Kabanata III - LXXVIII: Raviel

498 37 7
                                    

8/19/19

Matapos nilang makalabas ng Garshlan ay wala nang ideya pa si Cornella kung saan na sila magtutungo. Gamit ang kapangyarihan ni Ryura ay napunta sila sa loob ng isang kagubatan. Walang ideya si Cornella kung anong bansa ang nakakasakop sa lugar na ito, gayon din sa kung bakit sila nandito sa ngayon.

"May mga bagay ka bang iniwan sa lugar na ito?" Tanong ni Cornella.

Hindi tumugon si Ryura, bagkus ay napa-kunot ang noo nito na tila may malalim na iniisip.

"*Hmm... Sabihin na nating ganon na nga." Tugon ni Ryura.

"Kung ganon ay nasaang lugar tayo ngayon?" Tanong muli ni Cornella.

"Nasa hangganan tayo ng Rohksio at Rem." Tugon muli ni Ryura.

"*Hmm... Kung ganon ay patungo tayo ngayon sa alin sa dalawang bansa?" Tanong muli ni Cornella.

"Hindi, naparito ako upang maningil. *Fufufu..." Sambit muli ni Ryura.

"Maningil?" Tanong muli ni Cornella.

Hindi maunawaan ni Cornella ang nais iparating ni Ryura at dahil tila wala siyang makukuhang magandang kasagutan ay minabuti niyang wag na lang muna itong kausapin at magbalik na lang sa loob ng kanilang bagon upang dito kumain.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto sila, dahilan upang magtaka si Cornella. Agad siyang nagpunta sa harapan ng bagon upang malaman ang dahilan at laking pagtataka matapos makita ang isang patag na lupain, hindi kalayuan sa paanan ng bundok. Ngunit isang bagay ang pumukaw sa kaniyang atensyon, at ito ay ang makapal na hamog sa mismong paanan ng bundok. Batid niyang hindi ito normal dahil ang hamog ay lumalabas lang sa madaling araw o gabi. Subalit ang hamog na ito ay labis na makapal kahit mataas na ang sikat ng araw.

"*Hmm... Anong meron sa lugar na ito? Binabalak mo bang magtayo dito ng base?" Tanong ni Cornella.

"*Hahahaha!" Tugon ni Ryura.

Agad napatitig si Cornella kay Ryura suot ang inis na ekspresyon. At dala na rin nang pagkainis ay mabilis niya itong kinutusan at galit na nagsalita.

"Ano bang problema mo?! Bakit ayaw mo akong kausapin ng maayos?!" Sigaw ni Cornella.

Napa-iling na lang si Ryura, ngunit matapos nito ay isang nakakatakot na presensya ang kaniyang malakas na pinakawalan.

Sa katunayan ay labis na nagulat si Cornella matapos maramdaman ang presensyang pinapakawalan ni Ryura at hindi na nakakapagtaka na mabilis nagliparan ang mga ibon papalayo, pati na rin ang iba't-ibang uri ng hayop sa buong paligid ay agad napatakbo papalayo sa kanilang kinatatayuan.

Hindi lubusang maunawaan ni Cornella ang dahilan, subalit ito ang unang beses na naramdaman niya ang ganitong presensya mula kay Ryura. At batid niyang hindi ito isang biro o pagpapakita ng kaniyang lakas at kapangyarihan.

Napalunok na lang si Cornella habang pilit iniisip ang mga dahilan, hanggang sa ilang sandali pa ay ilang mga kalalakihan ang kaniyang napansin sa kanilang likuran. At kahit malayo ang mga ito ay batid niyang takot ang mga ito, base na rin sa biglaan nilang paglabas sa kanilang mga pinagtataguan.

"*Fufufu... Mukhang tama nga ang batang 'yon." Sambit muli ni Ryura.

Matapos magsalita ay marahang lumutang si Ryura sa ere at kalaunan ay mabilis ding bumaba sa lupa. Saglit siyang naglakad hanggang sa makarating sa sentro ng patag na lupain.

"Raviel! Hindi mo ba pauunlakan ang aking pagbisita? *Fufufu..." Sambit muli ni Ryura.

Sa pagkakataong ito ay mas malakas na presensya ang kaniyang pinakawalan, dahilan upang yumanig ang buong kalupaan.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon