Chapter 53

2.9K 120 21
                                    

"What do you think about this?" Tanong ni Quint habang ipinapakita nito ang damit kay Yesh.

"Why the heck would our son wear a suit and tie when he cannot even sit nor walk yet?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yesh at kumunot naman ang noo ni Quint.

"Wouldn't it be cute kung nakasuit and tie din siya tapos isasama ko siya sa trabaho? We'd be matching." Nakasimangot na tanong niya kay Yesh at napailing na lamang ito sa kaniya.

"Why would you even bring him to work?" Nagtatakang tanong sa kaniya ni Yesh at ibinalik na nito ang atensyon nito sa pagpili ng damit ni Quade.

Quade is scheduled to leave the hospital tomorrow, kaya naman namimili sila ng mga bagong damit nito.

"'Cause I want to brag about my son?" Patanong na sagot niya kay Yesh na tinawanan lamang siya.

"Quint, Quade needs care. Saka mo na ipagyabang ang anak mo kapag nagsimula na siyang lumakad. You can't bring an infant to work for goodness's sake." Sambit nito kaya naman napanguso na lang siya pero kumuha pa rin si Quint ng ilang pares na mas malaki ang size at inilagay ito sa cart.

"What? I picked a bigger size na nga eh." Kaagad na sambit niya nang tingnan siya ni Yesh.

Bumuntong hininga na lang ito at inilagay din sa cart ang napili nitong damit.

"Kailan ba natin pwedeng iuwi si Quade sa Pilipinas?" Tanong ni Quint kay Yesh habang itinutulak niya ang cart.

"Well, he's four months now. Actually, we can leave as soon as we get his Pedia's permission pero, I don't know. I don't want to rush kasi lalabas pa lang siya ng hospital. Maybe after a month or two, I'll go talk to his doctor about traveling, but right now, I just want to spend some time with my son without any worries." Sagot sa kaniya ni Yesh kaya naman tumango-tango siya.

"Shouldn't you go back to the Philippines already? Maawa ka sa mga kaibigan mong umaasikaso ng trabaho mo." Biglang sambit naman ni Yesh.

"Pinapalayas mo na ba ako?" Nakakunot ang noong tanong niya rito at tinawanan naman siya nito.

"Hindi kita pinapalayas. Sinasabi ko lang na asikasuhin mo ang dapat mong asikasuhin." 

Titig na titig si Yesh sa mukha ni Quint habang natutulog ito ng mahimbing sa couch na nasa apartment niya. Nang makauwi kasi sila galing sa mall ay nagsabi ito sa kaniya na magpapahinga muna ito bago ito umalis at nang mapatingin siya ulit kay Quint ay natutulog na ito.

Quint's just wearing his usual white sleeveless shirt, kaya namang kitang-kita niya ang maskuladong braso nito na puno ng mga tattoo. Napakakalmado ng mukha nito habang natutulog kaya naman hindi niya na sinubukang gisingin ito.

Yesh went inside her room as she took a blanket. Dahan-dahan niyang kinumutan si Quint. It's been months since they started talking again, pero wala namang importanteng nangyari sa kanila. Aside from visiting Quade everyday, wala naman silang ibang nagagawa at napapagusapan. 

And this is the first time na dito nakatulog si Quint. Hindi alam ni Yesh kung maghihintay pa ba siya o kung sasagutin na niya ang panliligaw nito.

Pakiramdam niya kasi niloloko na lang niya ang sarili niya. Even though they're together, Yesh is not acting sweet towards Quint. Kahit pa gusto niyang yakapin ito, she was stopping herself from doing so.

Yesh picked Bear up as she continued to stare at Quint's sleeping face. 

"He's handsome, isn't he?" Bulong niya kay Bear at natawa siya nang maisip niyang para siyang baliw sa ginagawa niya.

Tinalikuran na niya si Quint at nagtungo papasok sa kwarto niya. She then placed Bear on the bed before she walked towards the bathroom. Yesh took a quick shower before she went out of the bathroom. Nakarobe lang siyang naglakad patungo sa vanity mirror niya at nagsimulang i-blow dry ang buhok niya.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon