Kabanata I - XXV: Broker

1K 73 5
                                    

10/11/16

Palubog na ang araw nang marating nina Rishmond ang bayan ng Eschota. At dahil na rin pagod na ang kanilang mga gamit na kabayo ay minabuti nilang dito na magpalipas ng gabi. Agad silang naghanap ng bahay paupahan at may ilang minuto lang ay nakahanap na sila at hindi ito kalayuan sa pusod ng bayan. Subalit dahil sa dami nila ay hindi na sapat ang mga silid para sa kanilang lahat, kaya minabuti ng iba na lumipat sa ibang bahay paupahan.

Sa ngayon ay nasa labas ang iba, dahil kinakailangan nilang mangalap ng impormasyon patungkol sa mga slaves trader na dumukot kina Lyze. Pinili namang manatili nina Niyetta, Dhem, Bogegang at Pipay sa bahay paupahan upang magpahinga. Sa mga sandaling ito ay pansamantalang nasa iisang silid ang apat at nag-uusap.

"Kamusta na kaya sina Celtrax? May balita ka na ba sa kanila, Niyetta?" Tanong ni Dhem.

"Ang huli naming pag-uusap ni Celtrax ay nung nasa Ondal pa tayo. At hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang nakukuhang impormasyon sa babaeng matagal na nating hinahanap." Tugon ni Niyetta.

"*Tsk! Halos may apat na taon na rin ang nakakalipas nung magpakita sa'tin ang babaeng 'yon! Pero hinding-hindi ko makakalimutan ang kaniyang pagmumukha. Hindi mawawala ang galit kong ito, hanggang hindi ko naipaghihiganti sina Inzhai at Airen." Sambit ni Pipay.

"Pero wala tayong impormasyon sa babaeng 'yon at sa tingin ko ay wala pa rin tayong laban sa kaniya, hanggat hindi natin nalalaman kung anong klaseng nilalang talaga ang isang 'yon." Sambit ni Bogegang.

"Sang-ayon ako kay Bogegang." Sambit muli ni Niyetta.

"Niyetta, natanong mo na ba ang guro mo tungkol sa babaeng hinahanap na'tin?" Tanong ni Dhem.

"*Uhm. Pero wala din siyang ideya tungkol dito. Isa lang daw ang posibilidad at posibleng isa itong sorceress tulad namin. Gayumpaman ay hindi niya ito tukoy, dahil hindi pa niya ito nakikita, base na rin sa paglalarawan ko nito sa kaniya." Tugon ni Niyetta.

"*Tsk! Ang mabuti pa ay lalabas muna ako, magpapahangin lang ako saglit." Sambit ni Pipay.

Napatango na lang ang tatlo at matapos nito ay tuluyan nang lumabas ng silid si Pipay.

"Sa tingin mo kaya ay may nakalap ng impormasyon sina Chai?" Tanong ni Dhem.

"Kilala mo sila. Mula sila sa tribo ng Yaggai, isa pa ay kasama nila sina Ziek." Tugon ni Bogegang.

"Sabagay... Pero sana nagkakamali si Rishmond, dahil may punto din ang mga sinabi niya." Sambit muli ni Dhem.

"Naniniwala akong ligtas ang prinsesa at posibleng hanggang sa ngayon ay sinusubaybayan sila ng aming guro." Sambit ni Niyetta.

"Talaga? Pero papaano ka naman nakakasiguro?" Tanong ni Dhem.

"Sa totoo lang ay hindi ko rin sigurado, pero malakas ang kutob ko na tama ako." Sambit muli ni Niyetta.

Agad napa-iling sina Bogegang at Dhem, matapos marinig si Niyetta.

"Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung bakit hindi mo ito sinabi kina Ziek at lalong-lalo na sa batang 'yon." Sambit ni Bogegang.

Napangiti na lang si Niyetta sa mga sandaling ito at ilang sandali pa ay nagpaalam na siya. Samantala, patuloy pa rin sa kanilang pangangalap ng impormasyon sina Rishmond, hiwalay sa ginagawang pangangalap nina Chai at Corrosive. Halos may ilang oras na rin nilang hinahanap ang information's guild o isang Broker, upang dito makabili ng impormasyong kailangan nila. Subalit labis na mahirap tuntunin ang kinaroroonan nito at siguro ay dahil na rin ito sa estado ng mismong bayan. Puno kasi ito ng mga slaves trader at mga kahina-hinalang mga tao.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon