Chapter 58

3.2K 123 35
                                    

Yesh stretched her body as she opened her eyes. She felt refreshed as she sat on the bed and roamed her eyes around the room. She saw Quint sitting on the ground habang nakikipaglaro ito kay Bear at kusang dumapo naman ang mga mata niya sa crib ni Quade.

She yawned as she stood up at napalingon naman sa kaniya si Quint na kaagad na tumayo mula sa pagkakaupo nito sa sahig at lumapit sa kaniya. Quint held her by her waist as the man placed a soft kiss on her temple.

"How do you feel? Did you have a good nap?" Tanong ni Quint sa kaniya at tumango naman siya rito habang nagkukusot ng mata.

"I feel good." She said with a hoarse voice at ngumiti naman si Quint sa kaniya.

"Anong oras na ba?" She asked as she looked at the clock.

"Eight PM. Kaya tulog pa si Quade. Alam mo naman 'yan, parang aswang, sa hatinggabi gising." Pagsagot ni Quint sa tanong niya kaya napatawa siya.

"Ang sama ng ugali mo." Hindi mapigilang komento niya at umumis naman ito sa kaniya.

"Totoo naman ang sinasabi ko." Sambit nito kaya naman humiwalay siya sa pagkakahawak nito sa kaniya at naglakad papunta sa banyo. 

Nang makalabas si Yesh galing sa banyo ay nakita niya si Quint na nakatayo sa may bintana habang nakatingin ito sa labas at nakangiti. Nakabukas ang binta ng kwarto nila kaya naman sumasayaw sa simoy ng hangin ang buhok ni Quint habang nakatingin ito sa labas at mukhang malalim ang iniisip.

She tilted her head as she looked at him. Napakaguwapo talaga nito at parang mas lalo itong gumaguwapo sa paningin niya habang mas tumatagal ang pagsasama nilang dalawa.

"Schatz." Sambit ni Quint nang mapalingon ito sa kaniya kaya naman naglakad siya papalapit dito.

"What are you looking at?" She asked at sinalubong naman siya ni Quint habang nakangiti ito.

"Come here. I want you to see something." Quint stated at naglahad ng kamay kaya naman tinanggap niya ang kamay nito at lumapit sa bintana.

Yesh's eyes widened when she saw the garden. It was so pretty that it looked like something straight out of a romance novel. Namuo ang luha sa mga mata niya at niyakap naman siya ni Quint mula sa likod.

"I wanted to have a grander proposal somewhere else, pero I'm worried na baka ma-stress ka lang sa byahe. So I decided to ask you here." Quint said habang nakapatong ang baba nito sa balikat niya.

Napakaganda ng hardin at kitang-kita niya ang mga bulaklak na talagang ini-ayos para mabuo ang tanong sa gitna ng hardin habang napapalibutan ito ng mga nagkikislapang ilaw.

May mga nakapalibot na hearts sa tanong na nasa gitna ng hardin gamit ang iba't-ibang uri ng bulaklak kaya magkakaiba ang kulay ng bawat pusong nagkalat sa paligid nito.

"I'm not a perfect man. I'm actually one of the worst kung ikukumpara ko ang sarili ko sa mga kaibigan ko in terms of being a husband material. But I'll do better for you. I'll be a better person for you."

"I'll make this short dahil ayaw kong hayaan kang umiyak ng matagal. But schatz, I love you so much. Mahal na mahal kita."

"I told you that you snatched my heart, right? Then, would you be willing to keep that heart with me by your side? Sobrang dami kong gustong sabihin but I don't want to make you cry a lot right now dahil buntis ka. I have a whole lifetime ahead of me para sabihin sayo ang nararamdaman ko. And I can tell you my feelings everyday. If, you'll give me the honor of having you as my wife?" Quint stated and the man chuckled nang marinig nito ang pagsinghot niya.

Yesh faced Quint at lumuhod naman ito sa harapan niya.

"Will you marry me?" Quint asked as he held the ring at puminta naman ang malaking ngiti sa mukha nito nang tumango siya.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu