Chapter 38

2.4K 108 35
                                    

"Tutal wala ka nang sasabihin, I'll go home. At hindi mo na ako kailangang ihatid, I can go home by myself."

When Yesh reached the top of the staircase, Quint suddenly grabbed her hand kaya naman napalingon siya sa binata.

"What? May sasabihin ka pa ba?" Tanong niya rito at hindi naman ito nakaimik.

"If  you have nothing more to say then let me leave. I'm tired Quint. I'm drained." She calmly said as she tried her best to suppress her emotions a little more.

"Don't leave." Biglang sambit naman nito kaya walang buhay niyang tiningnan ang binata.

"Give me one reason as to why I shouldn't leave right now." Nakataas ang kilay na sambit niya at ilang segundo itong nag-isip bago ito sumagot.

"Because, I'll tell you. I'll tell you everything about my past with her." Sagot naman nito na para bang iniiwasan nitong sabihin ang pangalan ni Ivy kaya naman nginitian niya ang binata.

"Although that is a very tempting offer, you don't need to. You already look like you are about to cry, and I'm not so cruel as to force a person to talk about something that he isn't even ready to talk about." Pagtanggi niya rito at umiling naman sa kaniya ang binata.

"No. You should know. You deserve to know." Sagot naman nito at ilang segundo niyang pinakatitigan ang binata bago siya umimik.

"Alright. If you say so." Sambit niya at nagkibit balikat bago inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan.

"Schatz. Come on. Where are you going? Akala ko ba papakinggan mo ako?" Paghabol nito sa kaniya kaya naman bumuntong hininga siya at saka lang siya humarap sa binata nang makababa siya ng hagdan.

"Uupo ako sa couch dahil nangangalay na ako. Ano bang problema mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya rito at mukha namang napipilan ang binata pero kaagad din itong nakabawi.

"Can't we talk in my room?" Tanong nito kaya naman nginisian niya ito.

"Do we really need to have our talk inside your room? Is there a reason for it?" Aniya as she tilted her head at him habang nanatiling walang emosyon ang mukha niya.

Nang hindi umimik ang binata ay hindi niya mapigilang mapairap.

"I thought so." Komento niya at nagsimulang maglakad patungo sa couch nito at umupo.

She crossed her legs at humalukipkip siya habang deretsong nakatingin sa binatang nakatayo sa harapan niya. She didn't spoke a word and just stared at him. Quint looked at her na para bang iniisip nito kung paano ito magsasalita.

But she didn't do anything to make him feel comfortable. She's mad. Calling her Ivy while he was half-asleep? Baka iyon ay kaya niya pang palampasin. But calling her kitten when he's wide awake? Nagpupuyos siya sa galit at sobrang bigat ng dibdib niya.

She wanted to applaud herself dahil hanggang ngayon ay napipigilan niya ang sarili niyang umiyak. She is a strong woman. And this isn't enough to make her break down in front of someone.

Quint then quietly sat on the couch in front of her at ipinatong nito ang magkabilang siko sa hita nito as he clasped his hands.

"That person-" Kaagad niyang pinutol ang sasabihin nito nang marinig niya kung paano ito magsimula.

"That person?" Nakataas ang kilay na tanong niya rito.

"If you don't want to talk about it, then don't force yourself to. Una sa lahat, hindi ko sinabing ikwento mo sakin ang nakaraan niyo. Pangalawa, hindi kita tinanong ng kahit ano tungkol sa kaniya. At patatlo, if you're only doing this para ma-justify 'yung nagawa mo, then you should stop. Because I don't think knowing your past with that woman would justify what you made me feel." Malamig na sambit niya sa binata at kita niya ang pagbakas ng takot sa mga mata nito.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Where stories live. Discover now