Kabanata I - XXXIV: Pandora's box

925 66 8
                                    

4/11/17

Hapon na nang marating nina Corrosive at Chai ang bayan ng Kornu at hindi agad sila nag-aksaya ng panahon at agad na silang nagtungo sa broker. Batid na agad nila kung sino ito, dahil isa ito sa sangay ng information guild at minsan na silang nagpunta dito. Sa ngayon nasa bahay aliwan sila at kausap ang kanilang broker.

"*Hmm... May alam akong impormasyon patungkol sa mga hinahanap nyo, pero malaki ang halaga nito." Sambit ng isang lalaki.

Sandaling natahimik sina Corrosive at Chai at kalaunan ay nagkatinginan.

"Handa kaming magbayad para sa impormasyong hawak mo." Sambit ni Chai.

"Nauunawaan ko. Sa totoo lang ay nagtungo siya dito at kinausap niya ang may-ari nitong bahay aliwan. At ayon sa kanilang pag-uusap ay naglalakbay ito patungo sa Basanti, subalit nagtanong siya patungkol sa patimpalak na magaganap sa Emro. Malaki ang posibilidad na magtungo sila doon." Sambit ng isang lalaki.

"Talaga? At kailan naman siya umalis?" Tanong ni Chai.

"Kahapon lang at tama kayo. May kasama siyang dalawang babae." Sambit muli ng lalaki.

Agad napangiti sina Chai at kasunod nito ay ang kaniyang muling pagsasalita.

"Maraming salamat, Tahdo." Sambit muli ni Chai.

Matapos magpasalamat ay inabot na niya sa lalaki ang isang maliit na supot, at kasunod nito ay ang kanilang pag-alis.

Sa pag-alis ng dalawa ay agad nagtungo ang lalaki sa silid nang may-ari ng bahay aliwan, si Amy. Agad naman siyang pinatuloy nito at kalaunan ay ibinigay dito ang nakuha niyang bayad.

"*Hmm... Mukhang mataas na impormasyon ang binili nila ah at saan naman itopatungkol?" Tanong ni Amy.

"Patungkol po sa lalaking kausap nyo kahapon." Tugon ng lalaki.

"Kay Crow? *Hmm... Mukhang may kasalan si Crow sa infinitia ah." Sambit muli ni Amy.

"Sa tingin ko po ay patungkol ito sa dalawang babae na kasama niya." Sambit muli ng lalaki.

"*Fufufu... Kung totoong pakay ng infinitia ang dalawang kasama ni Crow, nalalagay sila ngayon sa panganib. *Fufufu..." Sambit muli ni Amy.

"Hindi po ba kayo nag-aalala para sa kaibigan nyo, pinuno? Kilala ko po ang grupong infinitia at hindi sila mga normal na tao. Isa pa ay parang tayo pa ang nagdala sa panganib sa inyong kaibigan." Sambit muli ng lalaki.

"Ang patakaran natin ay patakaran. Kung alam natin ang impormasyon, ibibigay natin ito sa tamang halaga, kahit posible itong makasama sa'tin o sa'ting mga kaibigan at pamilya. Alam mo naman ito diba? At dahil dito ay tiwala ang ating mga kliyente." Sambit muli ni Amy.

Hindi na muli pang nagsalita ang lalaki at napatango na lang. Hanggang sa ilang sandali pa ay nagpaalam na ito.

"*Fufufu... Mukhang may interesanteng bagay na nangyayari ngayon kay Crow. At ang dalawang babaeng kasama niya, bakit kaya ito hinahanap ng tanyag na grupong infinitia? *Fufufu... Kinakailangang malaman ito ni ate." Sambit ni Amy derekta sa kaniyang isipan.

Sa mga sandaling ito ay isang mensahe ang isinusulat ni Amy at nang matapos niya ito ay agad na niya itong itinali sa isang raven at kalaunan ay pinalipad.

Samantala, nakapag padala na din sina Chai ng mensahe kina Ziek at kasaluyan na rin sila ngayong nagmamadali upang magtungo sa susunod na bayan, ang Emro, upang mangalap pa ng impormasyon patungkol sa kanilang mga hinahanap.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon