Kabanata II - XLIX: Ang resulta sa pagbalewala ng isang babala

885 65 17
                                    

12/29/17

Samantala, kanina, ilang mga kidlat ang sunod-sunod na tumama kina Riel. At tila tulad ng inaasahan ni Crow ay hindi sila maapektuhan nito, bagkus ay magiging sanhi pa ito sa paglakas ng kanilang taglay na kapangyarihan. Subalit maliban sa isa nilang kasama, si Kel.

Hindi namang inaalala nina Riel ang paglakas nang antas ng kanilang mga kapangyarihan, sa halip ay inaalala nila ang kaibigan na kasalukuyan ngayong nagdurusa.

"*Tch! Hindi ito maganda! Hindi kinakaya ni Kel ang taas ng boltahe na tumatama sa'tin." Sambit ni Naho.

"*Fufufu... Hindi pa ba kayo makikipaglaro sa'kin? Hindi pa ba sapat ang pagbigay ko sa inyong lakas?" Sambit ni Crow.

"*Tch! Ang lalaking ito! Dapat talaga nakinig tayo kina Ziek!" Sambit muli ni Noha.

"Huli na ang lahat para sa bagay na 'yan, Noha." Sambit ni Riel.

"*Tch!" Sambit ni Paoro.

Hindi na nagsalita pa si Riel, bagkus ay napatingin na lang ito kay Crow.

"*Fufufu... Kung ganon ay handa ka nang makipaglaro, bata." Sambit muli ni Crow.

"Naho, Paoro. Sa pagsugod ko ay mabilis na kayong tumakas dito at isama nyo si Kel. Sa tingin ko ay hindi natin kakayaning labanan ang isang ito, kaya gagawin ko ang lahat para mapahaba ang oras sa inyong pagtakas." Sambit ni Riel.

"Hindi pwe..." Sambit ni Naho.

"Nauunawaan ko." Tugon ni Paoro.

Hindi na nagawang matapos ni Naho ang kaniyang sasabihin, dahil mabilis na nagsalita si Paoro.

"Hindi ako nangangako, pero susubukan kong makatakas sa kaniya. Hanapin nyong muli sina Ziek at humingi ng tulong. At matapos noon ay magbalik na kayo sa'ting nayon." Sambit muli ni Riel.

Napatango na lang si Paoro at kahit hindi ito gusto ni Naho ay tinanggap na lang niya ang kanilang sitwasyon.

"*Fufufu... Kung ganon ay magsimula na tayo." Sambit muli ni Crow.

Sa pagkakataong ito ay mabilis nang naghanda sina Riel, hanggang sa ilang sandali pa ay malakas na sumigaw si Riel.

"Ngayon na!" Sigaw ni Riel.

Subalit matapos niyang sumigaw ay isang itim na kidlat ang mabilis na tumama sa kanila at dahil dito ay mabilis silang bumagsak sa lupa.

"A...a...anong klaseng pag-atake ang bagay na 'yon?" Tanong ni Riel.

Bakas sa mukha ng apat ang labis na pagdurusa, lalong-lalo na si Kel na tuluyan ng nawalan ng malay.

"Hindi ko gustong gamitin sa inyo ang kapangyarihan ito, dahil maraming hindi magandang alala sa likod ng kapangyarihang ito." Sambit ni Crow.

"Ang itim na kidlat ni Krintiz. Ang akala ko ay hindi mo gusto ang kapangyarihang ito, Ryura." Sambit ni Argos.

"Hindi ko nga ito gusto, pero ito ang nangingibawbaw sa lahat ng kapangyarihang taglay ko sa ngayon. Isa pa ay ito ang kapangyarihan ng nakatatandang kapatid ng kanilang diyos na si Hamon. At ito rin ang hudyat na ibinigay ko sa kasama kong naglalakbay." Sambit muli ni Crow.

"*Hmm... Labis na malakas ang kapangyarihang taglay ni Krintiz at pawang normal na kidlat lang ang taglay na kapangyarihan ni Hamon. *Fufufu... Naalala ko tuloy bigla sina Horus at Krintiz, dahil sila ang labis na kinatatakutan sa aking panahon." Sambit muli ni Argos.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon