Kabanata I - XIV: Sa pagpapatuloy ng paglalakbay

1.1K 81 1
                                    

4/1/16

Kinabukasan, maagang naghanda sina Ziek para sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay. Labis itong ipinagtataka ni Rishmond, dahil wala pa silang nakukuhang impormasyon mula sa lalaking nakausap nila kahapon, si Hnaef. Sa kaniyang palagay ay nakalimutan na ito ni Ziek, kaya habang inaayos nito ang kaniyang mga gamit ay agad niya itong nilapitan upang kausapin.

"Bakit aalis na tayo? Ang akala ko ba ay hindi tayo aalis hanggat hindi natin nakukuha ang impormasyon dun kay Hnaef?" Tanong ni Rishmond.

"Wag kang mag-alala, dahil nakuha ko na ang impormasyong 'yon kagabi at sa ngayon ay nai-padala ko na ito sa mga kasama namin sa pamamagitan ng isa sa aming mga lawin. Malamang ay nakarating na ito sa kanila ngayon at posible ring nasa may pantalan na sila." Tugon ni Ziek.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagsalita si Rishmond at napatitig na lang sa pag-aayos ni Ziek ng kaniyang mga gamit. Ilang minuto pa ang lumipas matapos nilang kumain ng almusal ay itinuloy na nila ang kanilang paglalakbay. Ngunit bago sila umalis ay tinukoy muli ni Rishmond ang oras sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang sanga sa lupa, na nakaharap sa araw. At sa mga sandaling ito ay natukoy niyang laging tama ang oras sa orasahang ipinahawak sa kaniya ni Ziek. Ngayon tuloy ay nina-nais na niyang magkaroon ng isa nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na silang nakalabas sa bayan ng Kriante. Ngunit ilang mga bayan at mga nayon pa ang kanilang dadaan bago sila makapasok sa teritoryo ng kalabang bansa. Samantala, ang ilan sa mga kasapi ng Infinitia ay kasalukuyan nang nakuha ang mensaheng ipinadala ni Ziek. At sa ngayon ay malapit na sila sa isang pantalang nasasakupan ng isang bayan sa bansang Mainald, ang Tiamat.

"Niyetta, mukhang kailangan ka nina Ziek sa grupo nila." Sambit ng isang lalaki.

"Nauunawaan ko. Kung ganon ay magpupunta na ako sa bayang nasabi ni Ziek." Tugon ng isang babae.

"Sige at kung maaari lang ay ikaw na rin ang magpadala ng mensahe kina Celtrax." Sambit muli ng lalaki.

"Sige, pero anong mensahe ang ipapadala ko sa kanila? Isa pa ay nasa isang misyon si Celtrax ngayon, kasama sina Medz at Ehdz, diba?" Sambit muli ng babae.

"Tama at patungkol sa kanilang misyong ang nais ipamensahe ni Ziek. Tila ang gusto niya ay tumulong na sila sa paghahanap sa prinsesa." Sambit muli ng lalaki.

"*Hmm... Kung ganon ay ako na ang bahala at makikipag-ugnayan agad ako kay Celtrax sa oras na makarating na ako sa bayan ng Shudan." Sambit muli ng babae.

"Sige... Mag-ingat ka sa iyong pagpunta sa Shudan." Sambit muli ng lalaki.

"*Uhm. Sige, aalis na ako." Sambit muli ng babae.

Matapos makipag-usap ay agad nagpaalam ang babae sa kaniyang mga kasama, at kalaunan ay nagsimula ng patakbuhin ang gamit niyang kabayo, patungo sa kabilang derekyon.

Samantala, sa kapitolyo ng Wizendra, ang Bverrit. Kasalukuyang nagpupulong ang hari, kasama ang kaniyang reyna at ang mga may matataas na katungkulan, sa mismong silid ng hari sa kaniyang kastilyo.

"Walang pa rin ba kayong balita tungkol sa aking anak?" Tanong ni haring Alvan.

"Patawad kamahalan, ngunit wala pa rin po kaming balita tungkol sa pagkawala ng prinsesa. Pero wag po kayong mag-alala, dahil ginagawa na po namin ang lahat para lang po mahanap agad si prinsesa Lyze." Tugon ni Fazel.

"Ginagawa nyo ang lahat? Pero tatlong araw na ang lumilipas at wala pa rin kayong impormasyong ibinibigay sa'min tungkol sa pagkawala ng aking anak!" Sambit ni reyna Liene.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon