Kabanata I - XXIII: Ang mga sirkero

1.2K 79 17
                                    

8/17/16

Kinagabihan, dumating na ang mensaheng inaasahan nina Rishmond at ayon dito ay may ilang impormasyon na silang nalaman tungkol sa pagdukot sa prinsesa. At tama ang hinala niya na isa ang pamilya Rowen sa utak nito. Gayumpaman ay nabanggit din sa mensahe na posibleng nakatakas ang prinsesa, kasama ang tagapagsilbi nito, kaya mas makakabuti kung magtutungo sila sa mga bayan na malapit sa mga pantalan.

Sa ngayon ay pinagpupulungan na nila ang tungkol dito sa ibabang parte ng bahay paupahan, habang sila ay kumakain. Subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin lumalabas sa kaniyang silid si Niyetta at hindi sila maaaring umalis hanggat hindi ito lumalabas.

"Sa oras na lumabas si Niyetta ay sasakay na tayo ng barko patungo sa susunod na pantalan. Mahahati muli tayo sa dalawang grupo, upang mas mapabilis ang pagkalap natin ng impormasyon. At kung wala tayong makuhang impormasyong sa bawat lugar na mapupuntahan natin ay magpapatuloy lang tayo sa pagsakay ng barko, hanggang sa makakuha tayo ng impormasyon." Sambit ni Ziek.

Agad napatango ang lahat, dahil batid nilang ito na ang pinaka-magandang nila hakbang sa ngayon.

"*Tsk! Ano na kaya ang balita kina Medz?" Tanong ni Bickslow.

"Hindi pa ba nagawang makausap ni Niyetta si Celtrax?" Tanong ni Khadick.

"Sa tingin ko ay hindi pa, pero posibleng ginagawa na niya ito ngayon." Tugon ni Ziek.

Subalit ilang sandali pa ay agad silang napatingin sa may hagdan, dahil isang pamilyar na boses ang kanilang narinig mula dito.

"Ziek." Sambit ni Niyetta.

Agad napatayo ang ilan sa kanila, subalit agad silang pinaupo ni Niyetta, habang mabagal itong naglalakad papalapit. Samantala, agad namang sumenyas si Ziek sa may-ari, upang dalhan nito si Niyetta nang pagkain.

Nang tuluyang makalapit ay nanghihinang umupo si Niyetta sa tabi nina Ziek. Agad naman siyang pinainom ng tubig nina Chai, dahil batid nilang nanghihina na ang katawan nito.

"Ang mabuti pa ay mamaya na tayo mag-usap at kumain ka muna, para mabawi mo ang iyong lakas." Sambit ni Ziek.

Napatango na lang si Niyetta at kasabay nito ay ang pag-abot ng may-ari sa kaniyang pagkain. Marahil ay dala ng gutom ay hindi magawang magsalita ni Niyetta, ngunit batid ng kaniyang mga kaibigan na hindi lang ito dahil sa gutom, kundi dahil sa ginawa nito sa kaniyang silid.

Makalipas ang ilang minuto ay minabuti ng lahat na lumabas at magtungo sa lugar kung saan sila makakapag-usap ng pribado. Napili nila ang lugar malapit sa dalampasigan, dahil dito walang tao.

"May nalaman ka ba, Niyetta?" Tanong ni Ziek.

"*Uhm! Matagumpay kong narating ang lugar kung saan nakatira ang aming guro at nagawa ko rin siyang makausap. Hiniling ko sa kaniya na tulungan tayo sa paghahanap at tulad ng inaasahan ko ay tatanggihan niya ako. Ngunit nang banggitin ko ang taong hinahanap natin ay napansin kong may nalalaman siya. Sa katunayan ay alam niya ang pangalan ng prinsesa at nang tagapagsilbi nito." Tugon ni Niyetta.

Bakas ang pagkagulat ng lahat at nagresulta ito ng sandaling katahimikan.

"Saan natin makikita ang inyong guro, Niyetta?! At papaano niya nalaman ang pangalan nina Lyze at Sophia?!" Tanong ni Rishmond.

"Kumalma ka, bata. Pambihira ang mga sorsera at tulad nang sinabi namin sa'yo dati ay sila ang tagapagbantay ng buong mundo. Posibleng hindi niya sinasadyang makita ang prinsesa at ang tagapagsilbi nito." Sambit ni Archon.

"'Yon din ang inisip ko, kaya agad kong tinanong ang aming guro kung saan niya ito nakita, pero hindi niya ako tinugon. Sinabi lang niya na ligtas ang mga ito at kasalukuyang nasa bansang Tarnheim." Sambit muli ni Niyetta.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon