Kabanata I - XXII: Padala mula sa isang sorsera

1K 79 8
                                    

7/27/16

Kinabukasan, maagang nagtungo si Reimond sa silid ng hari upang mag-ulat tungkol sa mga nakalap niyang impormasyon. Agad namang inutusan ng hari ang kaniyang mga tagapagsilbi na iwan muna sila, na agad namang sinunod.

"May impormasyon ka na ba sa kinaroroonan ng aking anak?" Tanong ni Alvan.

"Patawad, pero tulad nang ini-isip ko ay hindi po kasama sa kanilang plano ang pagtakas ng prinsesa at ni Sophia sa barkong sinakyan nila." Tugon ni Reimond.

"*Tsk! Kung ganon ay may nagtraydor sa'king kapatid at posibleng isa ito sa mga dumukot sa'king anak." Sambit muli ni Alvan.

"'Yun din po ang aking hinala, kamahalan." Sambit muli ni Reimond.

"*Tch! Pero nasaan na aking anak sa ngayon? Meron ka bang bagong balita mula sa iyong kapatid?" Sambit muli ni Alvan.

"Paumanhin, ngunit wala pa po. Pero ngayong batid na nating nasira ang plano ng inyong kapatid, at posibleng hinahanap na rin nila sa mga oras na ito ang prinsesa." Sambit muli ni Reimond.

"Kung ganon ay madaliin mo na ang paghahanap sa'king anak! Dapat hindi nila tayo maunahan." Sambit muli ni Alvan.

"Nauunawaan ko po, pero iniisip ko na posibleng isantabi na nila ang paggamit sa prinsesa, laban sa inyo. O di kaya ay gamitin nila ang pagkawala ng nito laban sa inyo." Sambit muli ni Reimond.

"*Tsk! Kung ganon ay dapat na rin nating bantayan ang kaniyang mga ikinikilos, bago pa siya makagawa ng hakbang laban sa'kin." Sambit muli ni Alvan.

"Inutusan ko na po si Chalan tungkol sa bagay na 'yan, kamahalan. May ilang tao na rin ang inutusan ko para bantayan ang ibang mga kapanalig ng inyong kapatid, kaya wala na kayong dapat ipag-alala." Sambit muli ni Reimond.

"Maraming salamat Reimond." Sambit muli ni Alvan.

"Dapat po kayong magpasalamat sa'kin ama, dahil sinusunod ko lang ang kaniyang ipinag-uutos sa'kin." Sambit muli ni Reimond.

Sandaling natahimik si Alvan, dahil batid naman niyang hindi niya lubusang hawak ang katapatan ni Reimond. Mananatili lang itong tapat sa kaniya, hanggang sa mga sandaling i-utos ng ama nito na tumigil. Gayumpaman ay malaking bagay na nakuha niya ang panig ng mga Williamford, kasama na ang buong angkan nito, ang angkan ng Oru. Dahil kung wala ang tulong nito ay hindi nila magagawang manalo sa mga digmaan. Isa pa ay kung gugustuhin ng mga Williamford ay maaari nilang mapasakamay ang buong Wizendra, subalit hindi nila ito ginagawa at tila masaya na sila sa bansang napili nila, ang Iros.

Mabalik tayo, ilang sandali pa ay marahang naglakad patungo sa isang upuan si Alvan at nang marating ay agad siyang naupo dito.

"May mga nakalap ka pa bang impormasyon mula kay Damian?" Tanong ni Alvan.

"Bukod sa pagkumpirma niya sa ating mga hinala ay may ilang mga tao pa siyang nabanggit na kasama sa kanilang masamang plano laban sa inyong paghahari." Tugon ni Reimond.

"*Hmm... Kasama na ba ang mga ito sa pinababantayan mo?" Tanong muli ni Alvan.

"Opo." Tugon muli ni Reimond.

"Mabuti! Kamusta naman si Damian?" Tanong muli ni Alvan.

"Sa mga sandaling ito ay posibleng patay na siya, pero babalikan ko na rin siya para makasiguro." Tugon muli ni Reimond.

"Nauunawaan ko, kung ganon ay makakaalis ka na." Sambit muli ni Alvan.

Sa mga sandaling ito ay hindi na nagsalita pa si Reimond at tumugon na lang sa pamamagitan ng pagtango. At matapos niyang magbigay galang ay nagsimula na siyang maglakad papaalis.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon