Kabanata I - VII : Ang pilak na lobo III

1.4K 87 7
                                    

2/12/16

May labing limang minuto ang lumipas, matapos umatras ng mga bandido. Mabilis na narating nina Pino at ng mga natira niyang kasama ang kanilang pinagkukutaan. Dito ay hindi na nila naitago ang kanilang galit at agad nila itong inilabas sa pamamagitan nang pagsuntok, pagsipa at paghiwa sa mga puno, gamit ang kanilang mga sandata.

"Ang mangangalakal na 'yon! Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa iba pa nating mga kasama! Siguraduhin nyong wala kayong ititirang buhay sa nayong 'yon!" Sambit ni Pino.

Mabilis na tumugon sa kaniya ang lahat at halos iisa lang ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Balot naman nang takot ang mga kababaihang bihag na kasalukuyan ngayong nakakulong sa isang piitan na gawa sa mga sanga ng kahoy. Batid nilang may hindi magandang nangyari sa mga bandido at hindi nila gustong mapagbuntungan ng mga ito, dahil pagod na sila sa paulit-ulit na panghahalay at pananakit sa kanila. Subalit isa sa mga bandido ang napatingin sa kanila, kaya mabilis silang nagyakapan. Ngunit tila hindi ito nagustuhan ng bandido, kaya galit siyang naglakad papalapit sa kahoy na piitang kinalalagyan ng mga ito.

"Natutuwa kayo, dahil namatay ang halos kalahati sa'ming pangkat?! Tama ba ako?!" Sigaw ng isang lalaki.

Hindi tumugon ang mga kababaihan, sa halip ay mas hinigpitan nila ang pagyakap sa isa't-isa. Senyales na natatakot sila sa anumang gagawin sa kanila ng mga bandido.

"*Tsk! Siguro ay mabuting patayin na lang natin ang mga babaeng ito, para naman maiganti natin ang ating mga kasamahan." Sambit muli ng lalaki.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Para kay pinunong Mustaka ang mga babaeng 'yan! Siya lang ang magdidisisyon kung papatayin ang mga 'yan, dahil naipaalam na natin sa kaniya na may mga dadalin tayong mga babae sa pagbabalik natin sa kampo." Sambit ng isa pang lalaki.

"*Tsk! Mapalad kayo, dahil nai-ulat na namin kayo sa aming pinuno! Pero sa oras na maibigay na namin kayo sa kaniya ay natitiyak kong magsisisi kayo na binuhay pa namin kayong lahat!" Sambit muli ng lalaki.

"Tama na 'yan at tipunin nyo na ang mga natira nating sandata at kagamitan. Mamayang gabi ay isasagawa na natin ang ating paghihiganti!" Sambit ni Pino.

"Pero papaano kung umalis na don ang mangangalakal na 'yon?" Tanong ng isang lalaki.

"Wag kang mag-alala. Isa siyang mangangalakal at alam niyang mapanganib ang maglakbay sa gabi. Isa pa ay malamang iniisip nila na tumakas na tayo, kaya gagamitin natin ang pagkakataong 'yon para makaganti. At natitiyak kong sa mga oras na ito ay binabantayan na ni Bino ang kanilang mga pagkilos, kaya marami pa tayong oras para makapaghanda." Sambit muli ni Pino.

"Ayos! Mabuti na lang at nandito ka Pino! Pero mas maganda kung sumunod sila dito sa'tin sa kagubatan, para natikman nila ang mga patibong na ginawa natin." Sambit ng isa pang lalaki.

"Alam nilang may mga ginawa tayong patibong, kaya hindi sila maglalakas loob na sundan tayo dito." Sambit muli ni Pino.

"KUYAAAAAAAAAAAAAA!"

Agad napalingon ang lahat sa lugar kung saan nila narinig ang pagsigaw. Batid nila kung kanino ito, kaya agad silang napangiti.

"Mukhang ang bilis naman ni Bino." Sambit ng isang lalaki.

"TUMAKAS NA KAYOOO! PAPARATING NA SIYA!"

Bakas ang pagkagulat ng mga bandido sa sumunod na sigaw na kanilang narinig. Batid na nilang sumunod sa kanila ang mangangalakal at kasalukuyan na ring tumatakbo patungo sa kanila si Bino.

"*Hahaha! Isa siyang hangal! Mukhang hindi siya nabalaan ng mga taga-nayon na marami tayong patibong na ginawa patungo dito sa kuta natin ngayon." Sambit ng isang lalaki.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon