Kabanata II - LXVIII: Ang nakaraan ni Asheara III

626 45 15
                                    

2/6/19

Makalipas ang anim na araw ay tuluyan ng narating nina Asheara ang Loren. Saglit silang nagpahinga sa isang maliit na nayon, ngunit bago makapasok ay agad nilang napansin ang mga naninirahan dito. Ang bawat isa sa kanila ay balot ng takot at tila hindi mapakali sa isang bagay na hindi nila tukoy. Dala na rin ng labis na pagtataka ay agad nagtanong si Nana at dito ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig na balita.

"Ang Trishka... Wala na ang Trishka?" Tanong ni Nana.

Bakas din ang labis na pagkagulat sa mukha ni Asheara matapos marinig ang elf na pinagtanungan ni Nana.

"Panginoon... Si Panginoong Nerwynn?! Ma...may balita ba sa kaniya?!" Sambit muli ni Nana.

"Patawad, pero hindi rin namin alam." Tugon muli ng lalaking elf.

Napadakot na lang ni Nana, kasabay ng saglit niyang pagtahimik.

"Asheara, tayo na." Sambit muli ni Nana.

Mabilis na tumugon si Asheara at kasunod nito ay ang muli nilang paglalakbay patungong Trishka.

Tinatayang isang buong araw ang lumipas ay tuluyan na nilang narating ang Trishka at dito ay napaluhod na lang si Nana sa tanawin na kaniyang nakikita. Ang dating buhay at masiglang kabisera ng kanilang bansa ay wala na. Tanging isang malaking hukay na lang ang kanilang nakikita na marahang pinupuno ng tubig, mula sa katabi nitong ilog.

"Imposible..." Sambit ni Nana.

Hindi rin makapaniwala si Asheara sa kaniyang nakikita, subalit ilang sandali pa ay isang bagay ang kaniyang nakita sa hindi kalayuan. Agad niyang itong itinuro kay Nana na kalaunan ay mabilis na napatayo.

"Isang kampo?" Tanong ni Asheara.

"Hindi ko rin alam, pero kung kampo ito ng mga kalaban, simulan na nilang magdasal sa kanilang mga diyos." Sambit ni Nana.

Mabilis na tinungo ng dalawa ang kampo, ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay unti-unti na nilang nakikita ang buong lugar. Hanggang sa ilang sandali pa ay tuluyan na nilang natukoy ang lahat at ang inakala nilang isang kampo ay ang lugar kung saan lumikas ang mga nakaligtas sa Trishka. Labis na ikinatuwa ni Nana ang kanilang nakita at kalaunan ay mabilis na silang nagtungo upang alamin ang buong nangyari.

"Nana!" Sigaw ng isang babae.

"Shira! A...ang panginoong Nerwynn?!" Tugon ni Nana.

Sa mga sandaling ito ay tuluyan ng nakalapit ang babaeng tumawag kay Nana, si Shira.

"Wag kang mag-alala, ligtas ang panginoon! Nagkataon na wala siya nung naganap ang pag-atake." Tugon ni Shira.

"Ma...mabuti naman kung ganon. Pero sino ang gumawa ng bagay na ito sa'tin? Wag mong sabihing sinalakay tayo ng mga dark sorcerers?" Sambit muli ni Nana.

Saglit na natahimik si Shira at tila ba malalim itong nag-iisip.

"Sa totoo lang ay hindi rin namin tiyak kung kabilang siya sa mga dark sorcerer. Pero hindi pangkaraniwan ang taglay niyang lakas. Sa isang iglap lang ay isang mabigat na presensya ang aming naramdaman. Hanggang sa ilang sandali pa ay tila napisat ang buong lugar at ang resulta ay ang nakikita nyo ngayon. Ito na ang Trishka at tinatayang ang tanging nakaligtas lang ay ang mga nasa lugar na hindi masyadong na-apektuhan ng ginawang pag-atake ng lalaking 'yon." Sambit muli ni Shira.

"Isang lalaki?" Tanong ni Asheara.

"*Uhm! Walong araw na ang nakalipas ng isang lalaki ang bigla na lang nagpakita sa himpapawid at matapos niyang magpakawala ng malakas na presensya ay nagpakawala na ito ng isang pag-atake. Isa ako sa mapalad na nakaligtas at nagkataon na pabalik pa lang ako sa palasyo nang maganap ang pag-atake. Pero sina Mina, Rrere, Taiya at iba pa. Lahat sila ay nasawi sa loob lang ng isang kisap mata." Sambit muli ni Shira.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon