Chapter 35

2.4K 111 11
                                    

Hindi alam ni Yesh kung bakit kahit pa nakarami na siya ng inom ay hindi pa rin siya nalalasing.

"Why did I have such a freaking high tolerance against alcohol?" Inis na reklamo niya at muling ininom ang laman ng baso niya.

"Girl, people want what you have kaya pwede bang huwag kang magreklamo tungkol diyan sa tolerance mo dito sa harapan ko? Besides, may tama ka na, kaya umayos ka diyan." Sambit ni Rosean sa kaniya na naiiling kaya naman sinimangutan niya ito.

"Pero gusto kong malasing." Pagmamaktol niya sa kaibigan.

"Let's just stop drinking tutal hindi ka rin naman nalalasing. Ayaw kong malasing dahil ako ang driver ngayon at mukhang bago ka malasing diyan, baka makatulog na ako dito sa kinauupuan ko dahil mas mauuna akong malasing kaysa sayo." Buntong hininga na suhestiyon nito at biglang nanlaki ang mga mata nito.

"No. Ayoko. Iinom pa a-" Naputol ang sinasabi niya nang biglang magsalita ang kaibigan niya.

"Oh no." Rinig niyang sambit ni Rosean at kinunutan niya ito ng noo pero bago pa ito sumagot ay may biglang humawak sa pala-pulsuhan niya at nang lumingon siya ay kita niya si Quint na madilim ang mukha at magulo pa ang buhok nito.

Mukhang bagong gising ang binata kaya naman nagtataka siyang tumingin dito.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya at inalis ang pagkakahawak nito sa kaniya.

"Hinahanap ka. Now, let's go back." Sambit nito at muling hinawakan ang pala-pulsuhan niya bago tumingin sa kaibigan niya.

"I'll take her back." Sambit nito kay Rosean na tinanguan lang ang binata tapos ay tumingin sa kaniya.

"Go, maya-maya ay sisikat na ang araw kaya umuwi ka na. I'll go home too." Sambit nito sa kaniya kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.

Hinila naman siya patayo ni Quint at nagsimula na itong maglakad kaya nagpatianod na lamang siya sa binata. Wala siyang ganang makipagtalo dito. Mas gusto niyang huwag muna silang mag-usap para makapagisip-isip siya dahil sa ngayon, sigurado siyang baka mamura niya ito kahit pa wala itong alam kung bakit masama ang loob niya rito.

"Get in." Seryosong sambit nito nang mabuksan nito ang pintuan ng passenger's seat kaya naman pumasok na lamang siya sa sasakyan pero hindi pa rin siya naimik dito.

Nang makapasok si Quint sa driver's seat ay kaagad nitong binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis na nagmaneho.

"Slow down. Nasusuka ako." Sambit niya nang maramdaman niyang bigla siyang naliliyo at nasusuka dahil sa bilis ng patakbo nito.

She can hear his deep breaths na para bang pinapakalma nito ang sarili nito kaya naman napairap siya sa hangin. Siya ang dapat na nagpapakalma ng sarili.

"Why the heck did you do that schatz?" Ramdam niya ang galit sa boses ng binata kaya naman hindi makapaniwalang tiningnan niya ito.

"What did I do? I only went out to drink. Last time I checked, hindi naman ako bawal mag-inom so why are you acting like that?" Hindi niya napigilang sagutin ito ng pabalang.

Napapikit siya nang matapos siyang magsalita. This is the reason kung bakit ayaw niya munang kausapin ito. She planned to just stay at Rosean's place for a while dahil alam niyang paalis ng bansa ang binata ngayon at ayaw niyang tumigil sa bahay niya dahil ayaw niyang maging mag-isa. Baka mabaliw lang siya sa kakaisip.

"Don't talk to me like that. Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko nong nagising akong biglang wala ang girlfriend ko sa tabi ko tapos malalaman kong nasa inuman lang pala?" Galit na tanong nito sa kaniya at pagak naman siyang tumawa.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Where stories live. Discover now