Chapter 50

3.3K 130 28
                                    

"Yesh, pansinin mo naman na ako. Come on, let's talk. Pag-usapan naman natin 'yung relasyon natin. Stop ignorning me." Quint said as soon as Yesh got out of her car.

Hinintay niya talaga ito maghapon sa parking lot ng hospital para lang makita ito at makausap. Okay lang sa kaniya kahit na hindi pa rin siya matanggap ni Yesh pagkatapos niyang sabihin ang mga gusto niyang sabihin, ang gusto lang niya ay pakinggan siya nito ngayon.

"Quint, matagal nang natapos ang kung ano mang relasyong namagitan sa ating dalawa. Can you just stop bugging me kahit isang araw lang?" Yesh asked him kaya naman bumagsak ang balikat niya.

"Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng pagkakataong magsalita at bumawi sa'yo?" Tanong niya rito at bumuntong hininga naman si Yesh bago ito naglakad at tumayo sa harapan niya. 

"Quint, the last time that I gave you a chance to be a part of my life, what did you do? Didn't you break my heart? Seriously, ano pa bang gusto mo sa akin? Look here mister," Sambit ni Yesh then she tiptoed para maging magkapantay ang mukha nilang dalawa.

"Don't you dare try to use my son para lang makausap mo ako. Dahil if I hear you use that as your reason para magkaayos tayong dalawa, even if I die, itatago ko sa'yo ang anak ko." Nakakunot-noong sambit nito sa kaniya habang nakatiad.

"I won't use him." Pag-iling niya rito.

"I just want to make it up to you. Can't you at least give me one last chance? If I fuck this chance up, hindi na kita kukulitin kahit kailan. Bigyan mo naman ako ng chance na bumawi sa'yo schatz." Halos nagmamakaawang sambit niya rito at tiningnan naman siya ni Yesh habang nakataas ang kilay nito.

"And if I give you a chance, anong gagawin mo?" Tanong nito sa kaniya.

"I won't hurt you, at least, never again. I won't make you cry because of my stupidity and ignorance ever again." Sagot niya rito at pagak namang tumawa si Yesh.

"For how long? Because the last time that I allowed you to enter my life, you also said those words to me. That you won't hurt me. That you won't make me cry. Gaano katagal nga ba bago mo ako ulit saktan? Because last time I checked, after more than a month, nag-expire na 'yung bisa ng mga salita mo." Walang emosyong sambit sa kaniya ni Yesh kaya naman hindi kaagad siya nakaimik.

"What? Cat got your tongue?" Nakangising tanong nito kaya ibinuka kaagad ni Quint ang bibig niya para magsalita.

"I learned my lesson. Hindi ko na 'yun uulitin." He said in a serious voice and Yesh hummed at his words.

"Alright. Get inside my car. Tingnan natin kung ano ba 'yang gusto mong sabihin. But if I tell you to get out, you better get the fuck out Quint." Mataray na sagot nito sa kaniya at tinalikuran siya.

Pumasok si Yesh sa driver's seat ng sasakyan nito kaya bumuntong hininga muna si Quint bago ito pumasok sa passenger's seat ng kotse.

"Speak. I'm giving you the chance to speak. Bilisan mo dahil gusto ko nang makita ang anak ko." Sambit nito at lumingon pa ito para pakatitigan siya.

Yesh's eyes were cold and distant. Quint's not really the type to get scared, but he's terrified right now. If he says one word, he'll bet it, Yesh would throw her out the car.

Quint heave a deep breath as he collected his thoughts before he started speaking.

"I'm sorry. I really am sorry." Panimula niya at sinalubong niya ang malamig na tingin sa kaniya ni Yesh.

"Alam kong kahit sabihin kong hindi ko sinasadyang saktan ka, wala 'yung magagawa sa naging kasalanan ko sa'yo. Kasi nasaktan pa rin kita. Hindi ako magbibigay ng dahilan para mabawasan 'yung galit mo sa akin. Kasi mali ko pa rin naman 'yung nangyari. Kaya I can only say sorry. Sorry kung nasaktan kita noon. Sorry if I took you for granted while we were together. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. I'm sorry. I'm really sorry schatz. And, let me tell you a tale."

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon