Kabanata II - LVIII: Hindi inaasahang paghaharap

758 69 18
                                    

7/31/18

Tinatayang dalawang araw ang lumipas nang marating nina Lyze ang pinaka-dulong bayan ng Mainald, ang Dioskoro.

Ang bayan ng Dioskoro ay tanyag para sa mga mananaliksik, dahil ito na ang pinaka malapit na bayan patungo sa Krintiz. Sa katunayan ay maraming mga mananaliksik ang kasalukuyan ngayong naninirahan dito. At marami ring mga mersinaryo at mga eksperto na maaaring upahan upang samahan ang mga nais na magtungo sa Krintiz. At hindi tulad ng ibang mga bayan ay halos walang pang-aaliping nagaganap sa bayang ito, dahil na rin sa walang maharlika ang naninirahan dito. Ngunit gayumpaman ay hindi ito maiiwasahan, lalo na sa mga bahay aliwan.

Sa pagkakataong ito ay minabuti nina Lyze na sa bayang ito na maglipas ng gabi. At walang pag-aaksaya ay agad na silang naghanap ng mga mau-upahang silid.

Hindi naman sila nahirapan patungkol dito, bagkus ay marami na ang nag-aalok sa kanila, sa entrada pa lang ng bayan.

Sa ngayon ay sinusundan nila ang babaeng napili nila, dahil ayon dito ay malapit lang sa pamilihan ang kanilang bahay paupahan.

"Alam mo, may nabasa akong aklat patungkol sa Krintiz." Sambit ni Rishmond.

"Talaga? Sa totoo lang ay may nabasa na rin akong aklat patungkol sa Krintiz." Tugon ni Lyze.

"Ang mandirigmang dragon ng Krintiz." Sambit ng dalawa.

Saglit natahimik ang dalawa at kalaunan ay nagkatinginan.

"*Fufu... Kung ganon ay natitiyak kong maling aklat ang nabasa mo." Sambit muli ni Lyze.

"At bakit mo naman nasabi ang bagay na 'yon?" Tanong ni Rishmond.

"Dahil ang aklat na binasa ko ay pagmamay-ari ni Crow." Sambit muli ni Lyze.

Muli ay saglit na natahimik si Rishmond, subalit matapos niyang mapabuntong hininga ay muli na siyang nagsalita.

"Hindi ko tiyak ang bagay na 'yon, pero ayon kay Niyetta ay pagmamay-ari ng kaniyang guro ang aklat na binasa ko. Kaya posibleng iisang aklat lang ang nabasa nating dalawa." Sambit muli ni Rishmond.

"*Hmm... Kung hindi ako nagkakamali ay may nasabi si Crow na dalawa ang kopya na kaniyang ginawa at ang isa ay ibinigay niya sa kaniyang kaibigan. Sa tingin ko ay Ashiera nga ang tinutukoy niya." Sambit muli ni Lyze.

"Kung ganon ay naging magkaibigan sina Crow at Ashiera?" Tanong ni Rishmond.

"Mukhang iyon ang bagay na ipinalabas ni Crow, para masira niya ang seal niya kay Vladimir." Sambit muli ni Lyze.

"*Hmm... Halos dalawang araw na pero hindi pa rin nagbabalik sa'tin si Vladimir. Hindi kaya may nangyari ng masama sa kaniya?" Tanong ni Lishri.

Tahimik lang na nakikinig ang babae sa usapan ng kaniyang mga panauhin. Hanggang sa ilang sandali pa ay huminto na ito.

"Nandito na po tayo." Sambit ng babae.

Agad namang huminto sina Lyze, subalit hindi ito dahil sa babaeng nagsalita. Labis namang nagtaka ang babae at kalaunan ay napalingon sa lugar kung saan kasalukuyan ngayong nakatingin si Lyze.

"Hindi ito maganda! Si Vladimir!" Sambit ni Lyze.

Sa pagkakataong ito ay mabilis na bumaba si Lyze sa kaniyang bagon at kalaunan ay agad hiniram ang kabayo ni Rishmond. Labis namang nagtaka si Rishmond, ngunit gayumpaman ay agad niyang sinunod si Lyze.

"Sandali lang. Ano ba ang nangyayari?" Tanong ni Rishmond.

"Si Vladimir! May hindi magandang nangyayari sa kaniya." Tugon ni Lyze.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon