Chapter 14

4.5K 149 46
                                    

Hello loves. Kamusta na kayo? Hehe. Wala lang gusto ko lang mangamusta. Ito na update hihi. Vote, leave some comments and, hmm, yun lang. Stay safe, stay hydrated and I love you all! Mwaps!

--

Nagising si Ivy nang bigla siyang makaramdam ng gutom. Walang gana siyang umupo sa kama, at sumandal sa headboard nito, bago inabot ang saging na nasa bedside table nila.

Ilang beses na kasi siyang palaging nagugutom sa kalagitnaan ng pagtulog, kaya naman bago sila matulog, naglalagay si Quint ng prutas at inumin sa bedside table nila.

Nakapikit pa siya habang kumakain, dahil inaantok pa siya, pero gutom na talaga siya. Kung pwede lang sanang kumain habang natutulog, nagawa na niya.

Quint woke up when he felt something hit his face. Nang magmulat siya ng mata ay napabuntong hininga na lang siya nang makitang kamay pala ni Ivy ang tumama sa mukha niya at may hawak pa itong balat ng saging.

"Tutulog ka ba o kakain? At least choose kung ano bang uunahin mo." Natatawang aniya at bumangon.

Napamulat naman si Ivy dahil doon at inaantok na tumingin sa kaniya. Naghikab pa ito kaya naman hindi niya rin mapigilan ang sarili niya na maghikab.

Iniabot niya kay Ivy ang baso at kinuha rito ang balat ng saging na hawak nito.

"Inaantok pa kasi ako, kaso nagugutom din ako. Malay ko bang mapapaidlip ako habang kumakain." Pagsagot naman nito sa kaniya matapos nitong makainom ng tubig.

Napailing na lang siya habang nakangiti at tinulungan si Ivy na makahiga ng maayos sa kama. Nang makatulog ulit ito, dumeretso na siya sa banyo para maligo.

He plans to go to the company today, at tutal ay alas kwatro na naman ng umaga, at nagising na rin naman siya, ay maliligo na siya.

Nang matapos siyang maligo at magbihis ay nilapitan niya muna ang fiance niyang mahimbing na natutulog. He smiled when he saw his kitten smile a little, while asleep.

She was even murmuring something, pero hindi niya iyon maintindihan kaya naman mahina siyang natawa.

Ang cute talaga ng fiance niya.

Yumukod naman siya at marahang hinalikan ang noo ni Ivy bago nagpaalam rito kahit pa tulog ito.

"See you later kitten. Babalik ako kaagad, I love you."

Ivy woke up when she heard a loud sound. Nakakunot ang noong umupo siya sa kama at humikab. Inaantok pa siya, pero dahil sa ingay na narinig niya ay nagising siya.

Naiinis na tumayo siya at lumabas ng kwarto para tingnan kung ano iyong ingay na narinig niya. Inistorbo nito ang masarap niyang pagtulog. Pero pagkalabas na pagkalabas niya sa kwarto ay may marahas na kamay na humawak sa kaniyang braso at may panyong tumaklob sa kaniyang ilong.

Ivy tried to fight back, but the man is so much stronger than her. Hindi niya nakita kung sino ang lalaki, but he felt somehow, familiar.

Oh no, Quint, help me.

And she started to become nervous. She then felt dizzy, as her consciousness left her being.

Quint sighed in relief as he finished every single paper in his desk that he needs to sign. Inabot na siya ng tanghali sa opisina niya dahil sa ilang araw na rin siyang absent kaya naman natambakan na siya ng trabaho.

Mayroon pa siyang mga papeles na hinihintay na kailangan niyang pirmahan kaya naman hindi pa niya magawang umuwi at makita si Ivy.

Quint reached for his phone in his pocket as he dialed Ivy's number. Gusto niyang makausap ang fiance niya. Miss na kaagad niya si Ivy kahit pa ilang oras pa lamang silang nagkakawalay.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Where stories live. Discover now