Chapter 55

3K 106 23
                                    

A small smile formed on Yesh's lips when she saw Quint sleeping beside Quade's crib. Nakaupo ito sa single couch at doon na natutulog habang nakahilig ang ulo nito sa crib ng anak nila. 

Nagising lang siya para sana mag banyo pero ito ang unang bumungad sa paningin niya kaya naman hindi niya napigilan ang ngiting puminta sa labi niya.

She tapped Quint's cheeks at nagmulat naman ng mata ito nang matapik niya ang pisnge nito ng ilang beses.

"Huh? Schatz? Bakit gising ka na?" Inaantok na tanong nito at niyakap siya sa bewang.

"Magbabanyo ako. Bakit ba diyan ka natutulog?" Kaagad na sambit niya naman at naghikab muna si Quint bago nito sinagot ang tanong niya.

"Quade was crying kanina. Ayaw ko namang magising ka because you've been taking care of him the whole day." Anito bago siya nito binitawan nang tapikin niya ang braso nito.

"Humiga ka doon sa kama." Aniya at tinalikuran ito para pumunta sa banyo.

Nang matapos si Yesh sa kailangan niyang gawin sa loob ng banyo, she opened the door and saw Quint carrying Quade habang hinehele nito ang anak nila.

"He was about to cry kanina. Tumatahan naman siya kapag buhat ko siya, pero kapag binababa ko siya maya-maya umiiyak na siya ulit." Quint stated as soon as he saw her kaya naman napatawa si Yesh.

"Give him to me. Matulog ka na doon. Nakatulog naman na ako." Aniya at umiling naman sa kaniya si Quint.

"This is easier than my work schatz. Just rest." Sambit nito sa kaniya at hinalikan siya sa noo.

"You sure?" Paninigurado niya rito at tumango naman si Quint sa kaniya.

"Sige na, matulog ka na."

Nang muling magmulat ng mata si Yesh ay mataas na ang sikat ng araw. Nang tingnan niya kung anong oras na ay napabalingkwas siya ng upo sa kama.

Mabilis na naghilamos siya at nagsipilyo bago dali-daling ipinuyod ng messy bun ang buhok niya at lumabas sa kwarto para hanapin ang mag-ama.

Sakto namang bumukas ang pintuan ng apartment niya at pumasok doon si Quint habang buhat-buhat nito si Quade.

"Good morning. Saan naman kayo galing?" Kaagad na bati niya at naglakad palapit kay Quint.

She took Quade and Quint answered her question.

"Naglakad-lakad lang sa labas." Sagot naman ni Quint at hinalikan siya sa labi.

"Good morning, beautiful." Nakangiting sambit nito kaya naman napangiti rin siya.

"Good morning my little baby." Pagbati niya kay Quade at naglakad naman si Quint papunta sa kwarto niya at nang lumabas ito ay buhat-buhat na nito si Bear.

"Bear says good morning as well." Sambit ni Quint nang tumahol si Bear kaya naman napatawa siya.

"Hi there." Yesh then said as she tapped Bear's head.

"Nag-agahan ka na ba?" Tanong niya kay Quint at umiling naman ito.

"Nope. But I did order something for breakfast. Para hindi ka na magluto. I ordered it from Zeke's, kahit pa hindi ako natutuwa sa cafe niya." Parang napipilitang anito kaya naman napailing na lang si Yesh.

"Pwede ba Quint? Mag-move on ka na." Sambit niya rito at umupo sa couch habang buhat-buhat pa rin niya si Quade.

She started breastfeeding Quade habang nakikipagkwentuhan siya kay Quint.

"I bragged about my son sa mga kasalubong namin kanina. They all praised him. Ang cute daw ni Quade." Parang batang excited na nagkwento sa kaniya si Quint kaya naman napatawa siya.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Where stories live. Discover now