Chapter 30

2.9K 116 17
                                    

So, nakita ko yung bangayan sa wall ko hahaha. Loves wag na kayo magbangayan, mahal ko kayong lahat. Pero natawa ako habang binabasa ko 'yung bangayan niyo. Ang cute niyong lahat, kaya love ko kayo eh. Napa-update tuloy ulit ako. Siya, spread love. Stay safe sa inyo lahat. Mwa mwa~

---

"Thor, can you watch over your siblings and the others? Tell us kapag may nagkasakitan sa kanila, alright buddy?" Quint looked at Lexious who's busy talking to his son.

"Sure po daddy." Kaagad na sagot naman ng bata kay Lexious bago ito tumingin sa kanila.

"Ba-bye po." Sambit nito at tumalikod sa kanila bago nagtatakbo patungo sa grupo ng mga batang naglalaro sa gitna ng hall.

"Anong oras ba matatapos itong PG party? Gusto ko na mag-inom at mag party." Tanong ni Zeke habang nakasimangot ito.

"Kung gusto mong patayin ka ng asawa mo, sige maglasing at magsayaw ka diyan sa gitna habang nandito ang mga bata." Sambit naman ni Daemon kaya lalong sumimangot si Zeke.

"Where the heck is my wife? I wanna see my wife." Reklamo pa ni Flynn kaya naman napailing na lang si Quint dahil sa mga reklamador niyang mga kaibigan.

"Dude, iilang oras pa lang nawawala sa paningin mo si Rumi. Ikalma mo 'yan pre." Natatawang sambit ni Iuxean.

"Dude, hindi mo ba nami-miss ang asawa mo?" Tanong ni Flynn kay Iuxean at nagkibit balikat naman ang kaibigan niya.

"My man, I'm trained to not see my wife every single time. Ipapaalala ko lang sayo na artista ang asawa ko kaya malimit busy siya. Besides, hindi ako kulang sa pagmamahal kagaya mo." Sagot ni Iuxean sa tanong ni Flynn kaya naman napahagalpak si Quint ng tawa.

"Tito Riley! Kyaaa!" Napalingon sila nang may marinig silang batang sumigaw at nang lumingon sila ay kita nila si Riley na bitbit-bitbit si Damien habang nakikipaglaro ito sa ibang mga bata.

"Isip bata talaga." Hindi maiwasang komento ni Quint at nagtawanan naman ang mga kaibigan niya.

"Akala mo naman talaga hindi ka sanay diyan kay Capetian. Eh kulang na lang magkapalit na kayo ng mukha dahil lagi kayong magkasama." Komento ni Pierre at walang gana niya namang tiningnan ang kaibigan.

"Kahit bayaran ako, hindi ako makikipagpalit ng mukha kay Riley. Ayos nang kaibigan ko siya, I can even give him the sun and the moon, pero hanggang 'don na lang 'yun, kuntento na ako sa mukha ko." Walang ganang sambit niya at napailing na lang si Pierre sa sinabi niya.

"Pwede bang huwag si Creed ang pag-usapan natin? Sumasakit ang ulo ko tuwing naaalala ko 'yung ginawa niya sa Ducati ko." Pagsingit naman ni Euclid sa usapan nila kaya nagtawanan sila.

"Pasalamat ka nga at buo pa 'yung motor mo. Samantalang 'yung viper ko na hiniram ni Riley last two months ago, wasak ang unahan nong bumalik sakin." Sambit ni Zaccheus kaya naman napalingon sila dito.

"Seryoso? Dude ang mahal non." Hindi makapaniwalang tanong ni Joziah at tumango naman si Zaccheus.

"Inexpect ko na na hindi babalik sakin ng buo 'yung sasakyan ko nong hiniram ni Riley sakin." Sagot nito at pagak namang tumawa si Euclase.

"Dude, 'yan lang ang reaksyon mo? Gago, sinira ang Dodge Viper mo tapos wala lang sayo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Euclase dito at bored na tumingin naman si Zaccheus kay Euclase.

"Man, naka move on na ako sa pagkasira ng sasakyan ko. Pero two months ago, gusto kong pumatay ng tarantadong prinsipe." Walang kagana-ganang sagot nito kay Euclase.

"Si Quint pa rin ang may pinakamaraming gamit na sinira ni Riley, kaya 'wag na kayong magyabangan diyan. Siya rin ang pinakasumakit ang ulo dahil ni Capetian. Di niyo matatalo si Schmidt." Natatawang sambit ni Lexious kaya naman tinaasan niya ito ng kilay.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Where stories live. Discover now