Kabanata I - XL: Vladimir

930 75 34
                                    

6/14/1

"*Fufufu... Nakakapagtakang makitang magkakasama kayo. *Hmm... Tatlong Hamon, tatlong Uria, dalawang sorceress, isang dark elf, isang Yaggai, dalawang Gidou at isang batang Oru... Hindi ko akalain na su-swertehin ako ngayon araw. *Fufufu..." Sambit ni Crow.

Labis na nagulat sina Ziek sa kanilang narinig at dahil dito ay agad nilang nabatid na may kinalaman ito sa babaeng hinahanap nila.

"Ikaw..." Sambit ni Pipay.

Matapos magsalita ay mabilis na sumugod si Pipay, subalit tila hindi ito alintana ng lalaking sinusugod niya, bagkus ay nakangiti lang ito.

"Sandali lang, pipay!" Sambit ni Niyetta.

Mabilis na napahinto si Pipay at kalaunan ay mabilis na napatalon paatras, matapos may lumabas na pader ng yelo sa kaniyang harapan.

Sa kaniyang pagbagsak ay agad siyang napalingon sa kaniyang mga kasamahan, suot ang galit na ekspresyon.

"Huminahon ka muna, Pipay." Sambit ni Ziek.

"Makinig ka sa mga kasama mo, dahil kung hindi ka nila pinigilan ay wala ka nang buhay ngayon." Sambit ni Crow.

Hindi nagustuhan ni Pipay ang kaniyang mga narinig, subalit kailangan niyang sundin ang mga sinabi ng kaniyang mga kasama at wag magpadala sa labis na galit.

Halos sa pagkatapos magsalita ni Crow ay mabilis nasira ang pader na yelo at mabilis din itong natunaw.

"Kami ang grupong Infinitia at may malaking atraso sa'min ang babaeng naglalabas ng presenya na tulad ng sa'yo." Sambit ni Ziek.

"Infinitia? *Hmm... Kung ganon ay kayo pala ang tanyag na grupo na 'yon. Hindi na nakakapagtaka na sikat kayo, at sa tingin ko ay kahit ang pinuno ng pilak na lobo ay walang laban sa inyo. Ngunit may napansin ako sa inyong lahat, maliban sa angkan ng Gidou, Yaggai at sa batang Oru. Lahat kayo ay mababang uri sa inyong angkan. *Fufufu..." Sambit muli ni Crow.

"Lighning bolt!" Sigaw ni Niyetta.

Isang matalim na kidlat ang mabilis na tumama kay Crow at labis itong ikinagulat nina Ziek. Subalit ilang sandali pa ay mas lalo silang nagulat sa kanilang nasaksihan.

"*Fufufu... Tulad ng inaasahan ko sa isang mababang uri ng sorceress, hindi na ako nagtataka kung bakit ka nandito sa mundo ng mga mortal. Pero pupuriin kita dahil mabilis mong naihanda ang iyong mga spell at anumang oras ay malaya mo na itong mapapakawalan. Bibihira lang ang kilala ko na may ganyang pamamaraan." Sambit muli ni Crow.

Hindi makapaniwala si Niyetta sa kaniyang nakita, dahil wala man lang pinsalang nagawa sa ginawa niyang pag-atake. Isama pa ang bagay na kaniyang mga narinig mula dito.

"Imposible..." Sambit ni Niyetta.

"*Tch! Mag-iingat kayo, dahil mukhang siya ang tinutukoy ni Mustaka na walang hirap na tumalo sa Pilak na lobo." Sambit ni Bogegang.

Agad napalingon si Rishmond kay Bogegang suot ang gulat na ekspresyon.

"Kung ganon ay siya ang kasama nina Lyze at Sophia?" Tanong ni Rishmond.

"Mukhang ganon na nga." Tugon ni Ziek.

Subalit ilang sandali pa ay mabilis silang napatalon paatras, dahil muling nagpakawala ng nakakatakot na presensya ang lalaking nasa harapan nila, si Crow.

"Hindi ako makapaniwala, pero nakakaramdam ako ng takot sa lalaking 'yan, higit pa sa babaeng hinahanap natin." Sambit ni Dhem.

"Batid ko ang nararamdam mo, pero kung hindi natin siya matatalo ay mas lalong hindi natin matatalo ang babaeng 'yon." Sambit ni Bogegang.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon