya.

Sa mga oras na ito ay kasalukuyang sinasalubong ng mga mamamayan ang kanilang mga bayani, ang Wizen Knights. Dahil nagtumpay ang mga ito sa kanilang krusada, laban sa Tarnheim. Balot ng kasiyahan ang buong bayan, subalit kasabay nito ay ang tawanan at pagkukutya. At para ito sa mga kasamang bihag ng nasabing hukbo. Samantala, mabilis nakarating ang balita sa hari at inutusan niya ang mga punong konseho na agad tipunin ang mga heneral, upang mabigyan niya ito ng parangal at gantimpala.

Sa loob ng isang silid sa palasyo. Kasalukuyang nag-uusap ang ilang mga tao at may kinalaman ito sa malaking tagumpay ng kanilang hukbo o ang mga Wizen Knights.

"Mukhang nagtagumpay na naman sina konde Reimond." Sambit ng isang lalaki.

"*Fufufu.. Mas maganda ang mga nangyayari, dahil mas mapapadali ang ating mga plano sa magaganap na pagdiriwang mamaya." Sambit ng isa pang lalaki.

"Kung ganon ay maghanda na ang lahat at mamayang gabi na natin isasakatuparan ang ating mga plano." Sambit ng isa pang lalaki.

Kinagabihan, isang piging ang ibinigay sa mga nagtagumpay sa krusada at ginanap ito sa mismong kastilyo. Balot ng mga kilalang tao ang buong lugar at pinapalibutan nila ang mga namuno sa krusada.

"Isang karangalan na naman at ibinigay mo sa inyong pamilya, konde Reimond." Sambit ni Fazel.

Si Fazel ay mula sa kilala at mayamang pamilya at dahil na rin sa kaniyang angking abilidad at talino ay napili siya nang kanilang hari upang gawing isa sa kaniyang mga ministrong tagapagpayo.

"Isa na po akong kabalyero, ministro Fazel at hindi lang po ako ang nagdala ng karangalan sa ating bansa. Kasama ko rin po dito sina Hazade, Chalan at ang aking kapatid na si Rishmond." Sambit ni Reimond.

Si Reimond ay ang panganay na anak ng pamilya Williamford, ang pinaka mayaman at maimpluwensyang pamilya sa buong bansa, kasama na ang mga kapanalig na bansa. Nakatira sa bansang Iros ang kanilang buong pamilya at angkan, ang angkan ng Oru. Tinatayang ang yaman ng kanilang pamilya ay maihahalintulad sa yaman ng buong bansa ng Wizendra, kaya hindi na nakakapagtaka kung kilala hanggang sa katabing kontinente ang kanilang pamilya.

"Tama nga naman si Reimond, ministro Fazel. Pero hindi maitatanggi na malaking karangalan ito para sa pamilya Williamford." Sambit ni Sigurd.

"*Oh! Nandito na ang Hari at ang prinsesa! Magbigay pugay sa'ting kamahalan!" Sambit ni Bohdan.

Si Sigurd at Bohdan ay mula din sa kilala at mayamang mga pamilya at gamit din ang kanilang angking talino at karanasan ay napili din sila nang hari upang maging mga minsitrong tagapagpayo.

Agad natahimik ang lahat at kalaunan ay nagpalakpakan. Ngunit ilang sandali pa ay muling tumahamik ang lahat, matapos sumenyas ng Hari.

"Nagagalak ako sa inuwing tagumpay ng ating mga bayani! Sa pangunguna nina Reimond Williamford, Hazade Swizhamberg at Chalan Varakan." Sambit ni haring Alvan.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon