Kabanata I - XIX: Bayan ng Rixot

1.2K 76 14
                                    

5/27/16

Kinabukasan, ika-labing pito ng marso, isang mensahe ang kanilang natanggap at mula ito sa mga kaibigan nina Ziek. Laman ng mensahe ang isang magandang balita, dahil ayon dito ay may isang barko ang hanggang sa ngayon ay nakadaong sa isang isla na nasasakupan ng Ondal. Sa pagkakataong ito ay agad inutusan ni Ziek ang lahat na maghanda para sa kanilang paglalakbay, dahil tinatayang dalawa, hanggang tatlong araw ang kanilang lalakbayin, para lang makarating sa Ondal. Hindi naman nag-aksaya sina Rishmond, dahil ito na ang impormasyong inaasam nilang makuha. Sa mga sandali ding ito ay naalala niya ang labis niyang pag-aalala para sa prinsesa at dahil dito ay sandali siyang natigilan. At sa mga sandali ding ito niya napagtanto na ang bawat sandali ay labis na mahalaga, dahil walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng kaniyang prinsesa, si Lyze. Ilang sandali pa ay nagbago na ang tingin sa kaniyang mga mata na tila nanumbalik sa orihinal nitong anyo o kalagayan. Agad naman itong napansin nina Ziek, ngunit minabuti nilang wag nang magtanong tungkol dito, dahil batid naman nila ang nangyayari kay Rishmond.

Tinatayang kulang kalahating oras nang matapos sila sa pagsasa-ayos ng kanilang mga gamit. At walang pag-aaksaya ay mabilis na nilang nilisan ang bayan ng Shudan. Batid nilang hindi magiging madali ang daang tatahakin nila, dahil labis na nakakaakit sa mata ng mga bandido ang malaking bagon na dala nila. Ngunit gayumpaman ay kampante silang makakarating sa Ondal ng walang problema, maliban na lang sa mga aatake sa kanila. At kahit hindi na sila dadaan pa sa Tiamat, kung saan nahinto ang paglalakbay ni Niyetta, kasama ang iba pa nilang kaibigan, ay sapat na ang dala nilang mga pagkain, upang makapaglakbay ng halos limang araw.

Kinatanghalian, pinili nilang saglit na magpahinga upang sandaling makakain. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap, dahil ilang mga kalalakikan ang biglang lumabas at sa ngayon ay napapaligiran na sila nito. Tinatayang higit sa sampo ang kanilang bilang at base sa kanilang mga itsura ay mga bandido sila. At ang lugar kung saan nila napiling magpahinga ay posibleng sakop ng teritoryo ng mga ito.

Hindi makapaniwala si Rishmond sa pangyayaring ito, dahil hindi man lang niya naramdaman ang mga bandido. Kahit kasi konting ingay o kaluskos ay wala silang narinig, bago pa man magpakita ang mga bandido. Tila batid na ng mga ito na dito sila hihinto upang magpapahinga, kaya matiyaga silang naghintay sa lugar na ito.

"*Fufufu... Mukhang maganda ang huli natin ngayon." Sambit ng isang lalaki.

"*Hehe... Bukod sa maraming laman ang dala nilang bagon ay may mga kasama pa silang mga babae. Natitiyak kong magiging maganda ang gabi ko mamaya." Sambit ng isa pang lalaki.

"Wa...wa...wag nyo po kaming sasaktan, mga ginoo." Sambit ni Chai.

Matapos magsalita ay marahang itinaas ni Chai ang kaniyang mga kamay at ang pangyayaring ito ay labis na nagpasaya sa mga bandido.

"*Wahahaha! Sa'kin ang babaeng 'yon!" Sambit ng isa pang lalaki.

Agad napangiti si Chai at ilang sandali pa ay mabilis niyang wininasiwas pababa ang kaniyang mga braso, kasabay nang pagdakot sa kaniyang mga kamay. Sa isang iglap ay mabilis na humiwalay ang ulo ng mga lalaki sa kanilang mga katawan. May ilang mapalad na hindi inabot nang ginawang pag-atake ni Chai, ngunit agad nabalot nang takot ang kanilang katauhan matapos makita ang nangyari sa kanilang mga kasama. Dala na rin ng labis na pagkagulat ay agad napatakbo ang mga ito, ngunit hindi naman nila nagawang makalayo, dahil mabilis lang silang tinapos ni Dhem gamit ang kaniyang pana at palaso.

"*Tsk! Medyo nawalan na tuloy ako nang ganang kumain." Sambit ni Dhem.

"Mukhang alam nilang marami tayong dalang mga pagkain at base sa biglaang paglabas nila ay hinintay nila ang ating pagdating. Nakatitiyak akong hindi lang basta maliit na bandido ang nasa likod nito." Sambit ni Ziek.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon