Kabanata II - LX: Hindi inaasahang muling pagkikita

686 72 10
                                    

9/18/18

Nagtagal ng ilang mga araw sina Lyze, bago tuluyang umalis sa bayan ng Dioskoro. Ginawa nila ito, dahil tukoy ni Lyze na hindi si Asheara ang nagpadala sa mga sorsera at mga elf. At kahit nakilala na nila at nalaman ang tunay na pakay ng mga ito ay minabuti nilang manatili muna ng ilang mga araw sa bayan, upang hindi sila mag-abot sa lugar kung saan sila papunta, ang lugar ni Asheara.

Sa mga sandaling ito ay nasa kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakbay at tinatayang may dalawang araw na silang naglalakbay sa desyerto. Nagkakapagtaka lang na mas pinili nila na gamitin ang kanilang kabayo, sa halip na mga kamelyo. Ngunit mas lalong nakakapagtaka na dala pa rin nila ang kanilang bagon. Gayumpaman ay labis na mapamaraan si Lyze at isang makinis at malapad na mga mga kahoy ang kaniyang itinali sa ilalim ng bawat gulong ng kaniyang bagon, dahilan upang mapigilan ang pag-ikot ng mga ito at mas madali itong hilahin sa buhangin.

Sa dalawang araw nilang paglalabay ay walang buhay silang makita sa buong lugar at tulad ito ng mga nakasaad sa bawat aklat na kanilang nabasa.

Hapon na at patuloy pa rin sila sa kanilang paglalakbay, dahil mahirap para sa kanila ang maghanap ng lilim laban sa nakapainit na lugar. Salamat na lang sa taglay na kapangyarihan ni Lyze, dahil dito ay nagagawa nilang malabanan ang init. Habang si Rishmond naman ay hindi iniinda ang init, kaya hindi niya tiyak kung anong klaseng init ang nararamdaman ng dalawa.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay ay may ilang mga pigura silang nakita. Batid nilang imposibleng may makita silang naglalakbay sa kahabaan ng desyerto ng Krinitz. Subalit ilang sandali pa ay sabay nakatinginan sina Lyze at Rishmond.

"Hindi kaya..." Sambit ni Rishmond.

Agad napatango si Lyze dahil batid niya ang nais sabihin ni Rishmond. At patungkol ito sa mga nakaharap nila nung nakaraang mga araw, ang mga sorcerer at mga elf.

"*Hmm... Hindi ba't ayon sa kanila ay babalik na sila sa kanilang bansa? Pero bakit pabalik na sila dito?" Sambit ni Rishmond.

"Posibleng initusan sila ni Asheara na sunduin tayo." Tugon ni Lyze.

"Ahh..." Sambit muli ni Rishmond.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nagsalita pa si Rishmond at itinuon na lang ang atensyon sa mga tao na papalapit sa kanila. Ngunit habang patuloy sila sa kanilang pag-usad ay napagtanto nilang hindi ang mga sorcerer at mga elf ang kasalukuyan ngayong papunta sa kanila. At base sa bilis nang pagtakbo ng mga kamelyong nito patungo sa kanila ay isa lang ang pumasok sa kanilang isipan.

"Mga bandido?" Sambit ni Rishmond.

"*Tch! Hanggang dito ba naman?" Tanong ni Lyze.

Ngunit ilang sandali pa ay naririg na nila ang pagsigaw ng mga ito, kaya muling nagkatinginan sina Lyze at Rishmond. Hanggang sa ilang sandali pa ay tuluyan na nilang nakita ang mga tao at malinaw na din sa kanilang pandinig ang isinisigaw ng mga ito, "Tulong".

Kahit maliit ang posibilidad na hindi mga bandido ang mga taong ito ay ano ang dahilan kung bakit sila nandirito sa malawak na desyerto ng Krintiz? Ito ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan ng dalawa, subalit nang ilang mga hakbang na lang ang layo ng mga ito ay ilang pamilyar na mukha ang nakita ni Lyze.

"Ginoong Gusthav? Ginoong Khaleel?" Tanong ni Lyze.

Agad napalingon si Rishmond kay Lyze at kalaunan ay muling ibinalik ang kaniyang tingin sa apat tao na kasalukuyan ng nasa kanilang harapan.

"*Ahh! Bi...binibining Lyze? A...a...anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Gusthav.

"Ginoong Gusthav! Ikaw nga!" Sambit muli ni Lyze.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon