Kabanata II - LXVII: Ang nakaraan ni Asheara II

883 56 33
                                    

1/3/19

Kinaumagahan, agad nagtungo si Asheara kay Nerwynn upang hingin ang pahintulot na makapasok siya sa kanilang aklatan. Batid niyang maraming lumang mapa ang nakatago sa kanilang aklatan at mas magiging madali para sa kaniya ang mahanap ang iniisip niyang lugar.

Iba naman ang iniisip ni Nerwynn patungkol dito, kaya agad na siyang nagsalita.

"Hindi mo naman iniisip na mabasa ang aklat na ito?" Tanong ni Nerwynn.

Habang nagsasalita ay isang aklat ang inilabas ni Nerwynn, ang aklat tungkol sa mahika ni Lydia. Dito ay agad napa-nguso si Asheara, subalit mabilis itong nabura at kalaunan ay napa-iling.

"Batid ko pong hindi kayo hangal, para ilagay agad ito sa inyong aklatan. Pero hindi po ang aklat ang pakay ko, kundi mga lumang mapa." Sambit muli ni Asheara.

"Mga lumang mapa? Lumang mapa ng ano?" Tanong muli ni Nerwynn.

"Lahat po ng klaseng lumang mapa. Tulad po ng sinabi ko kagabi, nais ko pong maghanap ng mga sangkap sa mga posibleng lugar. Mayaman sa sangkap pang mahika ang ating kontinente, lalo na nung nakaraang ilang libong mga taon. Nais ko po sanang gawing basehan ang mga lumang mapa para sa paghahanap ng maaaring sangkap." Sambit muli ni Asheara.

Saglit na natahimik si Nerwynn at tila malalim na nag-iisip.

"*Hmm... May punto ka, kaya naman pinapayagan na kita." Sambit muli ni Nerwynn.

"Alam ko pong hindi nyo po ako papayagan pero... *Eh? Pumapayag na po kayong makapasok ako sa inyong aklatan?" Sambit muli ni Lyze.

Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha matapos niyang magsalita. Hindi kasi niya inaasahan ang mabilis na pagsang-ayon ni Nerwynn sa kaniya. At sa katunayan ay marami na siyang nabuong paliwanag, para lang mapapayag si Nerwynn. Ngunit hindi na niya ito kailangan gawin pa.

"*Uhm! Pumapayag ako, pero sa isang kondisyon." Sambit muli ni Nerwynn.

"At anong klaseng kondisyon naman po ito?" Tanong muli ni Asheara.

"Kasama mo akong magbabasa." Sambit muli ni Nerwynn.

Agad napanguso si Asheara, subalit sa likod nito ay isang matamis na ngiti.

"Nauunawaan ko." Tugon ni Asheara.

"*Uhm! Ang mabuti pa ay tayo na." Sambit muli ni Nerwynn.

Hindi na tumugon pa si Asheara at sumunod na lang kay Nerwynn.

Ilang minuto ang lumipas ay narating na nila ang silid aklatan at sa mga sandaling ito ay hindi makapaniwala si Asheara sa kaniyang nakikita.

"I...i...ito ang inyong aklatan?" Tanong ni Asheara.

"*Uhm! Bakit? Hindi mo ba ito nagustuhan?" Sambit ni Nerwynn.

Mabilis napalingon si Asheara kay Nerwynn, suot ang gulat na ekspresyon.

"Imposible! Ito na 'yata ang pinaka magandang silid aklatang napasok ko sa buong buhay ko." Sambit muli ni Asheara.

Taliwas sa iniisip ni Asheara ang hitsura ng silid aklatan, dahil tila nasa labas itong bakuran at napapaligiran ng mga magaganda at makukulay na halaman. Sa katunayan ang istante ng mga aklat at kalatas ay mismong mga puno at ang mga sanga nito ay kusang gumagalaw at nagsasa-ayos ng mga aklat sa wasto nitong pwesto.

Napangiti na lang si Nerwynn at kalaunan ay muling nagsalita.

"Ang mabuti pa ay tayo na, mga sinaunang mapa? Tama ba?" Sambit muli ni Nerwynn.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon