Chapter 28

2.7K 106 14
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Yesh nang makita niya ang kapatid niyang nakasakay sa loob ng eroplano nang makapasok sila ni Quint. Nakakunot ang noo nito at mukhang masama ang mood ng kapatid niya kaya hindi niya maiwasang mapakunot din ng noo at magsalita dahil mukhang hindi pa siya nito napapansin.

"Wyndell? Bakit ka nandito? And why do you look like you're about to murder someone?" Nagtunghay ng tingin sa kaniya ang kapatid niya at kaagad naman itong tumayo mula sa kinauupuan nito at lumapit sa kaniya.

"Ate!" Sambit nito at nagtago sa likod niya.

"That motherfucker! That, ugh!" Sambit nito at may itinuro na lalaki kaya naman napatingin siya sa lalaki and why was she not surprised when she saw Quint's friend, Riley, sitting on to where her sister is pointing at.

"He freaking dragged me here! I should be at the hospital by now, working, pero 'yang baliw na 'yan, hindi ko alam kung paano niya napapayag ang boss ko pero, ugh, ewan ko. Basta ang alam ko kasalanan ng pesteng yan!" Galit na sumbong nito sa kaniya kaya naman nakataas ang kilay na tiningnan niya si Riley.

"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong niya rito.

"Gusto ko siyang isama papuntang Russia, so sinama ko siya." Sambit nito at nagkibit balikat.

"So that's why you took Euclid's Ducati." Biglang sambit naman ni Quint na nakatayo sa tabi niya.

"Yep. Paano mo nalaman? Ikaw ha bestfriend, iniistalk mo ako ha." Nakangiting sambit ni Riley kay Quint na walang ganang nakatingin kay Riley.

"Kausap ko si Euclid habang itinatakbo mo ang Ducati niya, Ri. Wag kang assuming." Sagot naman ni Quint at walang kagana-gana ang sagot nito kaya gustong matawa ni Yesh.

"You!" Napatingin sila sa kapatid niyang nagpupuyos sa galit.

"Yes, my lady?" Nakangiting sagot naman ni Riley dito.

"You motherfucker, let me go back to the hospital, you dipshit!" Galit na angil ng kapatid niya.

"People, please, don't fight here. Riley ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo? I can hear you all from outside." Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses.

A handsome man, together with a very beautiful woman and a little boy walked towards them.

"Daemon! It's been a while, my man!" Riley walked towards them like a kid seeing his friend after a long time.

"Yeah." Sagot ng lalaking nagngangalang Daemon at nakipag-fist bump ito kay Riley.

"Hello kiddo. Hey Snow." Pagbati ni Quint sa babaeng katabi nong lalaking nagngangalang Daemon at sa batang nakahawak sa kamay nito.

"So, ano na namang kalokohan ang ginawa ni Capetian?" Napatingin sila sa pinanggalingan ng boses and Yesh face automatically drew a smile.

"Lighty! Iuxean!" She exclaimed as she walked towards Light and hugged her.

"Hello there, my baby Indira." She greeted the little girl who's being carried by her father.

"Hello po ninang. I missed you po." Malambing na sambit ng bata sa kaniya kaya naman hindi niya maiwasang pisilin ng marahan ang pisnge nito at humagikhik naman ang bata.

"Anong ginawa ni Riley? Bakit nakatayo kayong lahat?" Tanong sa kaniya ni Light.

"Kinidnap daw sa hospital si Wynds." Sagot niya naman at napatawa naman si Iuxean.

"Really? Capetian? Kidnapping? Ang pangit talaga ng style mo pag dating sa mga babae." Pang-aasar ni Iuxean kay Riley na kaagad na sumimangot.

"Hindi ko siya kinidnap. Pinilit ko lang siyang sumama." Depensa nito at napailing na lang sila sa sagot nito.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon