Kabanata I - VIII: Ang pilak na lobo IV

1.3K 85 14
                                    

2/17/16

Sa mga sandaling ito ay mabilis na naglalakad si Lyze, patungo sa lugar kung saan si Manlo upang ito ay kausapin. Subalit nakita niya itong kasalukuyang nakikipag-usap sa iba pang mga taga-nayon. Gayumpaman ay minabuti niyang tawagin na ito.

"Ginoong Manlo." Sambit ni Lyze.

Agad napalingon si Manlo at ang mga kasalukuyang kausap nito sa kaniya. Hanggang sa ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nakalapit sa mga ito.

"May kailangan ka ba, binibining Lyze?" Tanong ni Manlo.

"Lyze na lang po.. *Umm... Humihingi po ako ng paumanhin para sa ginawa ni Crow sa inyo." Sambit muli ni Lyze.

Sandaling natahimik si Manlo at ang iba pa niyang kasama, matapos marinig si Lyze.

"Bakit ka naman humihingi ng paumanhin para sa kaniya? At isa pa ay wala ka namang dapat ihingi ng paumanhin sa'min." Sambit muli ni Manlo.

"Pasensya na po kayo, pero wag nyo na pong itago sa'kin ang ginawa ni Crow. Alam ko pong ibinenta niya sa inyo ang mga sandata na nakuha namin mula sa mga bandido. Alam ko pong nasa gitna pa rin nang kalamidad ang inyong nayon, kaya sasamahan ko po kayo sa kaniya para mabawi nyo po ang inyong salapi." Sambit muli ni Lyze.

Napangiti na lang si Manlo, matapos marinig si Lyze. Ngunit hindi rin naman ito nagtagal at muli na siyang nagsalita.

"Mapalad talaga kami at napadaan kayo sa'ming nayon. Paumanhin, pero nagkakamali ka binibining Lyze. Ang totoo niyan ay kusang loob kong binili ang mga sandatang 'yon sa kaniya. Sa katunayan ay ibinigay ko sa kaniya ang salaping nabawi namin sa mga bandido, pero tinanggihan niya lang ito ng walang pangundangan. Sa pamamagitan man lang nang pagbili namin sa mga sandatang 'yon ay kahit papaano ay masuklian namin ang inyong kabutihan. Nakakatawa ngang isipin, dahil nagawa pa niyang ibenta sa tama o mababang presyo ang mga sandata, kaya maraming salamat talaga sa inyo, Lyze." Sambit muli ni Manlo.

Hindi na nagawang magsalita ni Lyze sa mga sandaling ito at bakas ang pagkagulat sa buo niyang mukha.

"Ga...ga...ganon po ba? Pa...pa...paano na ito?! Nakapagbitaw ako nang masakit na salita kanina kay Crow, dahil ang akala ko ay ginamit niya ang mga nangyari para lang makapagbenta." Sambit muli ni Lyze.

"Ang mabuti pa siguro ay balikan mo na si ginoong Crow at muling kausapin. Natitiyak kong mauunawaan niya ang lahat sa oras na humingi ka ng tawad sa kaniya." Sambit muli ni Manlo.

"*Uhm! Maraming salamat po at pasensya na sa abala." Sambit muli ni Lyze.

Matapos magsalita ay mabilis na tumakbo si Lyze patungo kay Crow. Hindi naman maalis ang ngiti sa labi nina Manlo, habang pinagmamasdan ang mabilis na pagtakbo nito. Samantala, mukhang hindi mapalad si Pino, dahil sa kalagitnaan ng kaniyang pagtakas ay nakakita siya ng mga manlalakbay. Ngunit base sa mga suot nilang baluti, kasalag at mga dalang sandata ay isang malaking grupo ito ng mga mersinaryo. At sa sobrang dami ng bilang ng mga ito ay hindi niya tiyak kung inupahan ang mga ito, upang sumabak sa digmaan laban sa kalabang mga bansa. Ngunit dahil na rin sa kaniyang sitwasyon ay pinili niyang sumugal, kaya ilang sandali pa ay mabilis siyang tumakbo patungo sa mga ito. Agad namang napansin ng mga mersinaryo ang kaniyang paglapit, kaya mabilis nilang inalerto ang kanilang mga sarili, kasabay ng kanilang paghinto.

"Mga ginoo! Tulungan nyo ako! Sinalakay kami ng mga bandido at bukod tanging ako lang ang nakatakas sa'ming grupo." Sambit ni Pino.

Mas lalong naalerto ang mga mersinaryo at mabilis na nagmasid sa buong paligid. Sa mga sandaling ito ay isang lalaking ang nagsalita at dahil dito ay napahinto si Pino sa kaniyang paglapit.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon