Kabanata II - XLIV: Misteryosang babae

1K 67 29
                                    

8/31/17

Kinabukasan, maagang umalis sina Riel upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay patungong Revinal, isang maunlad na bayan ng Nostrad. At kahit hindi pa pamilyar sa labas ng kanilang lugar sina Riel ay sapat na ang impormasyong nakuha nila mula sa heneral. Isa pa ay sapat ang kanilang salapi upang makalikom ng impormasyong kailangan nila.

Samantala, nakasunod lang sina Ziek kina Riel. At kahit batid na nila kung saan sila magtutungo ay minabuti nilang dumistansya sa sinusundang grupo.

"*Tch! Bakit kailangan nating sumunod kina Riel? Alam mo namang hindi ko kayang matagalan ang ugali ng Kel na 'yon!" Sambit ni Edhz.

"Tumahimik ka Edhz! May impormasyon sila patungkol sa hinahanap natin, kaya tiisin mo na lang ang sitwasyon natin sa ngayon." Sambit ni Pipay.

"Nasasabi mo 'yan, dahil hindi mo alam kung anong klaseng pagkatao ang meron sila." Sambit muli ni Edhz.

"Alam kong mas matindin ang galit mo, Pipay. Pero sana isipin mo rin kung ano ang nararamdaman ng iyong mga kaibigan. Hindi biro ang dinanas namin sa kanilang kamay at isa sila sa dahilan kung bakit kami umalis sa'ming lugar. Kaya hindi mo kami masisisi, kung bakit hindi kami sang-ayon sa pagsunod sa kanila." Sambit ni Bickslow.

"*Tch!" Sambit ni Pipay.

Napabuntong hininga na lang ang iba at minabuting huwag na lang magsalita. Samantala, nagbalik sa pangangalap ng sandata ang itim na leyon at hindi ito inasahan ng nagpapanggap bilang siya. Gayumpaman ay minabuti niyang dumistansya dito, kasabay ng kaniyang pangangalap ng mga may halagang bagay.

Mabalik tayo sa Hezan, sa bansang Mainald. Kasalukuyan ngayon nakikipag-usap si Ramshel, hari ng Mainald sa kaniyang matagal ng kaibigan.

"Anim na taon na ang lumipas nung huling magpakita sa'tin si Asheara. At dalawang taon na rin tayong walang balita sa inyong anak. Labis na tuloy akong nangangamba para sa kanilang kaligtasan." Sambit ni Ramshel.

"Kahit ako ay natatakot din para sa kanila, pero kailangan nating magtiwala. Sa katunayan ay katulad ng pag-aalala ko ang nararamdaman ko ngayon nung mga panahong dinukot si Lyze." Sambit ni Alvan.

"Pero salamat kay Ashiera, dahil sinabi niya sa'tin na ligtas siya. At kung inaakala mo Ramshel na mapapatawad kita sa paglilihim mo sa pagdukot sa'kin anak ay nagkakamali ka." Sambit ni Liene.

"*Tch! Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa'yo na nakatakdang mangyari ang bagay na 'yon. Isa pa ay may magandang bagay na nai-dulot ang pagpapadukot ko sa inyong anak. Mas lumaki at gumanda ang relasyon ko kay Gishmond. At dahil don ay napapanatili ko ang kapayapaan sa'king nasasakupan." Sambit muli ni Ramshel.

"Pero inilihim mo sa'min ang bagay na 'yon at bukod sa bagay na 'yon ay pumalpak ka pa! At 'yon ang dahilan kung bakit hindi kita mapapatawad." Sambit muli ni Liene.

Napahawak na lang sa kaniyang noo si Ramshel at kalaunan ay napabuntong hininga.

"Nauunawaan ko, hindi na tayo aasa pa kay Asheara at ipahahanap ko na inyong anak upang mapanatag na ating kalooban. *Tch! Kung naisip ko lang sana na posibleng makatakas sina Lyze sa barko, habang sila ay naglalayag ay hindi mangyayari ang bagay na 'yon." Sambit muli ni Ramshel.

"Ang mabuti pa ay babalik na kami sa aming silid." Sambit ni Alvan.

"*Uhm! At wag kayong mag-alala, dahil natitiyak kong ligtas si Lyze. Tandaan nyong siya ang itinakda." Sambit muli ni Ramshel.

Napangiti na lang si Alvan, hanggang sa tuluyan na silang makalabas sa silid.

"Lyze... Sana nga ay ligtas ka." Sambit ni Ramshel derekta sa kaniyang isipan.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon