Kabanata II - LIII: Witch

906 65 13
                                    

4/22/18

Ilang linggo pa ang nakalipas ay tuluyan ng narating nina Ziek ang kanilang bansa sa kontinente ng Pelta, sakay ng isang barko. Subalit sa tagal ng panahon na hindi nila pagtapak dito ay naninibago sila sa kanilang paligid, dahil na rin sa malaking ipinagbago nito.

"Mukhang umunlad ng husto ang pantalang ito, magmula ng umalis tayo." Sambit ni Edhz.

"Wala na tayong panahon pa para maglibot, kaya aalis na agad tayo at magpapahinga sa susunod na nayon." Sambit ni Ziek.

Mabilis na sumang-ayon ang lahat, maliban kay Kel na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagbabalik sa kaniyang sarili, matapos ang nangyaring trahedya sa kaniya. Gayumpaman ay madali lang para kina Ziek ang pasunurin ito, dahil na rin sa kanilang ginagawang paglalakbay pabalik sa kanilang tagong nayon.

Samantala, patuloy lang sa kanilang pagsunod sina Rhena at upang hindi tuluyang mapansin nina Ziek ang kanilang ginagawang pagsunod ay sinisiguro nilang malaki ang kanilang distansya sa mga ito.

"*Tch! Tulad ng inaasahan natin, imposible na para sa'ting mga lawin ang makabalik, dahil na rin sa layo natin." Sambit ni Eddga.

"Wala na tayong magagawa pa tungkol sa bagay na 'yon, pero sa tingin ko ay sapat na tayong tatlo laban sa kanila." Sambit ni Aleah.

"Batid ko ang iniisip mo, Aleah. Pero batid mo rin na hindi lang sampu o dalawampu ang kakaharapin natin." Sambit ni Rhena.

"*Hmm... Sang-ayon ako kay Rhena, pero sa tingin ko ay tama din si Aleah. Dahil wala namang epekto sa'tin ang kanilang kapangyarihan." Sambit muli ni Eddga.

"*Tch! Hindi talaga kayo nag-iisip! Sa tingin nyo ba ay tanging kapangyarihan lang nila kung bakit sila malakas? *Tch! Dapat talaga si Edmond ang kasama ko, dahil hindi nyo ginagamit ang utak nyo ng tama." Sambit muli ni Rhena.

Agad napa-iling at napabuntong hininga si Rhena, matapos niyang magsalita. Nakaramdam naman ng pagkainis sina Eddga at Aleah, ngunit gayumpaman ay napagtanto nilang tama si Rhena sa mga sinabi nito.

"Ang mabuti pa ay bumili na tayo ng mga mapa, para matukoy agad natin ang mga posible nilang daanan o puntahan." Sambit muli ni Rhena.

Mabilis na sumang-ayon ang dalawa at kasunod nito ay mabilis na silang naglakad patungo sa mga tindahan, upang dito ay magtanong.

Samantala, kasalukuyan na ngayong nasa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay sina Rishmond patungo sa desyerto ng Krintiz. At kahit nakiusap na si Rishmond kay Lishri na magpaiwan ito kay Atma ay nagpumilit pa rin ito na sumama. Wala naman siyang nagawa dito, kaya isinama na niya ito sa kanilang paglalakbay.

Sa mga sandaling ito ay binabaybay ng sinasakyang nilang barko ang karagatan ng Mainald. At tinatayang tatlong araw pa ay mararating na nila ang bayan ng Gyre, sa bansang Tarnheim.

Agad napansin ni Rishmond ang balisang mukha ni Lyze, kaya agad na niya itong nilapitan upang kausapin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Rishmond.

"*Uhm... Naalala ko lang ang mga panahong nadukot kami. Sa pantalan ng Gyre kami napadpad, sakay ng isang bangka." Sambit ni Lyze.

Sa pagkakataong ito ay saglit na natahimik si Rishmond at kalaunan ay mabilis na kinapkap ang kaniyang katawan. Labis namang nagtaka si Lyze, kaya mabilis na siyang nagtanong.

"May nawawala ba sa'yo?" Tanong ni Lyze.

Subalit mabilis na napangiti si Rishmond matapos matukoy ang bagay na hinahanap niya, isang maliit na supot. Agad niya itong inabot kay Lyze na hanggang sa ngayon ay patuloy na nagtataka.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon