Kabanata III - XC: Pagbabalik

393 38 9
                                    

9/13/21

Sa pagkakataong ito ay mabilis napatayo sina Asheara at kalaunan ay mabilis napatalon paatras. Kahit si Nima ay ganito din ang ginawa at kumilos siya base sa kaniyang natural na pakiramdam.

Samantala, marahang tumayo si Cornella habang hawak ang kaniyang natatanging sandata, ang Gram.

Ramdam nina Asheara ang presensyang pinapakawalan ngayon ni Cornella at dahil dito ay hindi nila magawang magsalita. At kasabay nito ay batid na nila na tukoy na ni Cornella ang kanilang pakay.

"Vlad, ilayo mo na dito si Nima." Sambit ni Asheara.

Matapos magsalita ay agad inilabas ni Asheara ang kaniyang ispada at kalaunan ay agad naghanda para makipaglaban.

"Oh! Hindi ko inaasahan na ang isang sorsera ay marunong makipaglaban gamit ang ispada." Sambit muli ni Cornella.

"Vladimir! Ngayon na!" Sambit muli ni Asheara.

Mabilis na binitbit ni Vladimir ang tulalang si Nima papalayo, at kasabay nito ay ang mabilis na pag-atake ni Cornella na agad namang nasalag ni Asheara. Ngunit dala ng malakas na pwersa ay mabilis siyang tumilapon papalayo.

"*Ohh! Nagawa mong masalag ang aking pag-atake. Hindi ka pangkaraniwang sorsera!" Sambit muli ni Cornella.

"*Tsk! Kung sa tingin mo ay magagawa mo akong matalo, dahil natalo mo si Vladimir ay nagkakamali ka. Ipapakita ko ngayon ang pagkakaiba nating dalawa." Tugon ni Asheara.

Matapos magsalita ay ilang kristal na gawa sa yelo ang mabilis na naglabasan sa likuran ni Asheara. Kasunod nito ay ang kaniyang pagsugod.

Hindi inaasahan ni Cornella ang aksyong ginawa ng kaniyang kalaban, ngunit agad siyang napangiti at mabilis itong sinalubong.

Mabilis silang nagpalitan ng mga pag-atake at mababakas na sa kanilang katawan ang ilang mga galos. Ngunit batid ni Cornella ang kaniyang kalamangan at patungkol ito sa kalidad ng kanilang gamit na sandata. Batid din ito ni Asheara at sa katunayan ay malaki na ang pinsalang natamo ng kaniyang ispada habang mabilis na nakikipagpalitan ng pag-atake. Subalit may isang bagay na nakalimutan si Cornella at ito ay ang pagiging sorsera ni Asheara.

Sa pagitan ng kaniyang pag-ilag ay napansin niya ang mabilis na paglapit ng isang makinang na bagay. Halos hindi niya ito nagawang ilagan at dumaplis sa kaniyang pisngi. Ngunit kaakibat nito ay ang mabilis na pagyelo ng parte ng kung saan siya tinamaan.

Mabilis na tumalon papalayo si Cornella dahil sunod-sunod na ang pag-atake ni Asheara gamit ang kaniyang mahika.

Hindi naman pinalagpas ni Asheara ang pagkakataong ito at mabilis na niyang sinugod si Cornella. Iba't-ibang uri ng mahika ang kaniyang pinakawalan, kasabay sa ginawa niyang pag-atake gamit ang kaniyang ispada. Halos hindi magawang iwasan ni Cornella ang bawat mga pag-atake at dahil dito ay maraming pinsala ang kaniyang natamo.

Sa mga sandaling ito ay bakas ang pagod sa mukha ni Cornella habang marahang tumutulo ang mga dugo sa kaniyang mga sugat.

"Nasaan ang immunity stones?" Tanong ni Asheara.

"*Pffft! *Hahaha! Kung ganon ay ikaw ang ipinadala para hanapin ang immunity stones." Tugon ni Cornella.

Matapos mag salita ay isang maliit na bagay ang kinuha ni Cornella sa kaniyang bulsa. Kasunod nito ay mabilis niya itong sinubo at kalaunan ay nilunok. At ang mga sumunod na pangyayari ay labis na gumulat kina Asheara. Isang hindi nakakasilaw na liwanag ang mabilis na bumalot sa buong katawan ni Cornella at kasabay ng pagkawala nito ay ang pagkawala din ng natamo nitong pinsala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon