Kabanata III - LXXXVIII: Ang uwak na mangangalakal

86 15 0
                                    

9/13/21

Mabilis nabalot ng malakas na sigawan ang buong lugar, dahilan upang maalerto ang mga gwardya. Gayumpaman ay hindi naman ito nagresulta ng kaguluhan, dahil may ilang gwardya din ang nanonood sa naganap na paglalaban.

Samantala, hindi makapaniwala sina Asheara, lalo na si Nima sa pagkatalo ni Vladimir sa laban. At ang mas lalong nakakagulat ay hindi man lang nito nagawang mapatamaan ang kaniyang kalaban, kahit batid nilang ginamit ni Vladimir ang kaniyang kapangyarihan bilang isang Harpy.

"Patawad po master, hindi po pangkaraniwan ang babaeng 'yon. Labis ding kakaiba ang kaniyang ispada, dahil kahit ginamit ko na sa kaniya ang aking mahika ay nagawa pa rin niya itong masalag na tila ba isang normal lang na pag-atake ang kaniyang tinanggap. Sa tingin ko din po ay hindi nyo siya magagawang matalo gamit lang ang pisikal na lakas." Sambit ni Vladimir.

Napabuntong hininga na lang si Asheara, dahil batid din niya ang bagay na ito.

"Alam ko. Nakakagulat na may tao na may ganitong kakayahan na maikukumpara ko kay Nana, ang aking naging guro pagdating sa pakikipaglaban sa loob ng sampong taon. Patunay lang na marami ng karanasan sa tunay napakikipaglaban ang babaeng 'yon at hindi na nakakapagtaka na masyadong mataas ang antas ng kaniyang pandama." Sambit ni Asheara.

"Whoa! Ang ibig sabihin po ba nito ay wala ding laban sa kaniya ang aking guro?" Tanong ni Nima.

"Hindi ko tukoy ang bagay na 'yan, dahil hindi ko pa nakalaban ang iyong guro, pero base sa kaniyang kakayahan ay hindi imposible na matalo niya ang iyong guro." Tugon ni Asheara.

Sa mga sandaling ito ay tahimik nilang pinapanood ang babae, habang patuloy ito sa kaniyang paghikayat sa mga tao na lumaban sa kaniya. Ngunit dahil sa huling paglalaban ay wala ng sinumang may nais pa na siya ay makalaban.

"*Tch! Hindi ko aakalain na mataas ang antas ng ibong 'yon, kumpara sa pagkain ni Argos na nakaharap ko. Nasira tuloy ang diskarte ko para sa mabilisang salapi." Sambit ng babae.

Isa-isa nang nag-aalisan ang mga tao, dahil wala nang sinuman ang gustong lumaban sa babae. At dahil na rin sa pagkakataong ito ay lumapit na sina Asheara upang magpakilala.

"Hindi pangkaraniwan ang iyong galing at masasabi kong sobrang taas ng iyong antas pagdating sa pakikipaglaban." Sambit ni Asheara.

"*Oh! Kung ganon ay ikaw ba ang amo nitong ibon mo?" Tugon ng babae.

Saglit na natahimik si Asheara at sa pagkakataong ito ay nagpatanto niyang hindi nagkataon ang tinawag nito kanina kay Vladimir.

"Kung ganon ay batid mo ang tunay na pagkatao ni Vladimir? At papaano mo nalaman na ako ang kaniyang amo?" Sambit muli ni Asheara.

"*Ohh! Napansin ko na ikaw ang may pinakamalakas na presensya sa inyong tatlo, kaya naisip ko na ikaw ang tunay na nagmamay-ari sa kaniya. Sa katunayan ay may ilang araw lang ang nakakalipas ay may nakaharap akong tulad niya. At bumase lang ako sa presensyang pinapakawalan niya, kaya nalaman kong isa din siyang Harpy. Isa pa ay biglang nabalutan ng matalim na hangin ang kaniyang sandata, isa sa mga katangian ng mataas na uri ng Harpy." Sambit muli ng babae.

Sa pagkakataong ito ay mas naging alerto sina Asheara matapos marinig ang babae.

"Sabihin mo, sino ka bang talaga? Bakit parang normal lang sa'yo ang makaharap ng mga nilalang na nagmula sa kontente ng mga diyos?!" Sambit muli ni Asheara.

"Kontinente ng mga diyos? *Hmm... Siguro doon galing sina Argos." Sambit ng babae derekta sa kaniyang isipan.

"Nagkataon lang ang pagkakaharap ko sa isang Harpy, pero hindi tulad ng alaga mo ay masyado 'yong mahina at walang kakahayang magbago ng anyo o gumamit ng mahika. Sa totoo lang ay nagulat ako matapos kong maramdaman ang presensya niya, kaya tinawag ko siyang munting ibon. At base sa kaniyang ipinakitang reaksyon ay nakumpirma ko na tama ang hinala ko." Sambit muli ng babae.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon