Kabanata I - XLI: Sa pagtahak ng paninbagong landas

1.6K 86 28
                                    

6/22/17

Sa mga sandaling ito ay muling nagtagumpay sa kanilang pag-atake sina Ziek at sa pagkakataong ito ay tuluyan nang nasira ang suot na hikaw ng kanilang kalaban, si Crow.

Labis itong ikinatuwa nina Ziek at sa tingin nila ay posible na nila itong mapinsalaan ng husto. Subalit ilang sandali pa ay malakas na tumawa si Crow, kasabay ng pagpapakawala niya ng mas malakas na presensya.

"*Fufufu... Magaling Vladimir! Ngayon, oras na siguro para tapusin ang paglalaro." Sambit ni Crow.

Hindi makapaniwala sina Niyetta sa kanilang nararamdam, dahil imbes na humina ay tila mas lumakas pa ito. Gayumpaman ay balot pa rin ng determinasyon sina Ziek at kahit ramdam nila ang sobrang takot ay batid nila na tatalab na ang kanilang mga pag-atake dito.

"Niyetta! Celtrax! Natitiyak kong tatalab na ang inyong mga pag-atake sa kaniya, kaya ibuhos nyo na ang lahat." Sambit ni Ziek.

Mabilis na sumang-ayon ang dalawa at kasabay nito ay ang muli nilang paghahanda.

Muling nagbibigkas ng mga hindi pamilyar na kataga sina Niyetta at Celtrax, habang sina Ziek, Bickslow, Edhz, Mads, Medz at Archon ay muling binalutan ng kanilang mga kapangyarihan ang kanilang mga sandata at katawan.

"*Oh? Meteor storm? *Fufufu... Mukhang ito na ang pinakamataas nyong spell." Sambit ni Crow.

Matapos magsalita ay bahagyang inangat ni Crow ang kaniyang kanang kamay at saktong nakatapat ito kina Niyetta at Celtrax. Mabilis namang naalerto sina Ziek, dahil posibleng binabalak nito na pigilan ang kanilang mga kaibigan.

"Dispell." Sambit ni Crow.

Labis na nagulat sina Niyetta at Celtrax, dahil mabilis na sira ang ginagawa nilang orasyon. Hindi naman batid nina Ziek ang tungkol dito, ngunit laking pagtataka nila matapos makita ang paghinto ng dalawa sa pagsasalita.

"I...imposible! Nagawa niyang ma-dispell ang aming magic ng ganong kadali lang?" Sambit ni Niyetta derekta sa kaniyang isipan.

"Hayaan nyo akong magpasalamat sa paghihintay na masira ang aking seal." Sambit muli ni Crow.

Mabilis na napalingon sina Ziek kay Crow, suot ang gulat na ekspresyon.

"Isang seal? I...imposible! Napaka imposible ng bagay na 'yon!" Sambit ni Niyetta.

Napangiti na lang si Crow sa mga sandaling ito, hanggang sa ilang sandali pa ay marahan na niyang inangat ang kaniyang kanan kamay at kalaunan ay itinapat sa kalangitan.

"Meteor storm." Sambit ni Crow.

Muli ay labis na nagulat sina Niyetta at Celtrax, at kasunod nito ay ang pagliwanag ng kalangitan. Ilang mga malalaking bulalakaw ang mabilis ngayong bumabagsak patungo sa kanila. At sa sobrang laki ng bawat isa nito ay kaya na nitong burahin ang isang buong nayon.

"Imposible! Isang komplikadong spell ang Meteor storm, pero parang isa lang itong mababang spell para sa kaniya. Si...sino bang talaga ang Crow na 'to?" Sambit ni Niyetta derekta sa kaniyang isipan.

"Na...na...nababaliw na ba siya?!" Tanong ni Edhz.

Mabilis namang napalingon si Ziek kina Niyetta at Celtrax, subalit mabilis nabura ang kaniyang pag-asa matapos makitang nakaluhod ang mga ito.

"*Tch! Khadick, Mads at Archon! Maghanda na kayo sa pagtakas!" Sambit ni Ziek.

Subalit ilang sandali pa ay isang babae ang biglang nagpakita at kalaunan ay nagbigkas ng mga kataga na kina Niyetta at Celtrax lang nila narinig. Dahil dito ay bigla silang napahinto sa pagkilos at napatitig na lang sa na sabing babae.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon