Kabanata II - XLVII: Ang pagkikita

934 78 30
                                    

10/20/17

Mabilis na bumaba sa kani-kanilang mga kabayo ang lahat at kalaunan ay marahang naglakad papalapit sa babae. Subalit ilang sandali pa ay mabilis na tumakbo sina Dhem at Chai patungo sa dito.

"Bogegang!!" Sambit ni Dhem.

Mabilis na niyakap nina Chai at Dhem si Bogegang at kalaunan ay mabilis na sinuri ang katawan nito.

"Whoa! Mukhang malaki ang ipinagbago mo ah! Tsaka hindi na tulad ng pananamit mo ang suot mo ngayon. Pero kahit na ano pa man ang iyong kasuotan! Hinding-hindi ako magkakamali na makilala ka!" Sambit ni Chai.

"Bakit wala kang dalang kabayo? Sandali lang, naglakad ka lang patungo dito?" Tanong ni Dhem.

Patugon na sana si Bogegang, subalit hindi na niya ito natuloy, dahil sa kanilang narinig hindi kalayuan sa kanila.

"Kamusta ka na, Bogegang?" Sambit ni Ziek.

Mabilis na napalingon sina Bogegang kay Ziek at sa pagkakataong ito ay tuluyan na itong nakalapit sa kanila.

"Mabuti! Sa katunayan ay naging maganda ang pag-alis ko sa grupo." Sambit ni Bogegang.

"Wag ka ngang magsalita ng ganiyan! Parang ipinapalabas mo na wala kaming magandang naidulot sa'yo!" Sambit ni Dhem.

"Patawad, hindi naman iyon ang ibig kong sabihin." Sambit muli ni Bogegang.

"Kung ganon ay totoo nga ang nararamdaman ko. May taglay ka ng kapangyarihan ngayon." Sambit ni Niyetta.

Mabilis na napalingon ang lahat kay Niyetta, subalit hindi naman ito nagtagal at kalaunan ay muli silang napatingin kay Bogegang.

"Ganon na nga. Napansin ko rin na may nadagdag sa inyo. Pero sa totoo lang ay hinahanap ko talaga kayo at nagpapasalamat ako na tama ang aking hinala." Sambit muli ni Bogegang.

"Whoa! Kung ganon ay babalik ka na sa grupo?!" Sambit ni Dhem.

"Natutuwa din kaming makita ka, Bogegang." Sambit ni Rishmond.

"Natutuwa din akong makita kayo at nakakagulat na makitang kasama ka pa rin nila, Rishmond. Pero patawad dahil hindi 'yon ang dahilan sa paghahanap ko sa inyo. Ang totoo nito ay anim na taon na akong naglalakbay kasama si Crow. At tama ang hinala ko na kayo ang dahilan sa digmaang nagaganap dito." Sambit muli ni Bogegang.

Bakas ang labis na pagkagulat sa mukha ng lahat, maliban na lang sa tatlong bagong kasapi ng Infinitia na hindi na naabutan pa si Bogegang at sa batang mangkukulam.

"Ka...ka...kasama mo ang halimaw na 'yon na naglalakbay?!" Tanong ni Dhem.

Muli ay saglit na natahimik ang lahat at sa pagkakataong ito ay napabuntong hininga na lang si Bogegang.

"Hindi na 'yon mahalaga, dahil naparito ako upang balaan kayo. Nagtungo kami dito ni Crow, dahil nabalitaan namin ang ilang iregularidad sa nagaganap na digmaan sa pagitan ng Nostrad at Nippon. At kayo nga Ziek ang mga iregularidad na 'yon. Mapalad akong nakita kayo at dito sa daang ito kayo dumaan. Dahil kung nagkataong si Crow ang nakakita sa inyo ay papaslangin niya kayong lahat sa isang iglap lang." Sambit muli ni Bogegang.

"Sa...sa...sandali lang naman! Anong iregularidad? Hi...hi...hindi ko maunawaan ang sinasabi mo. Isa pa ay wala kaming kinalaman sa digmaan sa pagitan ng Nostrad at Nippon." Sambit ni Chai.

"Tama ang sinabi ni Chai, pero sa tingin ko ay tukoy ko na kung sino ang tinutukoy mo, Bogegang." Sambit ni Corrosive.

"*Tch! Sina Riel! Naparito sina Crow, dahil nabalitaan nila na may mga Hamon na kasali sa digmaan." Sambit ni Ziek.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon