Chapter 20

3.1K 120 21
                                    

Yesh chugged the glass of beer down. Siya na lang ang naiwan sa table nila dahil ang mga kaibigan niya ay nakikipagsayawan na sa gitna ng dance floor.

Hindi na niya alam kung gaano karami na ba ang nainom niya pero mukhang naparami na siya dahil medyo naliliyo na siya sa tama ng alak.

When she looked at her wristwatch, its already four in the morning. Her friends are already wasted, at mukhang siya na lang ang kahit papaano ay nasa matino pang pag-iisip.

She turned her head when someone place their hand on her shoulder.

"What?" Mataray na tanong niya sa lalaking humawak sa balikat niya.

"You alone miss? Wanna have some fun with me?" Malanding tanong sa kaniya ng lalaki at pinakatitigan niya pa ito para siguraduhing hindi niya ito kilala.

"Nope. Not interested. Get lost." Mataray na sagot naman niya.

"Pakipot ka pa miss eh." Pagpupumilit naman ng lalaki sa kaniya kaya huminga muna siya ng malalim bago ito samaan ng tingin.

"Kapag hindi ka umalis sa harapan ko, babasagin ko yang kung ano mang nasa pag-itan ng mga hita mo." Siguro ay dahil na rin sa tama ng alak, medyo napalakas ang boses niya.

Masama ang tingin niya sa lalaki at mukha namang natakot ito sa kaniya kaya umalis ito sa harapan niya. May narinig siyang sumipol pero hindi na niya tiningnan kung sino man 'yon. She rolled her eyes as she drank another glass.

"What a way to ruin my mood." Quint heard Yesh's words.

"Woah woah woah. Scary." Sambit ni Riley pagkatapos nitong sumipol.

Kababalik lamang nito sa lamesa nila matapos nitong magpakasasa sa pagsayaw.

"Dude ang astig non. I think I'm in love." Bigla namang sambit ni Stanley habang nakalagay ang kamay nito sa dibdib at nakapikit pa ang mga mata.

"Wag mo nang ituloy 'yan. Hindi mo kaya 'yong babaeng yun." Quint commented when he remembered how Yesh usually is and his friends looked at him.

"Kilala mo?" Excited na tanong ni Riley sa kaniya.

"Oo." Maiksing sagot niya naman at parang mga ulaga ang mga kaibigan niya na pinalibutan siya.

"Chix mo pre?" Kaagad na tanong ni Sjhon.

"Close kayo? Pakilala mo naman ako." Sambit naman ni Stanley.

"May bago ka nang bebe Quint?" Parang batang tanong ni Riley habang sina Connor at Dark naman ay nag-iintay ng sagot niya sa mga tanong ng mga kaibigan nila.

"Hindi ko siya chix. Close kami? Sakto lang. Wala akong bagong bebe." Prenteng sagot niya naman at uminom mula sa baso niya.

"So, papakilala mo ba ako?" Tanong ni Stanley at nginisian niya ang kaibigan.

"Hindi." Nakangising sagot niya at sinimangutan naman siya ng kaibigan niya.

"Ang damot. Akala mo naman. Parang hindi kaibigan eh." May halo ng pagtatampo ang boses nito kaya naman tumaas ang sulok ng labi niya.

Iimik pa sana siya nang may sumagi sa balikat niya kaya naman napalingon siya.

"Shit." Rinig niyang sambit ni Yesh at kumapit ito sa likod ng upuan niya.

"Oh, Q!" Gulat na bati nito sa kaniya habang nakangiti.

Her face is flushed at mapungay na rin ang mga ng dalaga, which made Quint want to chuckle.

"Lasing ka na." Aniya at umayos naman ng tayo si Yesh bago ito nagsalita.

"Nope. Just tipsy. Nabigla lang ang katawan ko kasi bigla akong tumayo at naglakad." Sambit nito na para bang nagpapaliwanag ito sa kaniya.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Where stories live. Discover now