Kabanata III - LXXV: Sa pagkamit ng inaasam na hustisya I

540 45 14
                                    

6/8/19

Tinatayang sa loob ng limang araw ay nagawa nang makabalik ng binata sa kanilang himpilan, kung saan ay kasalukuyan ring nasa loob ng Barin. Ang nasabing binata ay ang nagtangka sa buhay ni Olric, hari ng Barin. Nabigo siya sa kaniyang misyon dahil sa paglabas ng hindi pangkaraniwang lalaki. At dahil dito agad siyang tumakas matapos makahanap ng pagkakataon.

Nang makapasok sa tolda ng kanilang mga pinuno ay agad na siyang nagulat sa mga ito.

"Nandito na po ako, punong heneral." Sambit ng binata.

"*Uhm! Nabalitaan ko na ang nangyari sa iyong misyon at tulad ng nasa plano ay nagawa mong mapalabas na nawala na sa kaniyang katinuan ang hari at pinaslang niya ang kaniyang mga ministro at tauhan. *Fufufu. Magaling! Tulad ng inaasahan ko sa ipinadala ng Naigta." Sambit ng punong heneral.

Saglit na natahimik ang binata subalit hindi naman ito nagtagal at ilang sandali pa ay muli na siyang nagsalita.

"Patawad po, pero hindi po ako ang pumaslang sa hari. At sa tingin ko po ay hindi na makakabuti sa'tin ang ipagpatuloy ang pananakop." Sambit muli ng binata.

Mabilis nagbago ang ekspresyon sa mukha ng mga nasa loob, maliban lang sa punong heneral na labis na nagtaka sa kaniyang mga narinig.

"Ang ibig mo bang sabihin ay may nauna sa'yo na pumaslang sa hari?" Tanong ng isang kapitan.

"Hindi ko po tukoy ang bagay na 'yan at posibleng ang hari na mismo ang pumaslang sa kaniyang sarili." Sambit muli ng binata.

"Ronoa, tama ba?" Sambit muli ng punong heneral.

"Tama po, punong heneral." Tugon muli ng binata.

"*Hmm... Kung ganon ay sino ang pumaslang sa kaniyang mga ministro at tauhan?" Tanong muli ng punong heneral.

Muli ay saglit na natahimik ang binata at napalunok bago tuluyang tumugon.

"Isang babae at lalaki ang bigla na lang nagpakita sa loob ng konseho. Sa katunayan ay nagulat po ako nang marinig ko ang babae na biglang nagsalita, dahil walang paraan para makapunta siya sa kinatatayuan niya nung mga oras na 'yon ng hindi napapansin ng lahat." Sambit muli ng binata.

"At ibig mo bang sabihin ay ito ang pumaslang sa mga ministro at iba pa?" Tanong ng isa pang heneral.

"Ang pumaslang sa mga 'yon ay ang kasama nitong lalaki. At kahit nagtatago ako nung mga sandaling 'yon ay nabatid niya ang aking presensya at kalaunan ay kasama ako sa kaniyang inatake. Sa loob lang ng isang iglap ay mabilis naliparan ang ulo ng lahat, maliban sa'kin at sa hari. At gawa ito ng isang matalim na hangin. Kung hindi ko ito naramdaman ay maaaring nasawi na rin ako nung mga sandaling 'yon." Sambit muli ng binata.

"Matalim na hangin?" Tanong ng isang heneral.

"Ito ba ang dahilan kung bakit mo sinabi na hindi na makakabuti sa'tin ang ginagawa nating pagsakop? Dahil ba ito sa dalawang taong tinutukoy mo?" Tanong muli ng punong heneral.

"Ganon na nga po. At ayon sa narinig kong pag-uusap nila ng hari ay hindi tao ang lalaking 'yon kundi isang diyos. At matapos nilang magpaalam sa hari ay mabilis na silang pumasok sa itim na liwanag at kasabay nitong naglaho." Sambit muli ng lalaki.

"Naglaho?" Tanong ng isang kapitan.

"Itim na liwanag?" Tanong ng isa pang kapitan.

"Diyos?" Tanong ng isa pang kapitan.

"Sa tingin ko ang lalaking 'yon ang pumaslang sa apoy na dragon ng Barin, si heneral Rai'un." Sambit muli ng binata.

"*Hmm... Kung ganon ay kapanalig ito ng Garshlan?" Tanong muli ng punong heneral.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon